Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Can we exchange our hearts?

exchange of hearts

Berto: Matagal na akong may pagtingin sa iyo.

Chela: Bakit ngayon mo lang sinabi?

Berto: Dahil ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob.

Chela: Pitong taon kong hinintay ang pagkakataong ito na magtapat ka sa akin.

(Itutuloy…)

Pag-ibig.

Isang salita pero napakaraming kahulugan.

Hindi lang ito isang pangngalan kundi ito ay pandiwa.

Nagagawa nitong posible ang mga bagay na imposible.

Nagbibigay ito ng pag-asa at inspirasyon.

Kaya nitong baguhin ang matigas at batong puso ng isang tao.

Ito ang nagpauwi sa boyfriend mo mula sa Japan para lamang makasama ka ngayong Araw ng mga Puso.

Ito ang kinakapitan ninyong dalawa sa tuwing kayo ay nagkakaroon ng hindi pagkakaunawan.

Ito ang nagbibigay lakas sa boyfriend mo na tatlong (o higit pang) oras ang binabyahe para makita ka lamang sa loob ng isang linggo.

Ito din ang dahilan kung bakit pinatawad ng pinsan mo ang kanyang ina na nang-iwan sa kanilang magkakapatid.

Subalit ito din ang naging dahilan kung bakit ka ngayon ay nasasaktan.

Kung ito ay isang prutas, bakit mo ito pinitas nang hindi pa hinog?

Ang akala mong matamis, iyon pala ay napakapait.

Nag-iwan ito ng mga marka at peklat sa iyong puso at isipan.

Prutas na tila ayaw mo nang balikan at tikman muli.

Ito ang pag-ibig.

Napakatalinhagang salita.

Napakadaming anyo.

Inaasam ng lahat.

***

Okay guys, ang nasa puso ko ngayon ay gumawa ng mga tula. Hindi ko alam kung bakit pero mukhang umiibig na ako sa mga tula. So can we exchange our hearts? Palitan tayo ng mga tula? 😉

Gaya nga ng event teaser na nakalagay sa blog ko, kung malapit ka lang sa Los Banos, Laguna, iniimbitahan kita na pumunta sa aming Post Valentine’s Day event. Pwede ito sa mga single at couples.

7:00-7:15 PM: Registration
7:15-7:30 PM: Welcoming / Refresher game
7:30-8:00 PM: Acoustic Session
8:00-8:20 pm: Couples’ Game
8:20-8:30 pm: Q&A
8:30-9:00 pm: Singles’ game
9:00-9:30 pm: Surprise!

Abangan ang aming mga inimbitang kumanta na sina Pareng Dean, Yuri Sta. Maria at marami pang iba (click the link of their names for their soundcloud account). Doon ninyo din malalaman ang resulta ng ginawa naming survey: Pag-ibig Survey Para sa mga Single na Lalaki at Pag-ibig Survey Para sa mga Single na Babae. Just click the link kung gusto mong sumagot pa din! Madami ding mga games! May prizes at may kainan din. Tara na! Palitan na tayo ng puso. ❤

PS: Kung gusto mong makilala si Berto at Chela sa tunay na buhay, ipapakilala ko sila doon sa event. Hope to see you!

This is love: not that we loved God, but that he loved us and sent his Son as an atoning sacrifice for our sins. (1 John 4:10)

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

love is blog by doctor eamer

Love is Blog. Click here for details.

Advertisements

4 comments on “Can we exchange our hearts?

  1. esorenneiluj25
    February 16, 2016

    I like this: Kung ito ay isang prutas, bakit mo ito pinitas nang hindi pa hinog?
    True. 🙂

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on February 16, 2016 by in Promotion & Advertisement and tagged , , , , , .
%d bloggers like this: