Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

The Parable of the Prodigal Boyfriend

May isang magkasintahang lalaki at babae ang nasa isang parke ng Rizal. Sinabi ng lalaki sa kanyang kasintahan, “Mahal, hindi pa pala ako handa sa relasyon nating ito. Pasensya na. It’s not you, it’s me.” Binitiwan ng lalaki ang pagkakahawak sa kamay ng kanyang kasintahan at umalis patungo sa direksyon papalayo.

Pagdaan ng ilang araw, nag-impake ang lalaki at umalis siya sa kanyang apartment na tinitirhan. Nagtungo siya sa Sagada. Doon ay nilustay niya  kanyang naipong pera. Naubos na ito makaraan ang tatlong buwan. Isinanla niya rin ang kanyang laptop at iphone para may magastos pa rin subalit naubos din agad ito makalipas ang ilang araw.

Upang makaraos kahit papaano, namasukan siya bilang boy sa isang babuyan.  Dahil sa gutom ay gusto na niyang kainin kahit ang mga pinagbalatan ng gulay na kinakain ng mga baboy ngunit wala kahit isa man na nagbigay sa kanya ng anuman.

Subalit nang matauhan ay sinabi niya sa kanyang sarili, “Sa tuwing magkasama kami ni Mahal ay hindi ako nakakaranas ng gutom. Lagi niya akong nililibre sa Jollibee lalo na kung wala pa akong allowance. Babalik ako sa kanya at sasabihin kong, ‘Mahal, nagkamali ako sa pag-iwan ko sa iyo. Hindi na ako karapat-dapat maging iyong kasintahan. Ituring mo na lang ako bilang isang kaibigan.’”

Kaya siya ay umalis agad sa Sagada. Sumakay ng bus pero hindi nagbayad. Binalikan niya ang kanyang kasintahan. Ngunit malayo pa lang siya ay natanaw na siya ng kanyang Mahal at labis itong naawa sa kanya dahil namayat siya masyado. Sinabi ng lalaki na may pagluhod at pag-iyak, “Mahal, nagkamali ako sa pag-iwan ko sa iyo. Hindi na ako karapat-dapat maging iyong kasintahan.”

Ngunit sinabi ng babae sa kanyang mga kaibigan, “Magmadali kayo! Bigyan siya ng jacket! Ilibre natin siya ng Yum Burger. Tayo ay kakain at magdiriwang! Sapagkat nawala ang lalaking ito pero muling nagbalik. Ako ay iniwan pero binalikan.” At nagsimula nga silang magdiwang.

Nasa siyudad noon ang isang malapit na kaibigang lalaki na siyang madalas na nakakasama ni babae sa kanyang mga lakad. Tinanong niya ang isang kaibigan kung ano ang nangyayari. At sinabi nito sa kanya, “Narito na si Vin, ang kasintahan ng kaibigan natin. Binigyan siya ng jacket dahil giniginaw siya. Kumain sila ng Yum Burger sa Jollibee kasama ang iba pa nating mga kaibigan.”

Nagalit ang kaibigang ito at nang magkita na sila ni babae, sinumbatan niya ito. “Sa tatlong buwang wala ang boyfriend mo, sino ang lagi mong nakakasama pagpunta sa mall, sa events, sa galaan ng barkada? Diba ako? Asan ‘yang boyfriend mo noong kailangan mo siya? Diba ako ang laging narito para sa iyo? Hindi mo nga ako nailibre kahit isang Yum Burger sa Jollibee. Noong panahon na nilalamig din ako, binigyan mo ba ako ng jacket? Diba hindi?! Subalit nang bumalik si Vin na iniwan ka, walang closure, walang paramdam, nagawa mo pang ilibre siya?!”

Kaya’t sinabi ng babae sa kaibigan, “Bes, lagi kitang kasama sa loob ng tatlong buwan na iyon. Kung ano ang mayroon ako ay iyo rin iyon. Bestfriend tayo diba? Hinayaan kita sa buhay ko at naging vulnerable ako sa iyo kasi alam kong walang malisya ang lahat kasi nga bestfriend tayo diba? Sabihin mo sa akin Bes, nagkulang ba ako? Nasaktan ko ba ang damdamin mo na hindi ko alam?”

***

Ito ay isang istorya na hango sa mas magandang istorya. Kaya’t kung hindi ka pamilyar sa istoryang iyon, I highly recommend that you read that passage. Here’s the link.

Ikaw, anong masasabi mo doon sa babae? Sa boyfriend? Sa bestfriend? Just put your comment below. 🙂

***

Advertisements

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on March 3, 2017 by in SBA & Short Stories and tagged , , , , .
%d bloggers like this: