Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Procrastination: Bukas na lang kita mamahalin

procrastination

This article is a product of procrastination. Matagal na itong nakalagay sa draft ko pero hindi ko masimulan at matapos. Saka na lang. Next time. Bukas na lang. Sa susunod na lang. Hanggang sa napanood ko ang isang TED Talk video about procrastination. Watch this!

So, okay lang ba sa iyo na bukas na lang kita mamahalin? Tinatamad pa ako eh. LOL!

Seriously, kung kaya mo namang gawin ang mga bagay ngayon, bakit mo ipagpapabukas pa? Siguro ay may personal kang dahilan pero think twice. Parang si Duterte lang. Tumakbo na din siya sa wakas. Noong una kasi ayaw pa niya talagang kumandidato bilang presidente. #ConnectDaw

Pero dahil I’m turning 26 this coming May, baka magmamahal na ako. Baka lang. Haha! Ang dami pa namang nag-aabang sa aking lovelife. Oh well, inaabangan ko din naman ang tamang pagkakataon para sa ating dalawa. Kung kaya ko lang dalhin ngayon ang bukas at ang tamang panahon, why not! But I’m not God. Let His will be done, not mine.

Maiba ako, inaabangan ko din talaga ang That Thing Called “Blogging” na seminar namin sa May 21, 2016. Check this for more information: bit.ly/TTCB2016.

Call to action below blgo article

Back to our topic, ito ang ilan sa mga payo ko kung paano maiiwasan ang procrastination na iyan:

1. Unti-untiin ang iyong mga gagawin

Minsan kasi feeling natin sobrang laki ng task na ating gagawin kaya tinatamad tayo. Pwede namang step by step, little by little, gawin mo ito. Kaya nga minsan, ang ginagawa ng iba, patext-text, pachat-chat, pasundo-sundo, pahatid-hatid… step by step diba guys? Haha!

2. Magkaroon ng timeline

Ang buhay natin ay hindi forever. Hindi tayo forever na bata. Kaya huwag mag-isip bata! Be matured specially sa mga life’s biggest decision. Hindi tayo forever na malakas. Kaya mag-exercise. Drink supplements. Health is wealth. Hindi tayo forever may pera. Kaya mag-impok. Save. Invest. Hindi tayo forever na mabubuhay sa mundo. Hindi ka immortal. Kaya live a life with a joy in your heart. Live it to the fullest. Travel. Mingle with friends. Spend time with your family. Serve God. Wait, saan nga ba sa timeline ko ang magkaroon ng girlfriend? Hmmmm. #MalapitNa

3. Huwag sumama sa mga tamad na tao

Tell me who your friends are, and I will tell you who you are. Tama nga naman. Malaki ang impluwensiya ng mga kaibigan natin sa atin. Kaya ingat sa pagpili ng mga taong sasamahan. Kung mga tamad at procrastinator ang mga friends mo, malamang ay mahawa ka sa kanila. Ang mga friends ko ay single, kaya nahawa ako. Single pa din! LOL! Hello there Philippine Single Association!

4. Start something

Sa isang bagay na gagawin natin, ang pinakamahirap talaga ay ang simulan ito. Saan nga ba dapat magsimula? Kung may business idea ka, marahil ay madami ka ng naisip pero bakit hindi mo masimulan? Kasi nga hindi mo alam kung paano at saan magsisimula. Parang ang pag-iibigan nating dalawa. Hindi ko din maalala kung paano at saan nagsimula. #Hugot Basta ang mapapayo ko, start somewhere. Just start. Start it now. Start it today. Just DU it!

So ano? Simulan na natin ang ating forever? Chos! Bukas na lang. Hindi pa tayo ready. 🙂 #KailanNgaBa

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

love is blog by doctor eamer

Available na din ang libro ko! Click here for details. 🙂

PLACE YOUR AD HERE

place your ad hereClick here for Ads Prices
Donate Button with Credit Cards

Advertisements

8 comments on “Procrastination: Bukas na lang kita mamahalin

  1. Bebekoh
    April 14, 2016

    nandun na ako sa puntong nakakatamad talagang kumilos lalo na pag life-altering yung decision na kelangan. Saka ko na iisipin yun. (Procrastination na naman.. heheheh!)

    Liked by 1 person

  2. Renz Simpao (@rasimpao)
    April 13, 2016

    Hindi talaga maiiwasan ang procrastination there are good and bad ways in procrastinating. Depende sa situaion, pero much better gawin na agad for me 🙂

    Liked by 1 person

  3. nocturnalmomtalks
    April 12, 2016

    Haha. True. Pinakamahirap talaga ay ung pgsisimula. Pero once nagstart ka na, tuloy tuloy na 🙂

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on April 12, 2016 by in Advices and tagged , , , , .
%d bloggers like this: