Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

How to renew PRC license (with hugot)

Okay. This is for the benefit of all those who will renew their Professional Regulatory Commission (PRC) license. Ako ay isang Chemical Engineer by profession. Sa ngayon, isa akong kawani ng gobyerno. More on about environment-related ang trabaho ko. Una kong nakuha ang aking PRC license noong December 6, 2011. At nag-expire ito noong May, 2014. After that hindi ko na na-renew.

MInsan ang hirap makalimutan ng ‘pasts’. Pero ang mag-renew ng PRC license ang daling makalimutan. Sana PRC license na lang ang ‘pasts’.

Dahil sabi sa Revised Guidelines on the Continuing Professional Development (CPD) Program for All Registered and Licensed Professionals, required na ang mga gaya kong Chemical Engineers sa susunod na renewal. Kailangan daw namin ng 45 credit units. Nagulat ako sa mga CPA kasi 120 credit units ang need nila. Bakit kaya? Anyway, check ninyo ang guidelines dito.

Ganyan talaga. Gagawin lang kung required. Pero sana mahalin mo ako hindi dahil required ka kundi dahil gusto mo talaga akong mahalin.

Sa PRC Lucena dapat ako pupunta para mag-renew pero nabalitaan ko na mayroon na daw sa SM Calamba mula December 2016 hanggang January 20, 2017. Pipiliin ko pa ba yung malayo? Papahirapan ko pa ba ang sarili ko? Siyempre hindi na.

Huwag ka nang maghanap sa malayo. Andito lang ako. Nagpupumilit lumapit.

So ano nga ba ang steps para makapag-renew ng lisensya?

Una. Mas mapapadali kung sa mag-download ka na agad ng mga forms. Click here para sa downloadable forms ng renewal. Pero kung sobrang busy mo dahil binabalense mo ang trabaho, pamilya at girlfriend mo, huwag kang mag-alala. May free forms naman sila sa SM Calamba. By the way, nasa 3rd floor sila ng SM Calamba. Nasa dulo. Malapit sa CR. Kawawa nga sila doon eh. Informal settlers ang peg.

Sana hindi dumating ang panahon na informal settler na lang ako sa puso mo. Nakikitira at walang permanenteng lugar sa puso mo. Bigyan mo naman ako ng housing. Kahit Gawad Kalinga.

Pangalawa. Make sure may dala kang two (2) pcs passport sized picture: close up, colored, plain white background with complete name tag (last name, first name, middle name). Meron din namang pwedeng mapagpicturan sa SM Calamba. Mahal nga lang.

Kailan kaya magiging pareho ang last name natin? Kapag nagkatuluyan kayo ng isa sa mga kamag-anak kong lalaki. Haha!

Pangatlo. Pumunta na sa SM Calamba. Magpa-assess sa Window 1. Ang kabuuang ibinayad ko ay P990 (Ang annual fee ay 900 at ang surcharge fee ay 90). Ewan ko kung paano ang computation nila para sa aking penalty na hindi ako nagrenew agad. Nagtiwala na lang ako sa kanila.

Tiwala. Trust. Big word. Pero ito rin ang magbibigay ng big heartache sa iyo.

Pang-apat. Daretso kana sa Window 2. Doon ka magbabayad. Mas maganda kung hindi buo ang ibabayad mo. Para hindi na sila mahirapan na suklian ka pa.

Saklap. Susuklian ka na nga lang ng pagmamahal. Nahirapan pa siya.

Panglima. Punta sa Window 3. Printing na nung ID mo. Pero maghihintay ka mga 30 minutes depende sa dami ng ipiprint nila. Mas mainam na may gawin ka munang iba habang naghihintay. Like for me, pumunta muna ako sa Booksale. Then bumalik after an hour.

Wait. But be productive. Productively waiting bes!

Pang-anim. Bumalik ulit sa Window 1. Para makapag-log sa notebook nila na nakuha mo na ang ID mo. Ayun lang. Tapos na. Ang dali ng steps diba?

Walang saktong steps pagdating sa pag-ibig. What may work for others may not work for you. Learn to put your trust in God. Tiwala lang sa Kanya bes!

Maiba ako. Ang marriage license ba ay dapat i-renew? Haha! Wala lang natanong ko lang. Kayo na ang bahalang sumagot. Di pa naman ako kasal eh. So guys, sana huwag ma-expire ang lisensya natin sa pagmamahal!

Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.

1 Corinthians 13:4-7

***

Advertisements

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on January 6, 2017 by in Blogging and tagged , , .
%d bloggers like this: