Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Blogger’s Confession: Paano kung tumigil na akong magsulat?

verse on a laptop

Hindi ko alam kung ano nga ba ang international definition ng pagiging isang “writer”. Hindi ko pa din masabi sa sarili ko na isa akong writer dahil siguro ay puro blogs lang naman ang ginagawa ko. Kaya I prefer to be called a “blogger” rather than a “writer”. Pero siguro ay “writer” na din ako dahil may libro  naman ako. Haha!

Anyway, mahigit dalawang taon na din akong nagsusulat. Nagsimula ako sa Tumblr. My pen name there is “Transformer” That is why sa libro kong LOVE is BLOG ay bida ang Tumblr. Hanggang sa lumipat ako sa WordPress at ipinanganak si Doctor Eamer (iamdoctoreamer.wordpress.com). After one and a half years, gusto kong magkaroon ng sariling domain, kaya nag-evolve ang WordPress ko patungong [dot] [com]. Thanks to Coffemugs for my hosting. For only 1,050 pesos may website na ako. PM me if gusto mong bumili ng domain at hosting sa kanila. I can connect you to them.

Simula noon hanggang ngayon, iba’t ibang klaseng blogger na din ang nakasalamuha ko sa blog. In fact, I have founded a bloggers’ group for single people. Visit us at Philippine Single Association (PSA).

I have received appreciations and compliments para sa aking mga blogs. Mayroon din namang ilang constructive critiques. Madami akong naging online friends. May ilan ding naging crush ko pa (Oops! Secret lang yun. LOL).

Paano kung itigil ko na ang lahat ng ito? Paano kung hindi na ako magsulat? Ano kaya ang mangyayari? Siguro mamimiss ko din ang magsulat. Siguro mamimiss ko din ang mga komento ninyo. Siguro  maghahanap ako ng ibang mapaglilibangan. Siguro mag-aaral akong sumayaw (Haha! In my dreams!). Siguro gagawa na lang ako ng podcasts (Again, in my dreams!). Siguro magbabasa na lamang ako ng mga libro at pagkatapos ay ibebenta ko iyon sa The Bookshelf. Siguro magtuturo na lang ako sa mga bata para sa aming Project LiBro. Siguro mamimiss mo ako. Pero makalipas ang ilang mga araw, buwan, at taon, makakalimutan na din.

Pero kung alam mo ang “dahilan” kung bakit mo ginagawa ang isang bagay, sigurado akong hindi mo ito ititigil. Tulad ngayon, nagsusulat pa din ako. Sa totoo lang, sobrang tagal na itong Sunday Series na ito. Hindi ko kasi natapos. Gusto ko lang tapusin ang mga bagay na aking sinimulan. Minsan kasi kailangan talaga ng closure. LOL! Kung babalikan natin ang nakaraan (which is dito tayo magaling), ang mga naging blogs ko para sa series na Blogger’s Confession ay ang mga sumusunod: Blogger’s Confession: Bakit Single Ka Pa? (link); Blogger’s Confession: Saan ka humuhugot ng mga isinusulat mo? (link); at Blogger’s Confession: May Crush Ka Bang Blogger? (link).  Finally, ito na ang panghuli. Ayoko ko kasing magsimula ng panibagong Sunday Series na walang closure sa aking naiwan.

Namiss ko actually ang magsulat. And to get myself back again to blogging, I will commit to make a fresh blogs every Sunday. Kapag Wednesday, andoon pa din naman ang aking Chat Interview.

So welcome me back to blogging! I’m excited to write again! Malay mo makapagsulat ulit ako ng libro. Who knows? Heaven knows. 😉

Word for the day: CLOSURE.
Lesson for the day: Tapusin ang mga bagay na nasimulan.

Byers!

***

Advertisements

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on August 21, 2016 by in Blogging and tagged , .
%d bloggers like this: