Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Panghalip

Minahal ko siya,
Minahal niya ako.
Akala ko ay ito na ang simula ng walang hanggan.
Ngunit hindi pala kami ang para sa isa’t isa.

Minahal mo siya,
Nagmahal siya ng iba.
Akala mo ay ikaw ang laman ng puso niya.
Ngunit ikaw na lang pala ang nangangarap na mayroong kayo.

Oo, nasaktan ako.
Akala ko na ang isang ako at isang siya ay sapat na.
Na ang isang kami ay pangmatagalan.
Ngunit mali ang akala ko.

Oo, nasaktan ka.
Akala mo na ang isang ikaw at isang siya ay sapat na.
Na ang isang kayo ay pangmatagalan.
Ngunit mali ang akala mo.

Sa isang pagkakataong hindi natin inaasahan,
Ang isang ako at isang ikaw ay pinagtagpo.
Wala na ang kami at kayo.
Maaaring may naghihintay sa atin na isang tayo.

Ngunit minsan ako ay may pag-aalinlangan.
Minsan ayoko nang magmahal ng isang ikaw.
Dahil minsan pagkalipas ng ilang pagkakataon,
Ang isang ikaw ay nagiging isang siya na lang.

Kaya’t ang hiling ko sa Maykapal,
Na kapag ako ay muling magmamahal,
Sana ay sa huling ikaw na.
Sa isang ikaw na bubuo sa huli kong tayo.

Kaya’t ako ay may isang hiling sa iyo.
Na kung mamahalin mo man ako,
Mahalin mo ako hindi para makalimutan siya.
Mahalin mo ako dahil mahal mo talaga ako.

Makakaasa kang kapag minahal kita,
Ikaw lamang at wala ng iba.
Dahil ang siya o sila sa aking nakaraan ay tapos na.
Mamahalin kita dahil ako ay handa na.

***

Advertisements

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on December 5, 2016 by in Love & Relationship.
%d bloggers like this: