Ayon sa estimatistics (pinaghalong estimates at statistics) ng batikang estimatistician na si Doctor Eamer, pito mula sa sampung estudyante sa Graduate School ay single. Isa ako sa pitong iyon. Isa ka din ba doon? 🙂
Siguro dahil hindi sila abala sa love life (dahil wala naman sila noon), naghanap sila ng ibang pagkakaabalahan. Kaya pinasok nila ang masalimuot ngunit masayang mundo ng pag-aaral. Masalimuot dahil madami ang pumapasok subalit kaunti lamang ang lumalabas o nagsisipagtapos. Masaya dahil madami kang nakikilala at natutunan. Try mo!
Kidding aside, madami akong kilalang single sa grad school, lalo na ang mga babae. Bakit kaya? Guys, comment kayo at sagutin ninyo! May mga nagsasabi naman na kapag ang isang babae ay tapos ng MS at PhD at single pa din, mahirap na daw makatagpo ng pag-ibig. It may be true but it is not true at all times. I have some friends na nakatagpo naman ng kanilang true love after makatapos ng PhD. Saka I think ‘having a relationship’ must not be the end goal of life. C’mon! May iba nga diyan, binigyan ng love life pero nagsisisi.
Anyway, hindi comprehensive ang article ko ngayon. I just want to promote our organization’s shirt. For only Php 349, you can express yourself already. For orders, please text Anjuli Elegado (09258477451). You may post your order starting today until Feb 19, 2016. Shirt will be available around 1st or 2nd week of March. For those who are not from UPLB, shipping is available but cost will be covered by the buyer. Payment options are also dependent on the person (org rep) whom you want to order from. For shirt sizes, you may visit UPBeat shops.
PS: Ngayong semester na ito, kukuha na talaga ako ng comprehensive exam. Please pray for me! 🙂 After MS, let’s pursue MRS. ❤
Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer
Photo Credits (here)
PLACE YOUR AD HERE
Di bale ng walang boyfriende, basta gumraduate on time. Yun naman ang end goal sa gradschool. LOL
LikeLiked by 1 person
Noted. LOL! 🙂
LikeLike