Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Blogger’s Confession: Saan ka humuhugot ng mga isinusulat mo?

verse on a laptop

Nagugulat ang karamihan kapag nalalaman nila na ang may-ari ng blog na ito ay isang single. About love and relationship kasi ang karamihan sa mga blogs ko. Madami din ang humihingi ng payo sa akin. Basahin ninyo ang Payong Pag-ibig series ko. Madami pa nga akong pending inquiries na hindi pa nasasagot. Sorry, busy maging single eh. LOL! Kung hindi mo pa nababasa ang unang Blogger’s Confession ko, basahin mo ito (Bakit Single Ka Pa?).

Saan ko ba talaga hinuhugot ang mga sinusulat ko? Madami ba akong karanasan sa pag-ibig sa aking nakaraan? Nagmahal na ba ako at nasaktan? Nagkaroon na ba talaga ako “Been there, done that” situation pagdating sa pag-ibig?

Magtatapat na nga ako. Isa lang ang pinaghuhugutan ko ng lahat ng mga sinusulat ko. Hinuhugot ko ito sa aking tadyang. LOL! Kung si Eba ang babaeng hinugot sa tadyang ni Adan, sa akin naman ay ang mga blogs ko. Haha! Seriously, kailangan bang laging may hugot? Hindi ba pwedeng maging creative thinker lang? Hindi ba pwedeng madami akong kaibigan na nahihingan ko ng insights? Hindi ba pwedeng may mga libro akong nababasa about sa topic na love and relationship? Hindi ba pwedeng madaming life coach o mentors akong nagpapayo sa akin about sa love life? Hindi ba pwedeng madami din akong nababasang blogs ng ibang tao na related sa usaping pag-ibig? Hindi ba pwede? Hindi ba pwedeng maging tayo? Chos!

Hindi ko din alam kung bakit kapag usaping pag-ibig, ang dami ko talagang naiisip at hindi ako nauubusan ng ideya. Kaya ko atang i-relate ang mga bagay-bagay (simpleng gamit, pagkain, laro, quotes, produkto, atbp.) sa pag-ibig. Check this sample blogs.

Para sa mga gustong pasukin ang mundo ng blogosphere, hindi naman kailangang maging hugot lahat ng mga sinusulat mo. Just find your “joy” in writing. Katulad ko, I found you. I found my joy. Ano raw?! Natutuwa kasi ako kapag nagsusulat ng mga patungkol sa pag-ibig. Hangga’t maaari, I will include positivity, hope and my spiritual beliefs sa mga blogs ko. There is a great power in social media. Kung babasahin mo nga ang mga “search items” ng tao sa Google, na naging dahilan kung bakit sila napadpad sa blog site ko, matatawa ka! Check this link.

So, ayun po ang sagot ko. Walang halong hugot ang mga blogs ko. I’m just creative researcher and blogger (and lover). Kung may hugot man, siguro mga 20-26% lang. Pero seryoso naman ako sa mga pinagsusulat ko. Ayan, tinamaan na ako ng pag-ibig este antok pala! Good night everyone! 12 days to go! Pasko na! Advance Merry Christmas!

***

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Click here for Ads Prices

Advertisements

6 comments on “Blogger’s Confession: Saan ka humuhugot ng mga isinusulat mo?

  1. Jai
    December 14, 2015

    naks! busy maging single! Haha! Advance Merry Christmas!

    Liked by 1 person

  2. DJ Marasigan
    December 14, 2015

    Minsan, yung mga kaibigan ko po ganun din ang tingin sa mga posts ko na medyo patungkol sa pag-ibig. Laging iniisip may ‘hugot’ eeh ‘Fiction and Poetry’ na nga ang nilagay kong tema. Haha pero anyway, ipagpatuloy nyo po ang magaling nyong pagpapayo. Nababasa ko po lagi ang mga posts nyo, mahuhusay at talagang pinag-isipan. Kaya mukha talagang may pinaghuhugutan haha. God bless po at Advanced Merry Christmas! 😊

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      December 14, 2015

      Hehe! Thanks DJ! Magpatuloy ka din sa pagsusulat! God bless! 🙂

      Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on December 13, 2015 by in Personal 101 and tagged , , .
%d bloggers like this: