Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Kwentong Single #14301 (Ilang Taon Ka Na?)

Ilang taon ka na? Sasagot ako 29 po this year.

Sisimangot sila at sasabihin with feelings (capital letters) ABA! MAG ASAWA KA NA!!!

Aray, sigaw ng puso ko! Isa pang aray, sigaw ng utak ko!

At isang malakas na sagot para sa lahat ng naghihintay na kaharap ko, (capital letters) SANA GANUN LANG PO KA SIMPLE ANG SINASABI NYO!!!

Yan ang malimit na eksena sa mga family gatherings, lima kaming magkakapatid at ako na lang ang single, as in wala pa ulit ako pinapakilala sa kanila na boyfriend ko or kahit manliligaw man lang.

Dama ko na bagot na sila maghintay at asiwa na sila makita ako lagi na mag isa sa pictures man or live action. Nanghihinayang daw sila sa ganda ng lahi namin, sayang daw ang dimples ko na hindi maipapamana sa future kiddos. At higit sa lahat concern sila sa kaawa awa kong kalagayan pag tumanda na ako at mag isa pa din.

Minsan gusto kong magpaliwanag, gusto kong mag maktol, gusto kong manumbat at manisi. Pero mas madalas “ngiting aso” na lang ang naisasagot ko. Hindi ako mananalo sa matatanda, respeto ang ibig sabihin ng hindi ko pag imik, gaano man kasakit ang sinasabi nila.

Teka lang may chance na ako ngayon mag explain, ako na nakakaranas ng minsan hindi fare treatment dahil single ako. May mga foul jokes like gagawing prize sa raffle ang isang tulad ko para naman magkaroon ng partner. Sakit ba ang pagiging single kasi parang nakakahawa ang single life. May expiry date ang single na babae at pag lumipas yun lalo kami mahihirapan maghanap ng partner. Kaya single kasi choosy masyado, hindi makatotohanan ang qualities na hinahanap sa partner. I would admit somehow may mga totoo sa mga jokes na yun pero I choose not to dwell sa kung ano dun ang tama or mali. Nagbabago ang pananaw ko sa way ng pagsasabi at sa relationship ko sa nagsabi.

When my parents seriously talk to me about my status, I almost cried kasi I felt their concerns and I felt that I owe them good things sa pagiging mabuti nilang magulang, at isa sa good things na yun ang family I can call mine.

So anong gusto kong sabihin sa sinusulat ko? Dalawang bagay lang naman. Una, sana be considerate and gentle sa treatment towards singles not just women pero even men. May puso din kami na handang umibig sa tamang panahon, yun nga lang wala pa talaga ngayon. May isip kami na gumagana to weigh the factors that attach if we choose to entertain suitors or pursue looking out for partner. Hindi dahilan na busy kami sa buhay kaya kami single, hindi din pwedeng ipilit na walang pasok sa standard namin, may nakakalusot naman at may oras naman kami yun nga lang hindi pa talaga siguro dinadala or ipinapakita sa amin ang tamang tao. Hindi kami naghahanap ng perfect dahil kahit kami ay hindi perfect, ang nais lang namin ay yung sakto sa panahon at pagkakataon. Walang pilitan sa relasyon, dahil lang malungkot or mag expire na kami. Pangalawa, wag kayong masyadong mag focus sa status namin na single kami, we are more than our relationship status. We have other talents and we can offer many things to humanity. If you could only see us in a positive way, we can be an inspiration to young ones. Hindi lang relationship status ang motivation sa buhay, we are good citizen of this country, we help out families and relatives achieve their dreams. Kung family ang basic unit of society, it doesnt mean na wala ng puwang sa society ang singles. Malaki ang kaltas ng tax namin dahil single kami, at ang tax na yun ang ginagamit sa anumang proyekto ng gobyerno. The more the singles the higher the tax collection. Sana makita nyo ang kaya naming magawa sa pag unlad ng bayan at hindi lang sa pagpapadami ng populasyon.

Salamat sa pagbabasa, hindi ko gustong mag maktol or mang away, ang gusto ko lang respeto. Respeto na kahit single kami pinipili namin maging mabuting tao, kahit mag isa kami pinipili namin tumulong para sumaya ang aming kaibigan at pamilya.

Respeto sa pinagdadaanan namin, dahil pag kami nagkaroon ng sarili naming pamilya, babalikan namin ang alaala ng aming single life at ituturo namin sa aming magiging anak ang respeto sa tao anuman ang kanyang relationship status.

***

Ito ay ipinadala ng isang babaeng nag-iipon pa ng tapang upang magpakilala ng kanyang tunay na pangalan. Kung nais mong magpadala ng iyong istorya at karanasan bilang isang single, mangyari lamang na sagutan ang nasa ibaba:

***

Advertisements

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on January 18, 2017 by in Singlehood.
%d bloggers like this: