Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Do not fall in love with a blogger!

anxiety verses

1. Ang mga blogger ay parating busy

Karamihan sa kanila ay may kanya-kanyang trabaho at pinagkakaabalahan. May iba naman na tambay at busy sa pagbabasa ng mga libro o articles sa internet. Madami ring busy sa pagiging single katulad ng mga opisyales ng Philippine Single Association (PSA).

2. Ang mga blogger ay mahirap maintindihan

May mga gusto silang isulat na minsan ay sila lang ang nakakaintindi. Kapag nagsulat sila ng isang blog, hindi mo agad malalaman kung iyon ay may hugot o talagang likha lang ng isipan.

3. Ang mga blogger ay may angking lihim

Hindi mo lubusang makikilala ang kabuuan ng pagkatao ng isang blogger sa pamamagitan lamang ng kanyang mga isinusulat. Words are deceiving sometimes. Hindi lahat ng sinasabi niya sa kanyang mga blogs ay kumpletong detalye ng gusto niyang sabihin. May karapatan siyang itago ang ilan sa mga detalye at sabihin lamang ang mga bagay na gusto niyang sabihin.

4. Ang mga blogger ay hindi pang-forever

Darating ang pagkakataon na titigil silang magsulat. Writer’s block ika nga. Paaasahin ka nila na may kasunod pa pero wala na. Wala na talaga.

5. Ang mga blogger ay hindi stick-to-one

Ang gusto ng mga blogger ay mas marami. The more followers and readers, the better. Gusto nila ay lagi silang may bagong nakikilala. Mas masaya sila kapag may bago silang nagiging kaibigan sa blogosphere.

6. Ang mga blogger ay may sariling mundo

Mahirap pasukin ang mundo nila dahil punong-puno ito ng mga taong nakilala nila sa pagbabasa ng mga libro. Minsan ikukumpara ka niya sa isang prinsesa na nabasa niya sa isang novel. Minsan mangangarap siya na ang relasyon ninyo ay happily-ever-after pero hindi naman talaga. Minsan mas pipiliin niyang kasama ang mga librong binabasa niya kaysa sa iyo.

7. Ang mga blogger ay walang pakundangan

Minsan ay walang pakundangan na magsusulat sila ng mga rants sa isang pangyayari o sa isang pulitiko. Minsan ay ikaw na pala ang pinapatamaan niya pero hindi mo alam. Manhid ka kasi. LOL! Minsan nagsusulat lang sila ng kahit ano basta may maisulat lamang. Parang itong blog na ito. 🙂

Hindi ko naman nilalahat ang mga bloggers, pero majority sa tingin ko ay may ganitong katangian. Aaminin ko, lahat ng pitong ito ay ako. Kaya kung magkakagusto ka sa isang blogger, mag-isip kang mabuti. Basta ang maipapayo ko lang sa iyo, do not fall in love with me este sa isang blogger.

PS: This is only Part 1. The release of the Part 2 will be posted soon. (Read #4 again). Paalam.

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

PLACE YOUR AD HERE

place your ad hereClick here for Ads Prices
Donate Button with Credit Cards

Advertisements

43 comments on “Do not fall in love with a blogger!

  1. PrincessLG
    February 9, 2016

    Nakakatuwa 😀

    Liked by 1 person

  2. docpreciousjem
    January 30, 2016

    Medyo gets ko na kung tungkol saan ang Part 2. Haha. Well-written and well-played, Dr. Eamer. Hahahahaha.

    Liked by 1 person

  3. ellieshana
    January 28, 2016

    Dapat ang title nito ay dont fall in love with Doc Eamer. Haha.

    Liked by 2 people

  4. angmamangenhinyero
    January 26, 2016

    Doc nasend ko na contribution ko. Kindly check your email and please inform me if it’s downloadable, readable, etc. Thanks!

    Liked by 1 person

  5. signorinamelrice
    January 24, 2016

    #6
    Hahahahhhha. Hi, doc. 😄

    Liked by 1 person

  6. Cassiopeia
    January 21, 2016

    Bwahaha.. abangan ko ang Part 2. Mas interesting! 🙂

    P.S. Nanghakot ka lang ata ng single Doc, eh. Hahaha

    Liked by 1 person

  7. esorenneiluj25
    January 21, 2016

    Mabuhay ang mga Bloggers!!!
    Number 6!!!!

    Liked by 1 person

  8. angmamangenhinyero
    January 21, 2016

    Isang katanungan lang Doc:

    Why say no when you CAN REALLY DISCOVER THE ONE just by simply allowing them to fall in love with bloggers like us? Oo may kanya-kanya tayong septic tank na tinatakpan pero kung halimbawang may isang nilalang na may “balls” (oo pati ladies meron nun, courage nga lang ang tawag hehehehe) na handang dumakot ng “shits” natin at kaya tayong mahalin despite and with all our imperfections, bakit kelangan silang pigiling mahalin tayo?

    Di po ako nang-aaway. Maganda pa kayo sa umaga (lady members of PSA!). And good morning as well sa iba 🙂

    Liked by 2 people

    • Doctor Eamer
      January 21, 2016

      Hahaha! As I’ve said to my other comments, this is just preparation to may Part 2. 🙂 Let’s say it’s a teaser for the main event. Haha! Well, I’m just trying to explore a new style of writing my blogs. Hehe! I know bloggers will react on this. And that’s my goal. Haha! Therefore, I think, it was effective. Since my goal is to get bloggers attention. 😉

      Liked by 1 person

      • angmamangenhinyero
        January 21, 2016

        Yeah, honestly it’s really freakin’ effective Doc, hahaha

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        January 21, 2016

        Haha! Then, I might switch to this kind of writing style. LOL! BTW, gawa ka na ng entries mo para sa PSA guest blogging ha! 🙂 Malapit na ang February 🙂

        Liked by 1 person

  9. clauie belle
    January 21, 2016

    Ikaw lang talaga yan. Kaya wag mong gawing ‘mga bloggers’. Haha. O kaya ‘karamihan’. 😁

    Liked by 2 people

    • Doctor Eamer
      January 21, 2016

      Hintayin mo kasi ang Part 2. The opposite of Part 1. Haha! Masyado ka naman tinamaan ata.LOL!

      Liked by 1 person

  10. unjellanera
    January 21, 2016

    In love na ata ako

    Liked by 1 person

  11. Jai
    January 20, 2016

    Aasa ba kaming may kasunod pa ito pero wala na, wala na talaga? 😀

    Liked by 1 person

  12. Kaya naman pala di ako magka-relationship. Tinatakot mo eh. Hehehe

    Liked by 3 people

  13. aysabaw
    January 20, 2016

    Asus.

    Liked by 2 people

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on January 20, 2016 by in Blogging and tagged , , .
%d bloggers like this: