Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

First time kong hindi mag-“skip ad” sa Youtube. Read to find why.

Madalas akong nakikinig ng mga worship songs sa Youtube lalo kapag inaantok, stressed or gusto ko lang magrelax. Alam mo yung pakiramdam na ang sarap makinig ng kanta then patapos na ang kanta, inaabangan mo ang kasunod nito. Then biglang may ads na lalabas! Pampasira ng momentum diba? Doon kasi kumikita ang Youtube. Sa kanilang mga ads. Anyway, so lagi akong nag-skip ad kapag ganyan.

But one time this week lang, natapos ko ang isang ad. Kasi natuwa ako. Sabihin na nating kinilig. LOL

Ito ang ad na napanood ko:

This ad is from Globe PH. This is the part 3 actually. Iyan ang una kong napanood. Dahil nga natuwa ako, I became curious kung ano ang mga naunang episode. Mas natuwa ako when I watched the other two episodes. Haha! Feeling ko kasi ang daming mga makaka-relate. Actually, madaming naka-relate sa aming grupo – Philippine Single Association. Haha! Hindi ko na lang sila papangalanan.

Episode 1 – Ways to You (link)

Romeo’s Story

Birthday ng best friend niya na si Rosie. He wants to surprise her on that day. Magtatapat na siya ng kanyang pag-ibig. Sabihin na natin na in-love na talaga siya kay Rosie. He wants more than best friend.

Side comment: Mahirap talaga magkaroon ng best friend relationship sa opposite sex. I would not dare to enter into it. My future wife deserves all the closeness and the best friendship I could ever give. Read this: An Open Letter to Girls with a Guy Best Friend.

Pinaghandaan talaga ni Romeo ang birthday celebration na iyon. Effort kung effort. BUT, hindi dumating si Rosie. Then Romeo find out sa FB na in-a-relationship na siya kay Eco del Rio. Ouch. At nagawa pa niyang batiin si Rosie sa FB post na iyon. Haha!

Naghanap si Romeo ng pictures sa IG na may hashtag na #feels. With all the 2,249,169 posts na pictures sa IG with that hashtag, isa lang ang ni-heart (like) niya. And guess what? Post iyon ni Juliet that day (I guess that’s it. I’ll miss you. #feels).

The good thing is may mga kaibigan si Romeo na sumuporta at nanatiling andoon sa kanyang kalungkutan.

Juliet’s Story

May boyfriend siya na si Paolo. First day niya ngayon sa internship. I guess, HRM ang course niya.  Kaso biglang nakita niyang may kasamang iba si Paolo. Ang sweet nila. PDA. Pumatak ang luha ni Juliet noong makita niya sila. Tulala.

Then biglang ang lungkot ng kanta. Haha! Kainis! Keiko: Through It All.

Will their heart survive? Watch out for the next episode.

Kabitin! Haha! Kaya pinanood ko ang Episode 2.

Episode 2 – Ways to You (link)

Buti na lang may supportive parents si Juliet na handang dumamay sa kanya.

Nagpunta si Juliet at ang mommy niya sa isang restobar. Doon ata nagpa-part time si Romeo. Chill lang daw. At tumunog na naman ang kanta ni Keiko. Haha! LSS!

Are they ready to move on?

So ayun guys! Just sharing. Haha!

Natuwa lang ako. Nice one Globe! I am looking forward sa Episode 4. Kailan po ang labas? Maghihintay ako Globe! Sanay naman akong maghintay. #feels

Summary: Episode 1, Episode 2, Episode 3

Credits: GlobePH Youtube

***

Advertisements

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on November 11, 2016 by in Promotion & Advertisement.
%d bloggers like this: