Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

“Moving On” Ceremony

Ayon sa DepEd Order No. 7, Series of 2016, all Grade 10 learners who will complete Junior High School will have a Moving Up Ceremony and will receive a Junior High School Certificate. Kapag nakatapos na sila ng Grade 12, saka naman sila magkakaroon ng Graduation Ceremony at makakatanggap ng High School Diploma.

FYI lang naman ang naunang paragraph. What I want to share with this blog is about moving on. Pero hindi naman kailangan ng DepEd Order para magmove on ang isang tao kaya let’s get it on!

Paano nga ba mag-move on?

Akala ko siya na talaga ang taong para sa akin. Siya ang nakikita kong makakasama ko ng panghabangbuhay. Pero makalipas ang limang buwan ng magandang pagsasamahan namin, nauwi ang lahat sa hiwalayan. Nagkulang ba ako Bes? Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako? Kulang pa ba ang pagmamahal na ibinigay ko? Hindi pa ba ako sapat? – Anonymous #1

Matapos mong magtapat ng iyong nararamdaman para sa akin, bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin. Pagkatapos pakiligin ay iiwan din pala. Bestfriend lang ba talaga ang turing mo sa akin? Kung totoong mahal mo ako, bakit di mo ako ipinaglaban? Bakit hindi ako ang pinili mo? I deserve an explanation. I need an acceptable reason! – Anonymous #2

Akala ko ba sabi mo hintayin natin ang tamang panahon? Ako lang pala ang naghintay. Ako lang pala ang umaasa na magkakaroon ng tayo. Ang sakit bes. – Anonymous #3

Masaya ako sa piling mo. Masaya ka sa piling ko. Okay naman ang lahat. Pero bakit biglang nanlamig ka na lang? Sabi mo “It’s not you. It’s me.” Wow lang ha! Sana di mo na lang ako sinagot kung hindi ka naman pala sigurado sa nararamdaman mo para sa akin. – Anonymous #4

Akala ko ba nagsumpaan tayo na till death do us part? Bes, di pa ako patay. Buhay na buhay pa ako pero pinagpalit mo ako sa iba. I invested so much on us. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang muli. – Anonymous #5

Well, kung ikaw ay nakakarelate sa isa doon sa limang Anonymous, pwede bang malaman kung paano ka naka-move on? Haha!

1. Iiyak mo lang

Siguro ginawa ng Diyos ang mga mata natin hindi lamang para makakita kundi para makaiyak. Ang galing ano? Imagine kung sa ilong ka iiyak. Parang kadiri. Based sa mga nababasa ko, mas prone sa heart attack ang mga lalaki kasi hindi sila madalas umiiyak sa mga problema. Macho eh. We need to project our manhood. Kaya naman minsan kinikimkim na lang. Hinayaan na sarilin ang problema. Unlike sa mga girls, talaga naman iiyak sila. Minsan magtatawag pa ng friends para may karamay. Parang ang awkward naman sa lalaki kung ganun diba? Halimbawa may isang lalaki na tatawag sa isa pa niyang kaibigang lalaki, “Pare, pwede mo ba akong puntahan dito sa park sa bayan? Samahan mo naman akong umiyak.” Pambihira! #Minola 

Okay naman talagang umiyak. Healthy yan. Pero kung isang buwan ka nang umiiyak tuwing gabi, aba hindi na maganda yan. Baka ma-dehydrate ka. LOL Inum ka ng maraming tubig. Yung tubig na hindi ka iiwan. Haha!

2. Make an official statement sa Facebook

Hahaha! Ewan ko kung may gumagawa nito pero guys, we need closure on our part. Isang taon naming nila-like ang pictures ninyong dalawa noong kayo pa. May hashtag forever pa kayong nalalaman. Kahit picture ng resibo sa date ninyo pinopost pa. May mga puso puso pang nalalaman sa comment section. Every monthsarry may mahabang post sa Facebook kung gaano niyo kamahal ang isa’t isa. Ang profile picture ninyo ay napaka-sweet at naka-couple shirt pa. Tapos ano? Biglang maguguluhan kami kasi hindi ka na nagpopost ng  mga pictures ninyo together. Nagbago ka na ng profile picture.

Bes, pwede bang magpost ka rin ng official statement?

Post: Sa lahat po ng mga sumubaybay sa relasyon naming dalawa ni <insert the name of your ex, and please tag him>, maraming salamat po. Salamat sa lahat ng likes at hearts sa bawat posts po namin patungkol sa aming dalawa. May mga bagay lang po talaga na minsan kailangan nating maranasan para tayo ay matuto. Hindi ko na po papahabain pa. BREAK NA PO KAMI. #MovingOn

Simple lang diba? Kay dali lang nan i-type at ipost. At least may closure rin sa part namin. Hindi lang kayo ang need ng closure, kami rin. Haha! I think kung may mga mag-comment man at magtatanong kung bakit kayo naghiwalay, you have the right not to reply to them. For sure they will understand.

3.

4. Keep yourself busy

Hindi lang basta busy. Dapat maging busy sa makabuluhang mga bagay. Attend ka ng mga seminars. Mas maganda siguro kung about finances or about a specific talents like songwriting, calligraphy and arts. Pwede naman na sumali ka sa mga fun runs. Naka-move on ka na, naging healthy ka pa!

Try mong mag-travel. Simula noong naging kayo ng ex mo, hindi ka na nakasama sa gala ng dati mong mga kaibigan. Maybe it’s time na bumawi ka naman sa kanila. Akyat kayo sa Pico de Loro or magpunta kayo sa Pinto Art Museum.

Kung low budget naman ang need mo para maging busy, magbasa ka na lang ng mga libro. Huwag naman puro Harry Potter. Try mo din minsan ang Lovestruck Series. Baka gusto mo rin basahin ang libro ko – LOVE is BLOG. Comment ka lang, malay mo free delivery para sa iyo. Maka-move on ka lang. Haha! Pero kung talagang wala kang pera, makinig ka na lang sa radyo! Ok itong Heart Line (702 DZAS – AM) ng FEBC. Monday – Friday, 9:30 to 11:30pm ata ang time nila sa radio. Check mo na lang sa Facebook nila. May payo ka na, may refreshing songs ka pa!

Gusto mo pang magpaka-busy? Magbasa ka ng blogs ng True Love Waits (wagmuna.com). Ikaw kasi eh! Di ka naghintay. Lumande ka agad. Ayan tuloy. Ikaw ang nasaktan. Pero don’t worry, lahat naman pwede pang maitama. Kung nagsisisi ka talaga, then ask God for His forgiveness. The Lord is gracious, and full of compassion; slow to anger, and of great mercy. (Psalm 145:8)

5. Pray

Need I say more? Minsan kasi hindi natin naaalala si God sa mga panahong okay ang lahat sa atin, sagana sa finances, walang heart breaks, at all is well. Tinamaan ka? Aba, tamaan ka! Noong unang beses ka ngang ngitian ng ex mo during the time na una pa lang kayong nagkakilala, tinaman ka nga eh.

Hindi ko alam kung naniniwala ka sa Diyos pero kung hindi ka naniniwala, why don’t you give yourself a chance para makilala mo Siya? I’m not a theologian and I cannot prove to you the existence of God by merely stating statements and facts pero for me it’s about faith. I’ll share next time more about this topic.

So ayun nga. Manalangin tayo na maghilom ang mga sugat ng kahapon. Hindi naman biglaan ang moving on. Instant moving on? Ang instant noodles nga hindi healthy sa katawan, so baka hindi rin healthy ang instant moving on. Sino bang niloloko mo kundi sarili mo lang. Sasabihin mong nalimutan mo na siya pero hindi naman talaga. Sasabihin mong wala na ang sakit pero duguan ka pa rin inside. Internal hemorrhage.  Ayusin mo kasi. Deal with the roots and not with the fruits. Ano raw?! Basta!

Kung unrequited love naman iyan. Check this prayer: A Prayer for the Girl Who Endures Unrequited Love and Rejection. Dasalin mo ng three times a week before going to sleep. 🙂

“Prayer is the most important thing you can do for the most important people in your life.” – Desiring God

“The reality is, my prayers don’t change God.  But, I am convinced prayer changes me.  Praying boldly boots me out of that stale place of religious habit into authentic connection with God Himself.” – Lysa TerKeurst

“If you believe in prayer at all, expect God to hear you. If you do not expect, you will not have. God will not hear you unless you believe He will hear you; but if you believe He will, He will be as good as your faith.” – Charles Spurgeon

“Prayer is not asking. Prayer is putting oneself in the hands of God, at His disposition, and listening to His voice in the depth of our hearts.” – Mother Teresa

Do not be anxious about anything, but in every situation, by prayer and petition, with thanksgiving, present your requests to God. – Philippians 4:6

Sorry hindi ko na matapos yung #3 kasi inaantok na ako. Impromptu blog lang kasi ito. Actually nanonood lang ako kanina tapos may news about Moving On Ceremony, then naisipan kong magandang topic iyon pero in the contect of moving on. Haha! Pero kung may suggestion ka for #3, feel free to comment. Good night muna mga bes!

PS: Sabi pa pala sa DepEd Order (Number 4), Moving Up or Closing ceremonies should be simple. Kagaya ng moving on, gawin mong simple lang. Huwag masyadong kumplikado! I hope maka-graduate ka na! 😉

Update (4-4-17): One of my blogger friend shared this to me in FB. And I was…. WOW! Pwede naman pala mangyari ang #2 na sinasabi ko sa article na ito.

***

Advertisements

36 comments on ““Moving On” Ceremony

  1. rosemawrites
    April 11, 2017

    ay. grabe yung #2. at yung post. bakit hindi ko naisip to. HAHA. galeng. galeng.

    Liked by 1 person

  2. RheaAngeline
    April 3, 2017

    Yung #2, tama! Kelangan din natin ng closure! HAHAHA.

    Liked by 1 person

  3. esorenneiluj25
    April 3, 2017

    Gusto ko yung tip #2… Nag-invest tayo ng oras sa paglalike at heart heart.. tapos ganun na lang open-ended… Hahahahaha 🙂

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      April 3, 2017

      It takes a brave heart to do that. Haha! Ikaw ba? May moving on story ka? haha

      Liked by 1 person

      • esorenneiluj25
        April 3, 2017

        Totoo naman… Siguro wag na lang silang magpost ng mga napakasisweet na pictures, para di masakit sa mambabasa. Hahaha

        Pwede na ba ang moving on sa corrupted na SD card? Yun lang kasi ang moving on story ko… Hahaha

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        April 3, 2017

        Haha! Awww.. andun lahat ng mga pics sa SD card? Sana ganyan kadali na makalimot, yung mabubura lahat ng nakaraan. Need yan ng mga friends ko. Haha

        Liked by 1 person

      • esorenneiluj25
        April 3, 2017

        Oo, nandun lahat… ininvest lahat, pero mawawala rin pala. 😦

        Sana nga ganong kadaling magmove-on, yung isang araw, magigising ka na lang na hindi na binabasa ng phone mo yung SD card mo, tapos tapos na, burado na lahat. Pero sa totoo lang, sakit pa rin beshie! Haha

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        April 3, 2017

        Haha! Ang totoong memories naman nasa isipan. Wala sa SD card. Move on na! Buy another SD card. 🙂

        Liked by 1 person

      • esorenneiluj25
        April 3, 2017

        Letting go is the hardest part. 😦

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        April 5, 2017

        Guest blog ka sa akin Julienne! 🙂

        Liked by 1 person

      • esorenneiluj25
        April 5, 2017

        Pwede naman. Kaya lang wala naman akong love story.

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        April 5, 2017

        Hahaha! So kailangang may love story muna bago mag-guest blog? LOL! Pwede mong topic ay being an NBSB? hehe

        Liked by 1 person

      • esorenneiluj25
        April 5, 2017

        Hahaha..pwede naman. Grabe sya, wala man lang busina.
        Go! Panu ba?

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        April 5, 2017

        Sige, eto ang title: 10 Things You Need to Know from an NBSB
        Kaw na bahala dumiskarte. 🙂 Send mo sa akin sa email. Wordfile. Haha!

        Liked by 1 person

      • esorenneiluj25
        April 5, 2017

        Nakakapressure. Sana mabigyan ko ng hustisya ang mga NBSB! Hahaha

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        April 5, 2017

        Don’t be pressured. Peer pressure lang yan. LOL I’m excited for this. haha You have 10 days to do it. Deadline is on April 15. 😉

        Liked by 1 person

      • esorenneiluj25
        April 5, 2017

        Grabe sya oh. Kelangang pagnilay-nilayan. Hahahaha… Mahirap to… 20+ years of being single ang pagninilayan ko. Haha

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        April 5, 2017

        tama yan. isabay mo sa mahal na araw. haha basta email mo ako ha. haha

        Liked by 1 person

      • esorenneiluj25
        April 4, 2017

        Doctor Eamer, may gumawa na ng suggestion #2 mo sa facebook.. Karla & Gio. Actually tinag ko yung Doctor Eamer’s Blog FB Page. Ang courageous ni girl. Wala lang, nabalita ko lang. 🙂

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        April 4, 2017

        Nakita ko nga! 🙂 I shared it sa FB Page already. Hehe Saka inupdate ko itong blog ko. Andito na story nila. Haha Thanks for the tag! Astig nga si Karla!!!

        Liked by 1 person

      • esorenneiluj25
        April 4, 2017

        Haha… Ayan nabasa ko na… Thanks din sa tag! 🙂

        Liked by 1 person

  4. ddleones
    April 2, 2017

    Anonymous #1 :)))))))))))))

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      April 2, 2017

      Hahaha! Balita ko graduate ka na. May award ka pa nga raw eh. With high distinction. 😉

      Liked by 1 person

      • ddleones
        April 3, 2017

        Hehehe. Thank you, thank you. Wouldn’t have done it without you. Nuuuks. Hahaha. And PSA!!! Heart heart :))

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        April 3, 2017

        asan na yung valedictory video mo?! haha #IAMSINGLE

        Liked by 1 person

      • ddleones
        April 4, 2017

        HAHA. Gagawin ko na, pag hindi na ako ngongo. Hehe. Recovering pa. :))

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        April 4, 2017

        Awwww. May sakit ka? Pagaling ka! Mahirap magkasakit kapag single. hehe

        Like

      • ddleones
        April 6, 2017

        Nahirapan ka ba? Ako hindi naman. Hahahahahahaha 😛

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        April 6, 2017

        Wow! Resilient. LOL Hindi naman ako nahihirapan kapag may sakit. Maalaga mother ko eh. haha

        Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on April 2, 2017 by in Love & Relationship and tagged , , , , , .
%d bloggers like this: