Makalipas ang isang buwan pagkatapos ng EDSA Revolution, ipinanganak ang aking ate – March 21, 1986. Siya ang tanging cesarean birth sa aming tatlong magkakapatid. Sa ngayon, siya ang pinakamaliit (in terms of height) kaya napagkakamalan siyang bunso. 🙂
Kahapon ay nagdiwang siya ng kanyang 30th single birthday. Happy birthday ate! May the Lord give you the desires of your heart (Psalm 37:4).
May blog din siya! Actually, nagtataka ako kung bakit mas nauna pa akong maging blogger sa kanya. During elementary and highschool, siya ang aking English consultant. Kapag may mga reading and writing assignments ako, sa kanya ako nagpapatulong. Mahina ako kasi ako sa English. Pero sa larangan ng Math, I think I can compete naman. Kindly refer to this post (andito ang grades ko sa Math courses ko sa UPLB): I love Math.
Sabi sa About Page ng blog ni ate…
Mabuhay! Call me Doris. I am a typical shy-type probinsyana girl from Laguna who likes to think that I am a confident, adventurous, and trustworthy friend. And by God’s help, I am fulfilling that “thinking”, one milestone at a time.
In this virtual space I get for free, I try to write about…
IDEAS worth sharing,
EXPERIENCES worth remembering,
and my whys of a LIFE worth living.
Everyone, anyone, from dollar to yuan, is welcome to appreciate, leave a comment, or even join with me in any of life’s tiny worthwhile adventures!
Check her blogsite at beyondfacingthemonitor.wordpress.com.
Actually, magkakasunod kami ng birthday sa aming pamilya except sa bunso. Si Ate at si Nanay ay March. Ang Tatay namin ay sa April. Ako ay sa May. Si Bunso ay sa December. Family is Love. Pero LOVE is BLOG. #promote Haha!
Politically speaking, hindi po sponsor ni Mayor Duterte ang cake na binili ko. Pero magandang campaign advertisement iyon para sa lahat ng mga nasa edad na tarenta (30). Age is just a number. Kaya noong may nagtanong ng age ko, ibinigay ko ang aking number (0949-699-xxxx) dahil age is just my number. LOL!
Du-30 Cake VS Binay Cake
Du-30 Cake
– right price
– matamis (tama lang)
– heart shape (dahil may puso ang nagbigay)
– para sa pagbabago
Binay Cake
– overpriced
– overtamis (nakaka-diabetes, not recommended for senior citizens)
– bilog (tulad ng bola. Mambobola?)
– para sa pagbabago (pagbaba ng savings ng gobyerno?)
#DuterteCayetano 🙂
Related Post: Ang Pinakahihintay na Sagot: “I Du.”
Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer
Available na din ang libro ko! Click here for details. 🙂
PLACE YOUR AD HERE
🙂
LikeLiked by 1 person