Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Kuwit, Espasyo at Tuldok.

Paano,kung,ganito,magsulat,ang,bawat,tao?Maiirita,ka,ba?Paano,kung,ang,bawat,espasyo,ay,papalitan,ng,kuwit?At,ang,bawat,kuwit,ay,bubungad,sa,iyo,tuwing,magbabasa,ka,ng,mga,titik,at,salita, Tapos,ito,na,din,ang,gagamitin,na,pamalit,sa,tuldok,Magiging,maaliwas,ba,ito,sa, ating,mga,paningin?

Halimbawang.ganito.naman.ang.paraan.ng.pagsusulat.ng.mga.tao?Mas.maiintindihan.mo.ba?Mas.madali.bang.basahin?Paano.kung.wala.ng.kuwit.at.espasyo.sa.mundo?Pero.para.saan.nga.ba.ang.tuldok?

Pwede din nama na ganito ang pagsusulat ng tao Puro espasyo at walang tuldok o kuwit Hindi mo alam kung paano tatapusin ang pangungusap Ang alam mo lang ay patuloy na pagbabasa Hindi mo alam kung tapos na ang talatang binabasa mo dahil walang palatandaan na tapos na ito Paano nga ba natin ito tutuldukan kung ang mayroon lang tayo ay espasyo? Hindi ko din alam kung bakit nga ba nagsulat ako ng ganitong klaseng blog Pero ang alam ko ay may gusto akong sabihin sa inyo Sana ay maparating ko ng maayos

Comma (Kuwit)

The comma ( , ) is a punctuation mark that appears in several variants in various languages. It has the same shape as an apostrophe or single closing quotation mark in many typefaces, but it differs from them in being placed on the baseline of the text.

Sometimes, the comma indicates a pause that would occur if the sentence were spoken aloud. Other times, the comma separates grammatical components of the sentence.

The presence or absence of a comma can change the meaning of a sentence – sometimes dramatically. In extreme cases, an erroneous comma can make a sentence mean the exact opposite of what the writer intended. A careful writer must be a careful user of commas.

Halimbawa:

Ako ay ipinanganak noong Mayo 6, 2016.

Si Jose ang bumili ng bigas, si Juan ang nagsaing, at si Pedro ang kumain.

Gusto kitang bigyan ng rosas, tsokolate, prutas, regalo, at liham.

Si Toto ay binasted nina Maria, Flora, Joana, Hannah, Susana, Conchita, at Estrelita. Kawawa naman si Toto.

Period (Tuldok)

The period ( . ) is perhaps the easiest punctuation mark to master. It ends a sentence. Difficulty generally arises only when the period is used with other punctuation marks.

Hindi ko alam kung kailangan ko pang ipaliwanag pero tingnan pa din natin ang mga naisip kong halimbawa:

Tapos na tayo Mark.

Ayoko na sa iyo.

Mahirap man pero kakayanin ko na wala ka sa aking piling.

Sana ay dumating ang panahon na pagtagpuin muli tayo ng tadhana.

Ang pag-ibig ng Diyos sa atin ay sisksik, liglig at umaapaw.

Space (Espasyo)

In writing, a space (  ) is a blank area that separates words, sentences, and other written or printed characters. Conventions for spacing vary among languages, and in some languages the spacing rules are complex.

Basta kailangan natin ng espasyo! Iyon lang ang masasabi ko. I don’t need to give examples dahil simula pa lang kanina ay makikita mo na ang halimbawa.

So anong meron sa kuwit, espasyo at tuldok?

Gaya ng pag-ibig, darating ang panahon na kailangan mong gumamit ng kuwit. Kailangan nating huminto, mag-isip-isip, at magmuni-muni. Minsan, sa mga panahong may “kuwit” sa ating buhay, doon natin mas nakikilala ang ating sarili. Doon tayo gumagawa ng makabuluhang desisyon sa buhay. Madalas, doon tayo nagkakaroon ng maraming tanong sa sarili. Siya ba talaga? Tama ba itong naging desisyon ko? Kailangan ko na ba siyang hiwalayan? Bakit niya iyon nagawa sa akin? Paano ko haharapin ang bukas kung wala ka? Ito ba ang gusto kong trabaho?

Maaaring ihalintulad ang kuwit sa Cool Off sa isang relationship. Hindi pa naman tutuldukan pero kailangan munang huminto. Evaluate.

Gaya ng pag-ibig, may mga panahon na hindi sapat ang kuwit. Dapat magbigay ng espasyo. Baka naman nasasakal ka na sa relationship ninyo. Baka naman need niya lang ng space para mapag-isipan ang mga nangyari at mapatawad ka niya. Baka naman gusto niya munang magpakalayo-layo at kailanganin ang napakalawak na espayo. Outer space, maybe? LOL! Madalas, “It’s not you, it’s me.” na linya ang sasabihin niya.

Para sa pagtatapos ng article na ito na medyo may kahabaan, ito lang ang gusto kong sabihin. Sa buhay pag-ibig, dapat alam mo kung kailan ito ihihinto at tutuldukan.

Kung sinasaktan ka niya nang madalas, kung nambabae siya, kung hindi ka na masaya, at kung hindi mo na kaya, baka kailangan mo na siyang i-break. Hindi pa ba sapat ang pitong taong pagdurusa mo? Sabi niya sa iyo ay papakasalan ka niya pagbalik niya sa Pinas pero ilang taon na ang nakakaraan. May iba na pala siya. Umasa ka lang sa wala. Ouch. Tuldukan na iyan!

Ang tagal mo na siyang hinintay pero wala pa din. Hanggang kailan ka maghihintay? Baka kailangan mo nang tuldukan ang paghihintay mong iyan at buksan ang mga mata para sa iba.

Hindi ko alam kung saan mo gustong gamitin ang tuldok. Pero napaka-powerful ng tuldok kaya ingat sa paggamit. It can change your life forever. Handa ka na bang tuldukan ang lahat?

Maging matalino sa paggamit ng kuwit, espasyo at tuldok. Alamin kung kailan ito dapat gamitin.

The end.

***

Advertisements

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on July 2, 2016 by in Blogging.
%d bloggers like this: