Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Blogger’s Confession: May Crush Ka Bang Blogger?

verse on a laptop

Ito ang pangatlo kong entry sa Sunday Series kong Blogger’s Confession. Ang una kong confession ay “Bakit Single Pa Ako?” at ang sumunod ay “Saan ako humuhugot ng mga isinusulat ko?

Hindi ngayon Sunday pero sabi nila, better late than never. Kaya kung 40 years old ka na, huwag kang mahihiyang magkaroon ng love life. Pero kung magkakaasawa ka naman ng basagulero, manloloko, sugalero o ‘di kaya’y babaero, better stay single na lang. Sumali ka na lang sa lumalaking grupo ng Philippine Single Association (PSA). Mayroon kaming bagong itinayong clinic, ang Love Clinic. Kung ikaw ay may mga katanungan ukol sa pagmamahal, mga hinanakit ukol sa mga break-ups, mag-rant hanggang maubusan ka ng mapaghihimutukan, o kaya ay naghahanap ng mapagbubuhusan ng timba ng luha, marami kaming palanggana! Visit this link at kumonsulta na! Open daily; 24/7 (almost lang naman). At siyempre, makatitiyak kang highly confidential ang katauhan mo. Usapang pag-ibig ito eh! *wink*

Balik tayo sa confession ko. Let’s define crush first. Ang naaalala kong sinabi ko dati ay…

Crush for me is merely appreciation. It is appreciating God-given skills, talents, character, behavior, and physical attributes of someone. Ang galing niyang mag-gitara. Astig siyang kumanta. Nakakamangha siyang pagmasdan habang sumasayaw. Cool siyang manamit, so neat and fashionable. Ang sarap niyang kausap. Ang galing niyang mag-speak sa crowd. Ang bait niya! Ang ganda pa. Grabe yung insights niya sa isang bagay. Ang cute nung dimples niya. Grabe yung pinagdaanan niya sa buhay pero patuloy pa din siyang lumalaban. Ang dami niyang pangarap. Astig yung faith niya kay God. That’s it. No more. No less. If you want that crush feeling to grow and lead into a deeper attraction, it is up to you. Be sure it will not lead to lust but to love. EXCERPT from “Anong Kwentong Crush-At-First-Sight Mo?

So kung iyon ang pagbabasihan, may apat akong crush na blogger. Siyempre mga babae iyon! Ito ang mga links nila: 1, 2, 3, and 4. 🙂

Pero sa kuwentong ginawa ko sa libro kong Love is Blog, may dalawang bloggers na nagsimula sa “crush” at sa pagdating ng tamang panahon ay nagkatuluyan sila. You can read the Part 1 (Ang Crush Kong Blogger) here.

Madami lang talaga akong ginagawa lately kaya medyo hindi ako nakapag-blog. Pero babawi ako sa susunod na mga araw. 🙂

Apat na araw na lang pasko na! Advance Merry Christmas.

PS: Seriously, may crush akong blogger. 🙂

PS Plus: Maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa aming Project LiBro.

Project Libro

Si Doctor Eamer  ang nagbabahagi ng kuwento patungkol sa pangarap. Ang Kuwento ni Lolo Joseph. 🙂

Project Libro

Ang disciple ko na si Marc. Siya din ang co-founder ng Project LiBro. Single ‘yan! 🙂

Kung gusto mong makibahagi sa aming adbokasiya, bisitahin ang theprojectlibro.blogspot.com. Kung nasa malayo ka at gusto mong magsuporta financially, pwede naman! Click mo itong nasa baba!


Donate Button with Credit Cards

Photo Credits (1, 2 and 3)

Advertisements

20 comments on “Blogger’s Confession: May Crush Ka Bang Blogger?

  1. esorenneiluj25
    December 23, 2015

    For me crush should make you better, to aspire excellence (actually, natutunan ko lang to sa friend ko.)

    Liked by 1 person

  2. Shan
    December 22, 2015

    Wow lakas mag paasa nung link. Mukhang na-Colombiazoned ako ah! 😀

    Liked by 1 person

  3. martsvalenzuela
    December 22, 2015

    Umasa akong may makikitang link talaga. At apat pa talaga sila! Hahaha!

    Liked by 1 person

  4. Marielli
    December 22, 2015

    “I invoke my right to remain silent.” Hahaha

    Liked by 1 person

  5. clauie belle
    December 22, 2015

    Kaloka yung 1, 2, 3, 4 na link ha. Hahaha

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on December 21, 2015 by in Personal 101 and tagged , , , , , , , .
%d bloggers like this: