Dahil kakagawa ko lang din ng account sa SoundCloud nitong nakaraan, gusto kong ibahagi kung paano nga ba gumawa ng SoundCloud account.
Pero ano nga ba ang SoundCloud?
SoundCloud is the world’s leading social sound platform where anyone can create sounds and share them everywhere.
Recording and uploading sounds to SoundCloud lets people easily share them privately with their friends or publicly to blogs, sites and social networks.
It takes just a click to share sounds to Twitter, Tumblr, Facebook and Foursquare.
SoundCloud can be accessed anywhere using the official iPhone and Android apps, as well as hundreds of creation and sharing apps built on the SoundCloud platform. (Source: soundcloud.com)
Kung may YouTube para sa videos, may SoundCloud para sa mga audio. Noong nadiskubre ko ang SoundCloud, doon na ako nagkikinig ng mga gusto kong kanta. Dati kasi sa YouTube pero ang tagal kasi ng loading minsan. Sa katunayan, nakikinig ako ng Bethel Music sa SoundCloud habang ginagawa ko ang blog post na ito. Nakakapanghina kasi lalo kung nakahiga lang ako maghapon. FYI: May trangkaso ako kahapon. #labnat
Nakakatuwa kasi ang mga friends ko na aspiring singers ay may mga SoundCloud account din. Masarap din pakinggan ang mga boses nila. Tangkilikin ang sariling atin! Nakinig din ako ng ilang piyesa ni Juan Miguel Severo.
Para makagawa ng account sa SoundCloud, kailangan ay may email address ka. Pwede namang ibang password ang ilagay mo. Hindi ko na nilalagyan ng check ang box para sa updates dahil ayoko ng masyadong maraming email updates galing sa mga websites. Lagyan mo lang ng check ang box para sa agreement to the Terms of Use and Privacy Policy. Pagkatapos, click the create account button. Makakatanggap ka agad ng email mula sa kanila para sa verification. Ayun na! May account ka na. Maaari ka nang maglagay ng mga recording mo doon. Kung mobile app ang gamit mo, pwede ka mag-record directly doon. Kung normal pc naman, upload ka lang ng saved recordings mo.
Aaralin ko pa din ang features ng SoundCloud. Pwede mong basahin ang article na ito para malaman mo ang iba pang kagandahan ng SoundCloud.
Para sa una kong entry sa SoundCloud, isang spoken word na tula na aking ginawa dati: Ang Pagbangon (A Poem of Moving On).
Hindi naman ako magaling sa mga ganitong pagbigkas. Hindi ko nga naranasang mailaban sa narration. declamation, o sabayang pagbigkas noong ako ay elementary at high school. Gusto ko lang subukan. Wala namang masama, ‘di ba? Parang pag-ibig ko sa iyo, walang masama. Pero hindi ko pa sinusubukan. LOL!
Para sa mga aspiring singer, DJ, poet, newscaster, nais ko kayong imbitahan na gumawa ng sarili ninyong account sa SoundCloud. At least may portfolio na kayo agad. Saka hindi natin alam, malay mo isang araw ay madiskubre ka.
Kung gusto mong i-feature sa blog ko ang iyong piyesa, send me an email (iamdoctoreamer@gmail.com). Libre naman iyon. Gusto ko kasing suportahan ang mga taong may angking talento. Kaya nga suportado ko ang mga opisyales ng Philippine Single Association (PSA). Madami kasi silang talento – masaktan, umasa, maghintay, mag-move on at magmahal. LOL! Bisitahin ninyo ang aming bagong WordPress account (link).
Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer
Photo Credits (here)
PLACE YOUR AD HERE
Napahagalpak ako ng tawa sa “Parang pag-ibig ko sa iyo, walang masama. Pero hindi ko pa sinusubukan.” LOL talaga!
LikeLiked by 1 person
Hagalpak talaga? 😉
LikeLiked by 1 person
Wow, Doc – Congratulations on this, hehehehe. Nice work. At dahil diyan, follow mo na rin ang aking Soundcloud, hehehehe. Gusto ko din sana ibahagi sa iyo ang aking mumunting composition. Sana maka-inspire ako. 🙂
LikeLiked by 1 person
Ok bro, I’ll check my soundcloud tom. Nasa office ang password eh. Haha on trip kasi ako. 🙂
LikeLike
Meron din akong soundcloud para sa mga sinusulat kong kanta. Kaya lang ngayon di ko na nabubuksan kasi di ko maalala ang password. Haha. At tsaka di na ako nakakasulat ng kanta. Nagfocus kasi ako sa pagbabasa at pagsulat sa blog. At tsaka, feeling ko ang chaka ng boses ko, ayokong gambalain ang whole wide universe. Hahahahaha. Chos!
Ipagpray nating maalala ko sana ang password ko at email address na ginamit ko. hahaha 🙂
LikeLiked by 1 person
Ayun lang. Haha! Mahirap kapag nakalimutan ang password talaga. 🙂 Kapag na-open mo na account mo, add mo na lang ako. Hehe! 🙂
LikeLiked by 1 person
Sige. Gagawin ko yang New Year’s Resolution: Wag kalimutan ang password ng mga sites na sinalihan. Hahaha
LikeLiked by 1 person
Ganyan naman ang karamihan sa inyong mga babae, madaling makalimot. Monthsarry pala, nakalimutan na. LOL! #HindiHugot
LikeLiked by 1 person
Ganyan naman kayong mga lalaki in denial (re. #hindihugot). Hugot pa more. Hahahaha. Saan nanggagaling ang mga hugot mo? Para napakalalim ng pinaghuhugutan, mas malalim pa sa talampakan. hahaha
LikeLiked by 1 person
Ang mga babae talaga, ayaw makinig sa mga lalaki. Kapag sinabing hindi hugot, hindi. Haha! I am telling the truth. Nothing but the truth. 🙂
LikeLike
Ang mga lalake talaga, mahilig makipagtalo kahit alam na nilang talo sila. BWAHAHAHA. 😛
LikeLiked by 1 person
Yan ang sinasabi mong in denial. Sa mga babae talaga iyan. See? Ayaw ninyo kasing magtiwala sa amin. Haha! Anyway, kaming mga lalaki, tatahimik na lang at aalis muna para magpalamig at magpahangin. Happy New Year na lang. Hehe (Doctor Eamer left the conversation). LOL!
LikeLike
Hahahaha. Di na ko magsasalita. Hahahahahaha. Happy New Year!
LikeLiked by 1 person