Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Bakit Crush Ko si Teacher Sabrina Ongkiko

Ang article ko ngayon ay para sa lahat ng mga kababaihan. Espeyal na araw ninyo kasi ngayon. Happy International Women’s Day! Thank you for being you. Thank you for being a woman.

I watched Sabrina Ongkiko’s TEDx Talk early last year and I was inspired to pursue greater things because of what she said, her convictions, passions and ideals in life.

I transcribed her letter to her students at Culiat Elementary School, which she read during the TEDx Talk at ADMU. Mabuhay ang mga guro!

Sa aking mga estudyante,

Masaya ang matuto. Masaya ang mag-aral. At kahit sabihin mo sa akin na ayaw mo na, na nahihirapan ka, na hindi mo na kaya, may kinang pa rin sa iyong mga mata noong pinag-aralan natin ang ganda ng solar system. Noong tinanong mo sa akin kung paano nagkakaroon ng bagyo. Noong nalaman mo kung paano kumakain ang halaman. At hindi ako naniniwala na hindi mo na kaya, na ayaw mo na. Dahil sa kinang mo sa iyong mga mata, nakita ko na natutuwa kang matuto. At malamang ay nakikita mo ang parehong kinang sa aking mga mata dahil sa pagkakataong iyon may natutunan akong bago tungkol sa iyo.

Huwag mong kunin ang salita ng mga tao na nagsasabing “hindi mo kaya, na buwisit ka, na wala kang kwenta.” Hindi iyo ang mga salitang iyan. Kaya huwag mong paulit-ulit na sabihin sa sarili mo. Bata ka pa at marami ka pang malalaman tungkol sa iyo. Hintayin mo lang. Hintayin mo at mamamangha ka sa sarili mong galing. Huwag kang pumayag na ikaw mismo ang magkulong sa sarili mong kakayahan. Halika, tingnan mo ang mga mata ko. Naniniwala ako sa iyo. Magaling ka. Kaya mo. Kaya mong maging kahit ano – doctor, engineer, lawyer, astronaut, bayani. Tutulungan kita. Basta tulungan mo ang iyong sarili. Panghawakan mo ang mga pangarap mo. Huwag kang bibigay. Huwag kang bumitaw. Huwag kang tamarin.

Hindi nag-uumpisa ang pagtupad ng mga pangarap kapag matanda ka na. Nag-uumpisa siya ngayon. Wala pa akong kilalang isang tao na nagising na lang isang araw at doctor na siya. Paghirapan mo. Paghirapan natin. Wala man kasiguraduhan ang bukas, pero galingan mo sa ngayon at makakarating tayo sa gusto nating patunguhan. Maaaring galit ka sa pamilya mo o galit ka sa mundo. Pero sana, sana, kahit isang taon sa classroom ko, naranasan mo na mayroon kang ligtas na lugar na pwedeng puntahan. Na mayroong taong may pakialam sa iyo. Na posible kang tanggapin at mahalin. Huwag kang lumaking galit. Dahil maniwala ka sa akin, mahirap at mabigat man ang buhay, mayaman pa rin ito sa pag-ibig at napapagaan ito ng pag-asa.

Salamat. Salamat sa isang taon na dumating ka sa buhay ko. Dahil bagaman teacher mo ako, marami akong natutunan sa iyo. At dahil sa iyo, hindi lang akong naging mas mabuting guro, naging mas mabuti rin akong tao. Ikaw ang dahilan kung bakit ako narito. Ikaw ang nagbibigay kahulugan sa pagtuturo ko.

Maraming salamat.

Sabrina Ongkiko

So, bakit crush ko siya?

Sabrina Ongkiko

Una sa lahat, gusto ko munang magkaroon ng disclaimer. Sabi ko nga sa dati kong blog

Crush for me is merely appreciation. It is appreciating God-given skills, talents, character, behavior, and physical attributes of someone. Ang galing niyang mag-gitara. Astig siyang kumanta. Nakakamangha siya pagmasdan habang sumasayaw. Cool siyang manamit, so neat and fashionable. Ang sarap niyang kausap. Ang galing niyang mag-speak sa crowd. Ang bait niya! Ang ganda pa. Grabe ang insights niya sa isang bagay. Ang cute ng dimples niya. Grabe ang pinagdaanan niya sa buhay pero patuloy pa din siyang lumalaban. Ang dami niyang pangarap. Astig ang faith niya kay God. That’s it. No more. No less.

Sabrina Ongkiko

Crush ko siya kasi, she lives with purpose and passion. I admire women who, amidst the difficulties or “opposition”, pursue what they are called to do. And they just don’t do it for the sake of doing it. But they do it excellently. They put their heart into it.

Crush ko siya kasi, she wears that smile of hope and love. I admire women who, even without make-up, know that they are more beautiful even by just wearing a smile. And that smile is not ordinary. It brings an atmosphere of hope and love.

Sabrina Ongkiko

Crush ko siya kasi, she inspires change and transformation. I admire women who, with all the limitations that they may have, allow themselves to be an agent of change and bring transformation to the lives of others. They were transformed to be transformer.

Ooops. Crush ko lang siya. No more. No less. Don’t worry, mas crush kita kaysa sa kanya. 😉

“What I love about teaching is that, in one day, you can touch 50 students’ lives and make a change in them. I love it when their eyes light up upon learning something new. Just being there every day, it’s powerful. Not in the sense that you’re above others but in the sense that you have the ability to make a difference. Teaching changed my paradigm. Akala ko, to see is to believe; instead I learned that I have to believe to see.” – S. Ongkiko (Source)

“What I love about blogging is that, in one day, you can influence the lives of your readers. Let us influence the world, one blog at a time.” – Doctor Eamer

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

love is blog by doctor eamer

Available na din ang libro ko! Click here for details. 🙂

PLACE YOUR AD HERE

place your ad hereClick here for Ads Prices
Donate Button with Credit Cards

Advertisements

7 comments on “Bakit Crush Ko si Teacher Sabrina Ongkiko

  1. funnySoul
    April 8, 2016

    magiging teacher ako in the future sana maging katulad ko siya..haha

    Liked by 1 person

  2. signorinamelrice
    March 26, 2016

    I’m liking her, too! ❤
    Pa share ng video na naggigitara/kumakanta si Ms. Sab, doc! 🙂

    Liked by 1 person

  3. Ann G.
    March 14, 2016

    Very nice. Inspiring indeed! ♥

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: