Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Naging Best Friends Pero Hindi Nagkatuluyan

Q1. Define “friends”.

Friends, mga taong pwede mong babalik balikan. Pinagkakatiwalaan mo. Kaya kang damayan sa lahat ng oras. Kakulitan. Kakwentuhan. Mga taong nakilala mo na may tatak na sa puso. Na kapag nawala sila, may masasabi kang maganda sa kanila at may kurot sa puso.

FQ1. So kapag hindi na pwedeng balikan, hindi na friend iyon? Explain in your own experience.

Friend pa rin. Nawala lang yung closeness na katulad ng dati.

Q2. Ano ang masasabi mo sa isang lalaki at babae na naging mag-best friend pero hindi nagkatuluyan. Any story to share?

Bestfriend na di nagkatuluyan? Mahaba haba to ah. Isa, siguro alam nila sa isa’t isa na di sila talaga para sa isa’t isa. Second, siguro di nila maamin ang nararamdaman nila kasi takot sila na mawala ang friendship nila at maging forever awkward na lang sila. Third, siguro naunahan lang si guy. Fourth, siguro yun lang talaga ang tadhana nila.

FQ2. Your keyword is “siguro”. Nasabi mo na ba sa sarili mo na “Siguro ay mahal ko na siya”? Yes or No.

Siguro yes. Hehe

Q3. Naniniwala ka ba sa kasabihang daig ng maagap ang masipag? Explain further.

Yup. Pero naniniwala din ako sa tadhana. :p

FQ3. Tayo ba ang gumagawa ng sarili nating tadhana o ang tadhana ang nagdidikta sa atin kung ano ang gagawin? Elaborate.

Destiny vs will. Ang tadhana ay tadhana. Nasa atin pa din kung pipilion or pwede natin di piliin ang nakatadhana satin. Pero gagawa at gagawa ang tadhana na habulin tayo at magreremind na “psssst ito ako o”.

Q4. Hanggan saan mo kayang ipaglaban ang iyong pagmamahal sa isang babae? Paano kung hindi ikaw ang pinili niya? Stop ka na ba? Elaborate.

Hanggang saan? Hanggang kaya. Pero kapag may napili na stop na. Kasi naniniwala ako ma kapag nakapili na siya. Parang pang wedding na yun.

FQ4. Kung sa korte nga may “appeal”. Sa usapang pag-ibig ba meron din? Paano kung after three months nag-break na sila? Will you grab the opportunity to show na ikaw dapat ang pinili niya?

Kapag nagbreak at wala na. Laban.

Q5. Ano ang hinahanap mong katangian ng isang babae? Give at least 7.

  • Mapagmahal sa pamilya (uunahin ang family bago ang iba)
  • Simple tao. Di maarte (kayang makisalamuha sa kahit anung uri ng tao)
  • Marunong magpalago ng pera
  • Matalino
  • Understanding
  • Good listener
  • Caring/sweet
  • (Marunong sana sa gawaing bahay hehe)
  • Masipag
  • Madiskarte
  • Maalaga sa bata
  • Masarap kausap
  • May sense of humor
  • Mahaba pasensya
  • Mapagpatawad

***

Advertisements

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on July 9, 2016 by in Love & Relationship.
%d bloggers like this: