Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Bawal Mangampanya ang Isang Kawani ng Gobyerno (CSC-Comelec JC No. 001 S. 2016)

Presidentiables 2016

Ako ay isang kawani ng gobyerno. May mga sinumpaan ako sa aking tungkulin. Kung ikaw ay isang kawani ng gobyerno, dapat mong malaman ang mga bagay na ito. Ika nga nila “Ignorance of the law excuses no one.” Actually, sobrang recent ko lang nalaman na may ganito pa lang polisiya sa mga kawani ng gobyerno. Thanks to my two coblogger friends who reminded me with this. Dapat ata magkaroon ang HRDO namin ng short AVP or any announcement para naman well-informed kami.

The head of the Civil Service Commission (CSC), Alicia dela Rosa Bala, reminded government employees on Tuesday, March 29, that the law prohibits them from “actively” campaigning for candidates even on Facebook. –  From Rappler

Ang napupusuan kong presidente ay si Mayor Duterte. May ilan na din akong blog post na patungkol sa kanya. Sa tingin ko naman, hindi iyon actively campaigning but more on personal opinion and play of words. Tatlong articles iyon. Check iamdoctoreamer.wordpress.com/tag/du30/

“Expressing one’s views is not considered “electioneering or political partnership.” But to campaign actively and to solicit votes and support, and even the wearing of caps or pins or vests mentioning the name of the candidate, these are included in the coverage of what they’re liable for, either administrative or criminal.” – Alicia dela Rosa Bala (From Rappler)

Thanks for the clarification Mam Bala. Don’t worry hindi po ako magsusuot ng sombrero, vest, bracelet o wrist band na may pangalan ni Duterte. Pero halimbawang magkaroon po ako ng girlfriend bago dumating ang halalan, tapos binilhan niya kami ng couple shirt. Ang t-shirt niya ay may malaking word na “DU”, samantalang ang sa akin naman po ay may nakatatak na “30”. Diba parang basketball player lang naman ang peg ko noon? Bawal po ba iyon? Baka kasi magtampo ang GF ko kapag hindi ko sinuot ang couple shirt namin. Tanong lang. Hehe!

This circular said that “social media functions such as liking, commenting, sharing, reposting, or following a candidate’s or party’s account” is allowed. They are also allowed to express their views on current political problems or issues, as well as mention the name of the candidates or parties they support but are not allowed to receive contributions for political purposes, nor give personal, financial, or other monetary contribution for a candidate or party’s campaign.  – From PhilNews

Like pa more! Share pa more! Grabe talaga ang nagagawa ng social media ano? Naisip ko lang, dapat may online voting din! Para hindi na sila mamroblema sa mga FICOs machine. Pero napakahirap din kasi ng verification. Madaming way din para mandaya. Kahit saan naman ata pwedeng mandaya. Ang galing kasi ng Pinoy eh! Matatalino. Haaay. I pray for honest election. Kung pwede lang gawin ni Lord na aatakihin sa puso kapag nandaya ang mga botante. Why not? Tapos lahat ng mga kandidato na mandadaya o mamimigay ng pera, magkakaroon ng instant cancer at mamamatay within 3 days. Ewan ko lang kung may tumakbo pa sa pulitiko. Pero sabi nga sa Bible, “For we must all appear before the judgment seat of Christ, so that each of us may receive what is due us for the things done while in the body, whether good or bad.”

Government employees and barangay officials can express their opinions and even say who they will vote for, but they are not allowed to campaign for or against any candidate. On social media, they can like, repost, or comment on candidates’ post but they cannot persuade others to do so. – From CNN Philippines

I used to like and share some of the AVPs of Duterte and Cayetano. Nagbibigay din ako ng aking sariling opinyon ukol sa halalan. Sabi ko nga doon sa isang post ko, vote wisely! At lalong hindi ako tumatanggap ng contribution mula sa isang pulitiko. Pero kung isa kang businessman at gusto mong magpa-advertise, may mga paid posts naman ako. Check here.

“Kung sabihin [mo] kung sino ang iboboto [mo], that’s not covered because that’s part of your expression of your choice for the positions being voted for… ‘Pag sinabi mong ‘I’m voting for Candidate X,’ that’s not part of the coverage. [Pero iba] if you’re asking, ‘Please vote for the candidate I’m voting for.'”  – From GMA News Online

PWEDE: Ang gusto kong iboto na presidente sa darating na halalan ay walang iba kundi si Mayor Rodrigo Duterte. #Du30 #Duterte

HINDI PWEDE: Mga kababayan, kapamilya, kapuso, kapatid, ka-FB, kaibigan, kasintahan, iboto natin si Digong!

Covered ka ba ng polisiyang ito? Check it out!

CSC Comelec Joint Circular Memorandum No. 001 S. 2016

Ayon sa PDF file na aking nakita sa CSC website, ito ay ilan sa mga excluded activities:

The following acts are deemed excluded from the coverage of electioneering and partisan political activity:

a) Casting one’s vote

b) Expressing one’s views on current political problems or issues

c) Mentioning the names of candidates or parties whom one supports

I SUPPORT DUTERTE AND CAYETANO! Tuloy ang laban! 🙂 #DuCay

Kung nais mong basahin ang CSC MC No. 30 S. 2009 and CSC-Comelec JC No. 001 S. 2016 (Just click the links). Warning: Mahabang basahin iyan!

CSC Memorandum Circular No. 30 S. 2009

Download PDF                                             Download PDF

PS: Points to ponder by CSC. May ilang party-lists na ang programa ay para sa mga kawani din ng gobyerno. Sa tingin ko mahihirapan silang manalo kung hindi sila ipapangampanya. For example, ang ACT-Teachers Party-List. Teachers are a marginalized and oppressed sector in the Philippines. They receive the lowest salaries among the ranks of professionals. Siyempre gusto naman ng mga pampublikong guro na suportahan at ikampanya ang ganitong party-list dahil magkakaroon na sila ng boses sa Kongreso kapag nanalo ang party-list na iyon. Pero dahil kawani sila ng gobyerno, bawal nilang ipangampanya ito. Same as the Agham Party-List, dahil kalimitan sa ating mga scientists and researchers ay nasa academe or government research institutions. Anyway, nawa’y maging malinis, maayos at matapat ang ating election. #BangonPilipinas #BagongPilipinas

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (1, 2)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

love is blog by doctor eamer

Available na din ang libro ko! Click here for details. 🙂

PLACE YOUR AD HERE

place your ad hereClick here for Ads Prices
Donate Button with Credit Cards

Advertisements

4 comments on “Bawal Mangampanya ang Isang Kawani ng Gobyerno (CSC-Comelec JC No. 001 S. 2016)

  1. maria
    March 31, 2016

    Aww… Bet ko yung idea ng couple shirt! HAHA! #IDU

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: