Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

First Love. Second Chance. Third Party.

a second chance

First Love – Siya ang unang taong minahal mo. Sa kanya unang tumibok ang malambot mong puso. Siya ang dahilan ng mga ngiting umaabot hanggang tainga. Minsa’y siya ang naging mundo mo. Subalit siya din ang dahilan ng unang kirot at sakit na naramdaman ng puso mo noong naghiwalay kayo. Natatandaan mo pa ba?

Sino nga ba ang first love ko? Hindi ko na matandaan. Chos! Pero I think it was during high school. First love ko siya pero hindi naman naging kami. Mutual understanding lang. Teenage years nga naman!

Lahat daw ng ‘first’ ay memorable. I don’t think so. First date (hindi ko na maalala kung sino). First GF (Naaalala ko pa naman since isa pa lang naman naging GF ko. Choosy kasi ako.LOL). First dance (I forgot pero ang alam ko sa JS Prom iyon). First kilig (Hindi ko na maalala since puro teasing naman parati sa high school). First honor (Noong 2nd year ako). First suntukan (Noong elementary ako). Madami pa iyan.

Ang masasabi ko lang, you may not be his/her first pero sana you will be his/her last. Para saan pa ang forever diba, kung sa huli pala ay hindi din kayo ang magkakatuluyan? Sayang ang time, effort and money. Kaya take time to to know her before mo siya ligawan. Take time to know him before mo siya sagutin. Ikaw, ano ang kuwentong #FirstLove mo?

Second Chance – Ito ang ibinibigay ng mga babaeng niloko, sinaktan, binalewala, ipinagpalit at iniwan ng kanilang ‘mahal’. Pagkatapos ng break-up, lalapit si lalaki at hihingi ng tawad. Tapos? Sila na ulit. And the cycle continues.

Hindi naman ako madamot sa second chance. Ang sa akin lang, ipakita mo na deserving ka sa second chance. Kapag trust na ang nabasag o nawala, mahirap ibalik. Mahirap pero posible pa naman. Trust is earned ika nga ng iba. Do something that can touch her heart once again. Be sincere in asking for forgiveness. Magbago kana bro! Kung mahal mo siya, ayusin mo buhay mo! Act like a man.

Actually, kaya ko isinulat ang ang blog na ito kasi showing na ang “A Second Chance” nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Baka next week ay manood kami ng mga kaibigan ko at churchmates. I’ll definitely make a blog about that. Ikaw, naniniwala ka na sa #SecondChance?

Third Party – Sila ang salarin. Yup, plural! Madami kasi sila. Sila ang sumira sa matamis na pagsasamahan ninyong dalawa at ng iba pang magkasintahan. Minsan, kahit nga mag-asawa na, sinisira pa din nila. Wala silang mga puso! Wala silang etiquette!

Alam naman nilang taken na siya pero pinormahan pa din. Ikaw talaga bro! Kakarmahin ka din ng pagiging playboy mo. May girlfriend na siya pero sinubukan mo pa ding tuksuhin at ‘landiin’ si lalaki. Maganda ka nga pero maganda ka lang. Ang ganda, lilipas din iyan.

Kaya dapat tayong mga lalaki ay maging matatag sa mga temptation. Umiwas na agad. Tandaan mo ito: “And God is faithful; he will not let you be tempted beyond what you can bear. But when you are tempted, he will also provide a way out so that you can endure it.” – 1 Corinthians 10:13

***

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

PLACE YOUR AD HERE

place your ad here

Click here for Ads Prices

Advertisements

6 comments on “First Love. Second Chance. Third Party.

  1. tala bells
    November 26, 2015

    Doc, meron namang lalake yung niloko ah. Pwede rin sila magbigay ng second chance. Wala na akong matandaan na firsts chenes Hahahaha! Gagawa pa lang ako e lol hahaha!

    Second chance? Hirap ibigay yan. Hanggang one try lang, gameover na. Wala ng ulitan 🙂

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      December 1, 2015

      Based on my estimatistics, out of 10 cases, dalawa lang ang nilokong lalaki. The rest 8 cases ay babae na ang niloko. 🙂

      Like

  2. martsvalenzuela
    November 25, 2015

    Speaking of etiquette, parang may ipinalabas na Etiquette for Mistresses sa mga sinehan lately. Hahaha. Siguro may mga practical tips na itinuro dun. Hehe

    Like

    • Doctor Eamer
      November 25, 2015

      Yep! I was about to mention that movie pero baka macurious kasi sila at panoorin pa yun.haha In the first place, being a Mistress is unethical.hehe Sorry sa mga natamaan. 🙂

      Liked by 4 people

      • tala bells
        November 26, 2015

        Hahahaha! Agree Doc. Hindi ko na tinatanong yung backstory e. I judge them on the spot hahaha. Sorry din. Lels hahaha.

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        December 1, 2015

        Mga babae talaga, judgemental.hehe

        Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: