Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Ano ang pwede mong iregalo sa girlfriend mo ngayong Pasko?

regalo para sa girlfriend

Malamig ba ang pasko mo dahil single ka? Bili ka na lang ng jacket. 🙂

Ang post ko ngayon ay para sa mga nagtatanong kay Prof. Google kung ano ang maaaring iregalo para sa iyong kasintahan sa darating na pasko.

1. Shades
Dahil nakakasilaw ang kagandahan niya. Bigyan mo ng 50 shades! Tapos sabihin mo, ito ang “50 shades of love”. Love is not gray.LOL (Photo credit)

2. CD of Love Songs
Ok ang MYMP. Original ang bilhin mo! Sabihin mo sa GF mo, ang pag-ibig ko sa iyo ay hindi napipirata. (Photo credit)

3. Wristwatch
Dahil bawat segundo, minuto at oras na kasama mo siya ay mahalaga. #TamangPanahon (Photo credit)

4. Gift Certificates from National Bookstore
Kung book lover si GF mo, ok ito. Pwede naman na bilhan mo siya ng libro. Nagbebenta pala ako ng libro ko: Love is Blog. Check this link for reviews. Para sa mga second hand books, visit theprojectlibro.blogspot.com. (Photo credit)

5. Toblerone
To (bler) one and only. Just erase ‘bler’ 🙂 (Photo credit)

6. Kit-kat
Kung gusto mong makipag-break. Give her a kit-kat.haha (Photo credit)

7. Travel to Somewhere
Medyo mahirap ito lalo kung overnight at kayo lang dalawa. Alam mo na! Malamig ang pasko. Madaming nangyayari sa ganyan. (Reality check lang). I’m not that conservative naman pero it’s safer kung travel with the family then isama mo siya or with friends. Kung day travel naman, try ninyo pumunta sa Tagaytay. Madami naman doon na good restaurants. Pwede din kayo mag-EK. Bisitahin mo na lang ang Biyehang Laguna website para sa mas madaming options. (Photo credit)

looking beyond the horizon

8. Romantic Buffet
Kung may budget ka na 1500 – 3000 pesos, madami ka nang pamimilian. Check this Most Romantic Restaurants in Manila. (Photo credit)

9. Scrapbook
Dahil uso ang selfie. Sayang naman ang mga shots ninyo! Print it. Make a good story about it. Ilagay mo sa scrapbook. Para naman may memorabilia ka pa din kung sakaling maghiwalay na kayo. #SagotBitter

Seriously, kapag may mga tampuhan, it’s good to visit the good times and memories. Mawawala ang galit kahit papaano. #LoveWins (Photo credit)

10. Movie
Dahil may Metro Manila Film Festival ngayong December 25, manood kayo! Kaso madaming tao. Kung single ka, panooding mo ang Walang Forever. (Photo credit)

11. Bible
May mga couple Bible na ngayon. Para sa akin, kung ang Diyos ang magiging sentro ng relasyon ninyo, siguradong may forever. I’m not saying that both of you must be religious. But both of you should individually pursue a deeper relationship with God. Sabi nga, “Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind. This is the first and greatest commandment.” (Matthew 22:37-39) (Photo credit)

12. Love Letter
Siyempre, this is a must! Wala pa ding tatalo sa bawat letra at pangungusap na ilalagay mo sa sulat mo. Iba pa din ang dating nito sa mga girls. Low cost but high impact. Tapos sprayan mo ng iyong pabango ang sobre na paglalagyan. (Photo credit)

PS: Kung asawa mo naman ang bibigyan mo ng regalo, basahin mo ang libro nina Tita Marlene Legaspi-Munar. How to Keep Your Misis Happy (Paano Maka-score ng Points sa Iyong Lady). Available na ito sa mga leading bookstore. May special participation ako! It’s a privilege to be one of the first people to review this book! Congratulations for this book Tita Marlene and Sir Anthony! More power to both of you and your family. Merry Christmas po!

How to Keep Your Misis Happy

Advertisements

3 comments on “Ano ang pwede mong iregalo sa girlfriend mo ngayong Pasko?

  1. Marlene Legaspi-Munar
    December 10, 2015

    Thanks sa special mention!

    Liked by 1 person

  2. martsvalenzuela
    December 8, 2015

    Hahaha! Mahirap pala magbigay ng kitkat.

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      December 8, 2015

      Yup!haha Though, mahilig akong magbigay ng kitkat sa mga friends.haha Mura lang kasi compare sa Ferrero.haha

      Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: