Gets mo ba ang title ng blog ko?
Ayon sa mahusay na estimatistics ni Doctor Eamer, apat sa sampung mga Pilipino lamang ang tinatantyang agad na makakaintindi sa kung ano ang ibig sabihin ng title ng blog ko. At isa lamang sa apat na iyon ang pinag-aalayan ko ng blog ko ngayon. 🙂
Lanbindalawang araw din akong nawala sa blogosphere pero nagpaalam naman ako na hindi ako magiging aktibo sa mga araw na iyon. Kung hindi mo alam ang dahilan at gusto mong malaman, basahin mo ang pinakahuli kong post na “Cool Off Muna Tayo Mula January 4 – 15, 2016.”
Maraming nangyari sa loob ng mga araw na iyon. Nagpagtanto ko na kaya ko naman pala na walang Facebook sa pang-araw-araw. Sa totoo lang, grabe ang impluwensiya ng Facebook sa kultura nating mga Pilipino maging sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa iba nga ay necessity in life na ang Facebook. Parang hindi mabubuo ang araw nila kapag hindi sila nakakapag-log in sa Facebook para mag-post ng status o makapag-like sa mga pictures at posts ng mga FB friends nila. Umamin kayo!
Sa mga araw na inactive ako sa social media, naging busy ako sa activities namin sa church. Nagkaroon kami ng tulad ng “Visita Iglesia” dahil umikot ang mga activity namin sa San Pablo City, Tanauan City, Calamba City, Cabuyao City at siyempre dito sa Los Baños. Napakalaking bagay ng mga nangyari sa akin sa buong labindalawang araw na iyon. Spiritually speaking, I was supercharged!
Nagulat ako sa stats ng blog ko dahil kahit na wala akong post ng 12 days, more than 1,000 pa din ang kabuuang views/reach ng blogsite na ito sa mga araw na iyon. Salamat sa mga faithful readers at sa mga taong naligaw sa blogsite ko. For a blogger like me, it’s an encouragement. Kaya naman sa buong taon ng 2016, abangan ninyo ang aking mga blog posts, blog series, guest blogs, giveaways, interviews, soundclouds, pakulo, kakulitan at kung anu-ano pa. Pero huwag ninyong abangan ang aking pag-ibig. Kahit alam kong sobrang inaabangan ito ng aking mga kaibigan at kakilala, I think hindi pa this year ang tamang panahon. Sabi nga ni Mommy Ahl, you can be prepared but it doesn’t necessarily mean that you are ready. As for me, I’m still working on both – preparation and readiness. Sana ikaw din. 🙂
Anyway, I pray that this 2016 will be a year of greater things for each one of us. Tumatanggap ako ng prayer concerns. Just send me an email sa iamdoctoreamer@gmail.com at isasama ko sa prayer time ko iyon. Pero kung love life ang prayer concern mo, bisitahin mo na lang ito: Love Clinic of PSA.
PS: Na-miss kita este na-miss ko ang magsulat ng blog. BLOG is LOVE. ❤
Jeremiah 29:11 – “For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”
Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer
Photo Credits (here)
PLACE YOUR AD HERE
May giveaways ka pala doc? Bat di ko alam. 😭
LikeLiked by 1 person
Minsan namimigay ako ng pagmamahal. Give away. Haha! 🙂
LikeLiked by 1 person
Awwe. Haha. Kaya ibigay mo na rin book mo doc. 😀
LikeLiked by 1 person
Punta ka sa Laguna, ibibigay ko. 🙂
LikeLike
San sa Laguna doc? Haha.
LikeLiked by 1 person
Yun lang. Sa giveaway ko kasi hindi ko sinasabi kung saan mismo sa Laguna. Haha 🙂
LikeLiked by 1 person
😥
LikeLiked by 1 person
Hanggang Calamba, pwede ako ng meet and greet. 🙂
LikeLike
ha ha ha…so Doc, pinakinggan ko yang soundcloud soundclou mo na yan….pagkaganda naman pala ng tinig ah
LikeLiked by 1 person
Masama pa nga pakiramdam ko noong nirecord ko iyon. Haha Hopefully mainspire pa ako sa paggawa ng tula. Haha
LikeLiked by 2 people
go lang ha ha…ayus, parang DJ lang eh 😛
LikeLiked by 1 person
Makapagpractice nga pati mga love advices. Haha gagawin kong soundcloud. 🙂
LikeLiked by 1 person
ha ha…sige, aja!
baka next time nasa radyo ka na ha lels
LikeLiked by 1 person
Kapag nasa radio na ako, lagi ko babatiin kayong mga kababayan ko na nasa Middle East. Haha!
LikeLiked by 1 person
Naks. Haha….eh Doc baka malapit nakong bumalik sa Pinas….so greet mo pa din ako lol
LikeLiked by 1 person
Sige, kapag nasa TV na ako, I’ll greet you. LOL!
LikeLiked by 1 person
Hahaha tenchu in advance
LikeLiked by 1 person