Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Breaking News: The Greatest Scandal of All

Scandal of Grace

Philippines and beyond – Isang scandal ang patuloy na kumakalat sa media at sa buong mundo. Hindi mapigilang ipakalat ito ng mga taong nakarinig, nakabasa, o nakapanood ng naturang scandal. Nagsimula ang scandal na ito noong mahigit dalawang libong taon na ang nakakaraan.

Maraming mga tao na ang nagpatunay na ang scandal na ito ay totoo. Maraming tao ang nabago ang buhay dahil dito. May ilang celebrity ang nasangkot sa scandal na ito. Isa na dito si Yeng Constantino – Asuncion. Pakinggan natin ang aming panayam sa kanya.

Excerpt: Pero nagtataka ako, hindi ako masaya.  Minsan akala mo ‘pag naabot mo na ‘yung pangarap mo, magiging masaya ka na.  Pero parang kulang… May isang kasama ko sa ASAP Rocks na ininvite ako sa  isang bible group… Pero natuwa ako kasi ‘yung first night na pag-attend ko, sabi ko, “Sakto ‘yung message, feeling ko ito na ‘yun. Ito ‘yung kulang sa’kin, ‘yung Gospel.”  Kaya attend ulit ako sa small group, umattend ako.

Pero bakit ganun?  ‘Pag tinitingnan ko sila, parang alien pa rin ako.  Parang, nagtataka ako, bakit ang weird?  ‘Yung isang ka-small group ko, kinikilig kay Jesus.  “Ha?  Kinikilig ka kay Jesus?”.  Ha?  So, duh?  Jesus?  Kinikilig? So, hindi ko maintindihan.  Pero, deep in my heart, I know, na parang, iyon ‘yung dapat kong maramdaman.  So, one day, nasa kwarto ako, kinausap ko si God, sabi ko sa Kanya, “Ano pa bang maitatago ko, eh, alam mo na ngang lahat?  Kahit hindi ko sabihin.”  Sabi ko,  “Nag-aatend ako ng small group saka ng church, saka nagbabasa naman ako ng bible araw-araw.  Pero yung totoo, hindi Kita mahal.”  Iyon yung totoo.  Ginagawa ko yung pag-attend ng small group, bible study, church para i-satisfy yung sarili ko at sabihin ko na okay ako.  Pero yung totoo, hindi.  Yung binitawan kong word kay God that day, sabi ko, “Pero alam ko sa puso ko na dapat Kitang mahalin at gusting-gusto Kitang mahalin.”  Sabi ko, “Lord, baguhin mo ‘toh.  Kasi kung ito yung gusto mo, baguhin mo yung puso ko.  At alam ko na kaya mong gawin ‘yon kasi Diyos ka, eh!  Baguhin mo yung puso ko.”

Abangan sa mga susunod pang mga balita kung sino-sino ang magpapatotoo sa scandal na ito.

***

Hello readers! Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa at pag-aabang ng aking #SundaySeries. Sa buwan ng Nobyembre ang pamagat ng series ko ay Breaking News. Ang mga naging title ng blog ko noong mga nakaraang Linggo ay: “Babae natagpuang patay… sa kakahintay” (link), “Cebu Pacific Announces Piso Fare for All Broken Hearted” (link), “Lalaking Killer Pinaghahanap na ng mga Pulis” (link), at “Breaking News: EX Factor Philippines Season 143 Coming Soon” (link).

Maraming salamat kasi dahil sa inyo, patuloy na tumataas ang aking blog stats. Sa katunayan gumawa ako ng advertisement package para sa blog ko (click the link).

Bilang finale ng series na ito, ang ginawa ko ay isang testimony ng isang taong hinangaan ko pagdating sa larangan ng musika. I’m not a super fan but I am a fan. Hello there Yeng! I’m happy that you are married to a great man of God. Cheers to a family life! Magpatuloy ka sanang maging testimony of God’s goodness and faithfulness. Patuloy kong papakinggan ang mga kanta mo, lalo na ang Pag-ibig. Siyempre dahil about pag-ibig ang blogs ko. 🙂

“For it is by grace you have been saved, through faith—and this is not from yourselves, it is the gift of God.” – Ephesians 2:8

***

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

PLACE YOUR AD HERE

place your ad here

Click here for Ads Prices

Advertisements

4 comments on “Breaking News: The Greatest Scandal of All

  1. I love her Testimony. It’s hard to understand sometimes, and your mind would come up with different questions.

    But eventually you’d end up realizing that nasa’yo na ang sagot ni God; you just didn’t notice.

    Liked by 1 person

  2. signorinamelrice
    November 30, 2015

    Super love this, doc! ❤
    You should have included Yeng's acoustic version ng Scandal of Grace. 🙂 Like ko rin yong Pag-ibig nya. Lalo na nang i-state nya ang 1 Cor 13:4-7. Ang ganda lang. 🙂

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      December 1, 2015

      Thanks Mel! Sangkot din ako sa scandal na ito. Saka na lang ako magsasalita.hehe

      Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: