Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Si Guro at Si Gurado

Sa buhay natin, darating ang mga pagkakataon na tayo ay pipili. Actually, simula ng ipanganak tayo hanggang sa mamatay, mahigit kumulang sa isang milyong pagpili ang ating gagawin.

Pagkagising sa umaga: Kakain ba o hindi? Kape o gatas? Tocino o hotdog? Kapag pupunta sa grocery store: Cash or card? Colgate or Close Up? Rejoice o Head and Shoulder? Detergent o bar? Choco na gatas o gatas na choco? 🙂 And the list goes on.

May mga pagkakataon na mabilis lang pumili. Hindi ka na papahirapang mag-isip. Pero mayroon din namang pagkakataon na talaga namang mapapaisip at mahihirapan ka kung ano ang pipiliin mo. Sabi nga ni Keri Russell, “Sometimes it’s the smallest decisions that can change your life forever.” Kaya ingat sa iyong pagpili.

Katulad nga noong isang blog article ko, kailangan mong pumili kung ikaw ay Single by Choice o Single by Chance. Nakapili ka na ba?

Pagdating naman sa pag-ibig, posibleng may dalawa lagi tayong pinapamilian: Si Guro at Si Gurado.

Si Guro ay ang taong iniisip mo na “baka siya na.” Nagustuhan mo siya. Feeling mo magiging masaya kayo sa piling ng bawat isa. Sa tingin mo, kayong dalawa ay compatible. Okay naman siya. You want to level up your friendship. Minsan nga lang ay may pag-aalinlangan ka dahil siya nga ay “Si Guro” lang.

Puntahan naman natin si Gurado. Siya ang taong una mong nagustuhan. Malakas ang kutob mo na “siya na talaga.” Matagal mong pinag-isipan na bagay kayo sa isa’t isa. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, madaming mga bagay na naglalayo sa inyong dalawa. Mismong ang tadhana ay sinusubukan ang tatag ng iyong pananampalataya na kayo ang magkakatuluyan. Would you take the risk dahil alam mong siya ay “Si Gurado”?

Hindi naman nagkakalayo sina Guro at Gurado. Kung sino man ang piliin mo, the choice is yours. Be happy with the choice you made. At panindigan mo ang iyong napili. Maaari din namang iisang tao lang sila. Noong una ay siya si Guro at naging siya na si Gurado.

Ikaw? Dumating ka na ba sa buhay mo na kailangan mong pumili?

Bilang pagtatapos, iiwanan ko kayo ng ilang mga verses na maaari ninyong magamit sa inyong pagpili at paggawa ng desisyon.

James 1:5 – If any of you lacks wisdom, you should ask God, who gives generously to all without finding fault, and it will be given to you.

Psalm 19:8 – The precepts of the Lord are right, giving joy to the heart. The commands of the Lord are radiant, giving light to the eyes.

Psalm 37:7 – Be still before the Lord and wait patiently for him.

Proverbs 13:20 – Walk with the wise and become wise, for a companion of fools suffers harm.

Proverbs 3:5-6 – Trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding; in all your ways submit to him, and he will make your paths straight.

Have great time choosing!

PS: After a month, nakapagsulat na din ako! Yehey! I miss posting blog article at this site. Expect for more! By the way, I am starting a #BlogSeries. I will have some chat interview with my friends. The topics are anything about love. So stay tune!

Advertisements

2 comments on “Si Guro at Si Gurado

  1. Pingback: Suicide Note | Doctor Eamer

  2. Pingback: Dahil hindi ka sigurado | P.S.A.

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: