Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Fun Run: Takbo Para sa Pag-ibig

fun run for couples

Noong isang linggo ay nagkaroon kami ng meeting sa aming young professional sector ng church namin. Ang huling agenda na aming pinag-usapan ay kung ano ang magandang activity para sa Post-Valentine Day Celebration. Busy kasi ang lahat sa mismong Valentine’s Day dahil may kani-kaniyang lakad. Ang iba ay may date at ang iba naman ay kunwaring may date. LOL! Pero ako ay may date talaga. Hmmmm… #AbanganSaFeb14

May mga ilang suggestions na lumabas sa aming meeting kagaya ng (a) Speed Dating, (b) Valentine’s Seminar, (c) Acoustic Night, (d) Mr. and Ms. Searchy at (e) Outdoor Movie Watching. Kung ikaw ang pipili, alin doon ang gusto mo?

Just recently, may naisip akong fun activity in the form of a fun run. So here is my capsule proposal:

Objectives

1. Mag-enjoy at magkaroon ng “moments” ang mga couples;

2. Magkaroon ng opportunity ang mga singles na makipagkilala sa ibang tao (of the opposite sex); and

3. Para magkaroon ang bawat isa ng kakaibang experience sa pagtakbo. Maiba naman. (For a change… of status.)

Date: February 14, 2016

Time: 6:00 AM

Venue: UPLB Freedom Park

Distance to run: 1.43 kilometes

This is open to all singles and couples. Kapag single, dapat may work na. Kapag couple naman, at least three months in a relationship na. May 3-month rule daw. LOL!

Twist:

1. A total of 100 pairs lang ang tatanggapin (50 couple pairs, 50 single men, and 50 single women).

2. Tatakbo kayo na may posas na nakakabit sa kanang kamay ng babae at kaliwang kamay ng lalaki.

3, Para sa mga singles, doon sa mismong event ninyo malalaman ang kapartner ninyo. Draw lots basis.

4. May mga station na dadaanan. Hindi required na tumakbo kahit ito ay fun run. Walking while talking ay recommended.

5. Unang station ay ang Flowers and Chocolate Station. Siyempre dapat may bulaklak at tsokolate na matatanggap ang mga girls. Kukuha si lalaki ng isang flower at chocolates doon sa station at ibibigay ito sa kapartner niya. Tapos proceed to station 2.

6. Ang second station ay Hugot Station. May mga blank papers at pens doon sa station na iyon. Magsusulat ng isang hugot ang mag-partner. Ididikit ito sa freedom hugot wall. Kahit anong hugot!

7. Ang third station ay ang Self-We Station. Picture muna! Remembrance ba. May malaking heart sa background para naman cheesy!

8. Ang fourth station ay ang Love Lock Station. Ito na ang pinakahuling station. Dito na tatanggalin ang inyong mga posas. Ito ang magsisilbing lock na isasabit sa isang lagayan katulad noong ginagawa sa Paris.

Magkano ang registration fee? 500 pesos each participant. Aba, mahal ang bulaklak at chocolates ngayon. Tapos may couple shirt pa kayo na free!

couple shirt for fun run

Pero ang maipapayo ko lang sa ganitong fun run ay dapat may magandang sapatos ka. Kung single man kayo o in a relationship, having a good running shoes is an investment. Pwede kayong mamili online. You can check out Saucony at ZALORA. Madami kayong pwedeng pamilian. 🙂

running shoes for fun run

Click here for more options.

“Running has taught me, perhaps more than anything else, that there’s no reason to fear starting lines…or other new beginnings.” -Amby Burfoot

PS: This post is in collaboration with ZALORA Philippines. You can email me at iamdoctoreamer@gmail.com for collaboration. Advance Happy Valentine’s Day! ❤

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (1, 2, 3)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

PLACE YOUR AD HERE

place your ad hereClick here for Ads Prices
Donate Button with Credit Cards

Advertisements

7 comments on “Fun Run: Takbo Para sa Pag-ibig

  1. signorinamelrice
    February 6, 2016

    Omg. Endorser ka na doc. 😂

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      February 6, 2016

      Hmmmm. Yes. Haha! They just sent me a message for collaboration. Nag-yes naman ako. 🙂

      Like

  2. beyondfacingthemonitor
    January 28, 2016

    naks. pwede ba ako dyan? 🙂 may maganda a kong running shoes!

    Liked by 1 person

  3. sparkfromafar
    January 26, 2016

    gaganda ng shoes! love it! 😉

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: