Read here for the introduction of this series, Looking for Answers. Para hindi tayo paulit-ulit. 🙂
1. payo sa mga single mom
Hindi ka pinanagutan ng nakabuntis sa iyo noh? Haaaay. Mga lalaki nga naman. Hindi responsable. Pero kaya mo iyan! Ipakita mo sa mundo na kahit single mom ka ay kaya mong itaguyod ang anak mo. Cheers! Sana nabasa mo itong blog ko, Payo Para sa mga Single Moms.
2. blog dr christian hugot
Ano talaga ang hinahanap mo bro? 🙂
3. maikling kwento ng pag ibig
Ayaw mo ba ng mahaba? Pero subukan mong basahin ang blog ko na Ang Crush Kong Blogger.
4. paano siya naging paasa
Hindi ko din alam. Pero ikaw ang makakasagot sa tanong na… paano ka umasa?
5. ano ang mu
Ito ay isang pagkaing nakakalason. Madami na ang namatay sa pagkaing ito. Pero patuloy pa din ang mga kabataan sa pagtangkilik ng pagkaing ito.
6. ano ang 3 month rule
Ito ang sumunod sa 2-month rule. Pagkatapos ng 3-month rule, ang kasunod ay 4-month rule. Hanggang 12-month pa nga iyon eh. Check this, That Thing Called “3-Month Rule”.
7. anong ibig sabihin nang cardiomyopathy
Nosebleed ako. Sorry, hindi ko alam. Pero ayon kay Prof. Google, ito ay chronic disease of the heart muscle.
8. anong kulay ng 60years na anniversary na kulay
Kulay green. Kasi favorite ko ang green. 🙂
9. ang pag ibig ay parang
Ito ay parang ikaw. Minsan akala mo alam mo na, hindi pala. Ano daw?!
10. asarol
Ito ay ginagamit sa pagsasaka.
11. nakatadhana ba ang february 03 at february 22
Hahahaha! Tatawa muna ako ha. Pero seriously, tinatanong mo si Google ng ganito? Huwag mong iasa ang tadhana mo sa Google. At wala sa date ng birthday nakasalalay ang tadhana mo! Ang dami kayang may birthday ng Feb 3 at Feb 22. So lahat kayo nakatadhana? Come on!
12. encouraging quotes from myles munroe books
Keep reading his books. Madami akong natutunan sa kanya. Check this, My 12 Favorite Quotes by Myles Munroe.
13. girl paasa-word
Check mo na lang ito, Girl Paasa. Girl Umaasa. Girl May Pag-asa Pa.
14. anong kahulugan ng been there done that
Talaga? You’ve been there and done that?LOL! Ibig sabihin, naranasan mo na iyon at nagawa mo na iyon. Halimbawa, iniwan ka ng boyfriend mo. Tapos tatlong Linggo kang umiiyak at hindi kumakain ng maayos. Ngayon, ang isa sa mga kaibigan mo ay iniwan din ng BF niya. Tapos katulad mo, iyak din nang iyak at hindi makakain. So pwede mong sabihin sa kaibigan mo na, Sis, been there done that.
15. doctor eamer
Naks! Someone is searching me. Are you searching for Mr. Right?LOL!
16. para sa mga taong umibig na d pwede
Ang payo ko lang, huwag mo nang ipagpilitan ang mga bagay na hindi na pwede. Please! Makakasira ka ng pamilya. Maaaring pamilya mo o pamilya ng iba.
17. kasalanan sa bakla
Wala akong kasalanan sa iyo ha. Pero try to read this, Kasalanan ba ang maging bakla o tomboy?
18. sagot kapag kinuha ang number mo
Sabihin mo, kunin mo na ang lahat sa akin, huwag lang ang aking mahal. Kantahin mo na din. Hey! Check this, Anong ibig sabihin kapag kinuha niya ang number mo?
19. green jokes conversation
I love the color green but I hate green jokes.
20. kasalanan ba sa dios ang maging bakla
Check #17.
21. lalaki na nag aya sa tomboy ng sex
So, anong pinaglalaban mo dito bro? Basahin mo stand ko about sex. They want ‘sex’. I want ‘better than sex’.
22. tagalog sex story sa park
Ganito na ba talaga ang mga tao ngayon? Haaaay. Magbago na kayo! Lagot kayo kay Duterte!
23. halimbawa ng maikling kwento tungkol sa paghihintay sa tamang pag ibig
Ang magandang halimbawa ay ang pag-iibigan “namin” 😉
24. kasalanan ba ang bakla
May multa lang.LOL!
25. ano ang marriage of the same sex
Ito ay ang pag-aasawa ng isang babae sa kapwa babae. Maaari ding isang lalaki sa kapwa lalaki.
26. kasalanan ba sa diyos maging bakla
Napapansin ko lang, ang dami ninyong nagtatanong ng ganito. Madami na talaga kayo.
27. quotes masaya bilang isang single dad
You gave me an idea to interview a single dad. Kaso wala pa akong kakilala kasi puro single mom ang alam ko. Anyway, babalitaan kita next time kapag may blog na ako about your concern. God bless po.
Di ko kinaya yung “asarol” hahahaha ilabas mo na ang asarol, Doc!
LikeLiked by 1 person
Ayoko!haha paasa-rol 😉
LikeLiked by 1 person