Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Tula: Simulan na Natin ang Bukas Ngayon

Noong Abril 23, 2016, dumalo na naman ako sa isang kasal at abay akong muli. Ilang beses na din akong umaabay sa kasal ng mga kaibigan at kapamilya. It’s a joy to be a witness of couples in their wedding day. Ang sarap makinig sa kanilang mga sumpaan (vows). Pero sabi nga nila, wedding is only an event. The real deal is after the wedding day which is marriage. Hindi ko alam kung bakit ang sinasabi ng mga matatanda ay lalagay sa tahimik kapag mag-aasawa na. Anyway, I’m not yet there kaya no comment na lang.

Congratulations sa aking kaibigan na sina Joseph and Febe! Thanks for inviting me in your wedding day. I know your wedding and marriage will be an inspiration to many. Stay in love until forever.

Joseph Buarao, Febe Buarao, Wedding

Photo By: Raulff & Kaye Photography
Makeup By: Glamified by Leigh Espinosa
Venue: Jardin de Miramar

Dahil masyado akong nakinig kay Pastor Ariel na mensahe noong sa kasal, nakagawa ako ng tula na medyo may kaunting hugot. Thanks po Ptr. Ariel sa inyong mensahe patungkol sa DREAM na katangian na dapat magkaroon ang mga mag-asawa. D is for desirable and dependable. R is for responsive and respectful. E is for encouraging and enlightening. A is for affection and attentive. And M is for Memories.

Dahil usapang kasal din naman ito, basahin mo din ang isa ko pang blog post dati: Ikakasal na sila, ikaw kailan? Maikling tula lang naman ang nagawa ko pero ito ay mula sa aking puso. #RelationshipGoals

Hinihintay ko ang bukas dahil alam kong ikaw ay darating.

Hinihintay ko ang bukas dahil ito raw ang tamang panahon para sa atin.

Hinihintay ko ang bukas dahil nangako ang tadhana na tayo ay pagtatagpuin.

Hinihintay ko ang bukas dahil ito ang nagbibigay sa akin ng pag-asang ika’y makapiling.

Hinihintay ko ang bukas dahil inaabangan ko kung paano ang ating kuwento ay magkakaroon ng susunod na kabanata.

Hinihintay ko ang bukas dahil naniniwala akong ang mga salitang “ako” at “ikaw” ay mapapalitan na ng “tayo.”

Hinihintay ko ang bukas dahil alam kong ang bukas ay naghihintay din para sa atin.

Kaya’t sa Poong Maykapal ako’y humiling na sana, sana ang bukas ay maging ngayon.

Mahal, maaari bang…

Simulan na natin ang bukas ngayon.

Simulan na natin ang kilig.

Simulan na natin ang pagbabago. #Du30

Simulan na natin ang “tayo.”

Simulan na natin ang ating kuwento.

Simulan na natin ang walang hanggang.

Simulan na natin ang pag-ibig.

Hindi naman talaga ako makata pero gusto ko lang gumawa ng tula. Siguro mas mapapadami ang mga tulang gagawin ko sa mga susunod pang bukas. Tutula na lang muna ako habang hinihintay ang bukas na maging ngayon.

Ito ang ilang mga wedding quotes na maaari nating pagnilay-nilayan:

Many people spend more time planning the wedding day than they do planning the marriage. – Zig Ziglar

Happy is the man who finds a true friend, and far happier is he who finds that true friend in his wife. – Franz Schubert

You know you’re in love when you can’t fall asleep because reality is finally better than your dreams. – Dr. Seuss

Love doesn’t make the world go round. Love is what makes the ride worthwhile. – Franklin P. Jones

As for me and my household, we will serve the Lord. – Joshua 24:15

Advertisements

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: