Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Nang Umibig ang Aking mga Mata (Sore Eyes)

sore eyes

Gaya ng pag-ibig, kusa daw itong dumadating.

Gumising ako ng maaga at medyo makati ang aking kaliwang mata. Medyo nagmumuta din. Dali-daling tumayo sa aking higaan at nagpunta sa salamin. Mapula nga ang aking mata. Pag-ibig na siguro ito. LOL! Sumabay ang aking mata sa Feb-ibig! Ayun, may sore eyes. Nag-text ako sa boss ko at officemates na sick leave ako.

Ang natatandaan kong huling beses akong nagka-sore eyes ay November 2014. Dahil sa sore eyes na iyon, nagkaroon ako ng oras para sulatin ang aking entry sa isang kompetisyon ng Saranggola Blog Awards sa kategoryang Maikling Kuwentong Pag-ibig. Thank God dahil nagwagi ito ng ikatlong puwesto. First time kong sumali sa ganoong contest. Kaya ang maipapayo ko sa inyo, kapag may mga opportunities kung saan maaari ninyong i-showcase ang talento ninyo, just give it a try. Kung ang talento ninyo ay magmahal, then give it a try. LOL! Ito pala ang link ng award-winning (Naks!)Β short love story na ginawa ko: Ang Crush Kong Blogger.

Actually, dahil sa mga comments ng nagbasa ng article na iyon, naisipan kong dugtungan ang story at naging libro na nga ito, kasama ang ilang piling blog articles ko. Kung gusto mong bumili ng aking libro na Love is Blog, drop some comments here or email me at iamdoctoreamer@gmail.com. Click here for details. Read some reviews here.

love is blog by doctor eamer

Ngayon, may sore eyes ulit ako, ano kaya ang aking naisulat? #Abangan

Updates: Ngayong gabi, around 92.3% magaling na ang aking mata. Salamat sa opthalmic drops! Ito din ang nireseta na aking doctor last time na nagkaroon ako ng sore eyes, kaya nagpabili ulit ako.

gamot sa sore eyes

Dahil doctor naman ang titulo ko sa online world, panindigan na natin. Okay, ano ang dapat gawin kapag nagkaroon ka ng sore eyes?

1. Huwag kusutin ang mata gamit ang kamay. Kung medyo makati, kumuha ng tissue o malinis na panyo, medyo patakan mo ng alcohol. Pumikit, at saka ipahid sa medyo kumakating bahagi ng mata. External use only! Huwag na huwag mong gawing eyemo or eye drop ang alcohol. Mabubulag ka. Pramis.

2.Β  Maghilamos ng malinis na tubig.

3. Gumamit ng shades kung ikaw ay lalabas. Hindi ito pang-porma kundi proteksyon sa mata mo.

4. Noong gumising ako ng umaga, naglagay ako ng cold compress (towel na hinugasan/nilabhan gamit ang malamig na tubig galing sa ref) sa aking mata. Masarap sa pakiramdam. Refreshing.

5. Huwag magpuyat.

6. Maglagay noong nabanggit kong eye drop (Visine). Two drops. Sa loob ng isang araw, mga apat na beses.

7. If lumala o namaga ang mata mo, kumonsulta sa doctor. Punta ka sa ospital. Huwag kalimutang mag-pray for your healing!

For the eyes of the Lord range throughout the earth to strengthen those whose hearts are fully committed to him. (2 Chronicles 16:9)

Dr. Eamer’sΒ FB Page:Β https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

PLACE YOUR AD HERE

exchange of hearts

Advertisements

23 comments on “Nang Umibig ang Aking mga Mata (Sore Eyes)

  1. justlynne21
    March 3, 2016

    hahaha. iba pala ang nagagawa ng sore eyes sayo.. anu naman kaya ang sakin? stomach ache??:))

    Liked by 1 person

  2. aysabaw
    February 17, 2016

    oh, ayoko maglike. may sore eyes ka eh

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      February 18, 2016

      Magaling na kaya! πŸ™‚ It’s better to have sore eyes, than a sore heart. LOL!

      Liked by 1 person

      • aysabaw
        February 18, 2016

        Kunwari ka lang ata eh…gusto mo lang ata umabsent hah

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        February 18, 2016

        False alarm siguro ano? Haha! Pero seriously, ang pula ng mata ko pagkagising, tapos andoon yung symptoms ng sore eyes. Well, baka strong ang immune system ko. Haha!

        Liked by 1 person

      • aysabaw
        February 18, 2016

        Kasama din ba sa immune system na yan ang puso? πŸ˜€

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        February 18, 2016

        Yup kasama! Kaya kapag mahina ang immune system mo, matagal kang makapag-move on. LOL!

        Liked by 1 person

      • aysabaw
        February 18, 2016

        bagay nga sayo maging Doctor πŸ˜€

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        February 18, 2016

        I’ll take that as compliment. LOL! May ginagawa nga akong gamot ngayon. I’ll make a patent for this. Haha! Amoxicilimot πŸ™‚ Makakalimutan mo ang sakit, kirot, galit at lungkot. Pati mga ala-ala. Haha! Abangan mo iyon sa mga leading drugstore!

        Liked by 1 person

      • aysabaw
        February 18, 2016

        ha ha ha…baka isama mo sa ingredients ang ampalaya ha πŸ˜€

        dapat fast action tablets lang yan. pero if ever may syrup, pwede wag yung mapait sa panlasa? πŸ˜€

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        February 18, 2016

        Yes! Amoxicillimot FR! haha May kasamang ampalaya ito para healthy. Kulay green yung table. Hugis puso. haha! May mga herbs pa! Order ka? Haha 143 mg ang pinakamababang dosage. πŸ™‚

        Like

      • aysabaw
        February 18, 2016

        ha ha ha…di ko pa naman kailangan ng gamot sa ngayon ha ha ha

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        February 18, 2016

        Baka kapag kailangan mo na, out of stock na. πŸ˜‰

        Liked by 1 person

      • aysabaw
        February 18, 2016

        ha ha ha…ok lang yan…matindi na naman ang immune system ko eh ha ha

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        February 18, 2016

        Ok. Sabi mo eh. Gagawa ako ng version na liquid form nung gamot. Para pwedeng ihalo sa sabaw… aysabaw. Bow. haha

        Liked by 1 person

      • aysabaw
        February 18, 2016

        waaaaaah. nadamay na naman ako πŸ˜€ lagi na lang ako πŸ˜€

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        February 18, 2016

        Sige next time, iba na ang idadamay ko. Haha! πŸ™‚

        Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on February 16, 2016 by in Advices, Blogging and tagged , , .
%d bloggers like this: