Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Huwag Kang Bibitiw: A Reply to a Suicidal Email

Gumawa ako ng isang article last time na patungkol sa isang Suicide Note. Marami na kasing cases akong nabalitaan na may nagtangkang magpakamatay dito sa aming unibersidad at sa mga naririnig ko rin sa media. Ginawa ko ang article na iyon upang magbigay pag-asa kung sakaling may makabasa noon na nasa sitwasyon ng pagpapakamatay. Check the link here.

At kaninang umaga, pagbukas ko ng email ko, may isang naglagay ng mensahe sa contact form na inilagay ko sa article ko dati. Ito ang nilalaman:

 

Kung hindi mo masyado mabasa ang nasa larawan, ito ang text version:

Ito ang Kuwento Ko: Depressed ako ngayon, at 2 buwan pang nakakaraan. Masakit sa dibdib, hindi ako makatulog, walang gana kumain, hindi makabangon sa umaga, pagod maghapon, walang makitang saya sa anuman, makulimlim ang tingin sa bawat araw…

Sawang-sawa na ako. Gusto ko nang mawala sa mundo.

Ini-isip ko lang ang mararamdaman ng makakakita ng aking bangkay. Baka hindi nila makalimutan ang eksena. Baka maging guilty rin sila sa hindi pagkaka-pigil sa akin. Baka, baka.

So, ipo-postpone ko ang maitim na balak. Isang araw pa, isang linggo pa,mmaraming araw, pa dahil baka sakaling bumuka ang liwanag sa buhay ko. Harinawa.

Laging bukambibig ng lola ko, “May awa ang Diyos.” Iyan na lang ang kinakapitan ko. Parang manipis na pisi na lang ito, pero pipilitin kong huwag bumitiw.

Time: January 17, 2017 at 3:22 AM
IP Address: 73.189.164.231
Contact Form URL: http://doctoreamer.com/suicide-note/
Sent by an unverified visitor to your site.

Kung ikaw ba naman ang makatanggap nito, medyo urgent talaga ito. Kaya ginawan ko agad ng reply. Pero the problem is hindi ko alam ang name niya at email address. But I’m sure he/she is a follower of my blog since natagpuan niya ang aking article dati. So I hope mabasa niya ito.

***

Hello My Friend!

Una sa lahat, I want you to know that it’s not an accident na nabasa mo ang isa kong article about suicide note. I know God orchestrated it for you to read it. At ngayon, sana mabasa mo ang reply ko sa mensahe mo.

Maaaring napakaraming dahilan kung bakit ka depressed ngayon. Pero napakarami ring dahilan para malabanan mo ang depression na iyan. Sa totoo lang gusto kitang yakapin at sabihin na hey, kaya mo yan! At wala na akong ibang masasabi pa. Dahil sa ngayon alam ko naman na hindi mo kailangan ng maraming explanation para sa mga bagay-bagay. Maybe you just need a person that will tap your back and encourage you. *tapping your back*

Please… please. Watch this video. And I hope you will be enlightened and find encouragement. This is Nick Vujicic.

Kapag hindi pa rin talaga bumuka ang liwanag sa isipan mo, baka itong payo ng isa kong kaibigan ang kailangan mo. Kasi siya ay super depressed sa boses niya. Gusto niyang maging singer pero waley. Ayaw ng kanta sa kanya. Sabi ng mga eksperto, 50 years na training ang kailangan niya para maging quality ang voice. Grabe ano? Makakapaghintay ka ba ng 50 years? Pero kung worth the wait naman talaga, why not. Actually, we still encourage her na kumanta. Practice makes perfect daw. Saka naniniwala siya na lahat ng tao ay unique. At may nabasa nga siya na isang article na nagsasabing may siyam na characteristic ang bawat tao na unique.

1.    Iris of your eyes
2.    Retina of your eyes
3.    Lip Print
4.    Tongue
5.    Voice
6.    Teeth
7.    Smell
8.    Your walk

So ayun, unique pala siya. Ikaw rin unique ka. Kung single ka, hindi ka unique kasi marami tayong magkakatulad. LOL Anyway, she can give you some articles to ponder. Check mo ang site niya – Yro.

Actually, I have online friends na pinagdaanan din ang depression. They are both officers ng isang samahan na itinatag ko. Isang samahang magbabago sa mundo. Haha!

Unahin natin si Kath. Ilan sa mga articles na pwede mong basahin ay: Starting Over Again and Victory Over Depression and Anxiety.

Sumunod naman ay si Jem. I think makakatulong sa iyo kung babasahin mo ang mga ito: One Thing You Need To Know About Depression, My Journey of Depression — Part 1, My Journey of Depression — Part 2 and Another Shot for the Depressed.

Kung matapang ka naman at gusto mong magpakilala sa akin ng personal, I can counsel you kahit papaano. Send me an email at iamdoctoreamer@gmail.com para matanong ko rin ang details. Pero gaya nga ng sabi ko sa dati kong article, pwede mong tawagan ang Hopeline.

https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fpresidentialcom%2Fposts%2F1442175452478778%3A0&width=500Hanggang sa muli, kaibigan! Huwag kang bibitiw.

***

Advertisements

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on January 17, 2017 by in Advices and tagged , , .
%d bloggers like this: