Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Gaya Ng…

May mga bagay na kahit gaano kapayak

Ay siyang mas makapangyarihan.

Gaya ng panulat.

May mga bagay na kahit gaano kahirap

Ay ipagpapatuloy mo pa rin.

Gaya ng paghihintay.

May mga bagay na kahit gaano karami

Ay parating kulang minsan.

Gaya ng oras.

May mga bagay na kahit hindi mo napapansin

Ay sobrang importante pala.

Gaya ng hangin.

May mga bagay na kahit gaano katagal

Ay parati mo pa ring babalik-balikan.

Gaya ng dati.

May mga bagay na kahit hindi mo nakikita

Ay iyong nararamdaman.

Gaya ng pag-ibig.

May isang taong pag-aalayan mo ng tula

Na iyong ginawa kasi gusto mo siya.

Gaya ng isang ikaw.

PS: I’m practicing poetry writing kaya naman sa buong mga Linggo ng Oktubre ay magkakaroon ako ng “Poetry Series”. I’m excited sa mga styles ng pagsusulat ng tula na aking gagawin (iimbentuhin. Haha!) Stay tune! 🙂

***

Advertisements

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on October 2, 2016 by in Crush.
%d bloggers like this: