Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Looking for Answers (Nov. 15 – 22, 2015)

Google Search

May mga katanungan sa ating isip na gusto nating malaman ang kasagutan. Madalas ay iisang tao lamang ang ating pinagtatanungan ng mga iyon. Siya ay si Prof. Google. He knows it all daw!

Nasimulan ko na ang ganitong klase ng topic dati (Click They searched these on Google. Seriously???!!! and Hinahanap mo din ba ang mga ito sa Google?). Dahil overwhelming masyado ang natatanggap kong Search Engine Terms results, tawa ako nang tawa. Kaya gagawin ko na itong parte ng aking Blog Series. Tatawagin ko itong Looking for Answers. Sa totoo lang, nagugulat ako sa mga hinahanap nila sa Google pero natutuwa naman ako kasi sa blog ko sila napadpad.

Ito ang mga hinahanap ng mga Pinoy mula sa iba’t ibang panig ng bansa:

1. timer sa love

Hindi ko alam kung bakit mo hinanap ito. Ang masasabi ko lang, ang pag-ibig ay walang pinipiling oras. Umaga. Tanghali. Gabi. Hindi mo alam kung kailan mo makikilala ang iyong The One. Be prepared.

2. kailan darating si Mr. Right

Madaming naghahanap talaga kay Mr. Right. Bakit mo ba siya hinahanap, andito naman ako. 😉

3.  meron bang forever sa long distance relationship

Napadpad ka sigurado sa blog ko na May Forever Pero Walang Forever Long Distance Relationship. Iba’t ibang kuwento naman kasi ang LDR. May successful at mayroon ding hindi.

4. advice sa mutual understanding

Mahirap din ang buhay MU. Been there. Done that. Wala clarity sa commitment. Clarity is power. Read That Thing Called “MU (Mutual Understanding o Maling Ugnayan)”.

5. masama bang maging tomboy

Mahabang usapan ito. Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon. Nawa’y matagpuan mo ang katotohanan. Check Kasalanan ba ang maging bakla o tomboy?

6. mga batas sa sex harashment ng mga bakla

Noong una ko itong nakita, natawa ako. Sorry. Bakit kasi may ‘h’? harashment? Anyway, read my comment sa #5.

7. recipe ng pag-ibig

Magluluto ka ba kapag sinabi ko ang recipe? Trust. Faith. Love. Iyan ang sa tingin kong main ingredients. Happy cooking!

8. anu ang m.u.

Mutual Understanding iyon. Maling Ugnayan pwede din. Mis Understanding. Madami pa!

9. advice po ako, may nanligaw sa akin

OMG! Congrats! After 35 years of existence may nanligaw na sa iyo! Magdiwang tayo! Party pary na! Srsly speaking, kung nasa tamang edad ka naman na para pumasok sa isang relasyon, then try mong magpaligaw. Pero make sure kilalanin at kilatisin mo siya. Basahin mo muna ang blog kong May Boyfriend Ka Na? bago mo siya sagutin.

10. ilang months bago ulit pumasok sa next relationship

Sabi nila 3-months daw. Ewan ko ba kung ano ang scientific and emotional basis noon. Pero kung ako ang tatanungin mo, make sure may closure ka sa nauna. Assess what really happened. Kasi kung mauulit lang iyon sa susunod na magiging relasyon mo, papagalitan kita! Hindi isang laro ang pag-ibig na pagkatapos mong maging game over ay pwede mong ulitin.

11. tagalog quotes para sa same sex relationship

Sorry, I am not in favor with this. No quotes available. Though I am single and available. 😉

12. liham para sa lola

Tama iyan! She will really appreciate it. Try mo ding bigyan ang parents mo. Pero sa tingin ko, sa lola mo ikaw lumaki. Maaaring anak ka sa pagkadalaga ng iyong nanay at hindi ka pinanagutan ng iyong tatay. Buti na lang mabait si Lola. Mabuhay ang mga lola! Mabuhay si Lola ni Dora!

13. ano ang pwedeng iregalo sa tuwing monthsary ninyong dalawa

Pili ka sa mga sinabi ko sa blog ko na 7 Possible Gifts for Your Girlfriend on Your Anniversary.

14. maikling kuwento ni boyet sa pagibig

Teka lang, sino si Boyet? Hindi ko siya kilala.

15. paano magtatagal ang long distance relationship

Simple lang. Magbayad ka lagi ng bill mo para sa internet connection. Dahil kapag naputulan ka ng internet connection mo, sigurado, hindi magtatagal ang LDR ninyo! Thanks to internet!

16. payo para sa mga taong umibig

Ang dami ko nang nasabi about this. Just read Payo para sa mga Taong Umibig, Umiibig at Iibig Pa.

17. advice para sa mga m.u.

Same as #4.

18. ang babae humihingi ng pasensya kapag hindi nagreply

OMG! Bakit ka hindi nagreply!LOL! Ano bang pinaglalaban mo sis? Sige lang, magsorry ka. Dapat sincere.

19. paano kapag churchmate kayo ng crush mo?

Hmmmmm.. churchmate ba tayo?LOL! Edi mas masaya. Same environment and culture kayo. Cheers! Crush lang naman iyan. Do not awaken crush until it so desires.haha

20. paano mo mamahalin ang sarili mo

Treat yourself. Attend seminars on self-development. Invest in yourself. Take care of your health. Feed your spiritual life. Pray.

21. mga paasa lines for pag-ibig

Bigyan kita ng halimbawa. Gusto naman kita talaga. Pero gusto lang kitang maging kaibigan. #Ouch

22. ang panalo ay kasali ang pagkatalo

What?

23. maikling kwento tungkol sa pag-ibig na walang imposible

Malay mo ang kuwentong hinahanap mo ay kuwento nating dalawa.LOL! Try to read this award-winning short love story (Naks! Buhat bangko!): Ang Crush Kong Blogger.

24. sagot kapag tinanong kung bakit mo kinuha ang number niya

Tell the truth. Sabihin mo gusto mo talaga siyang makilala pa. Sabihin mo na imbitahan mo siya sa inyong networking business.LOL Basahin mo ito Anong ibig sabihin kapag kinuha niya ang number mo?

25. may forever din ba ang mag syota ang babae at tomboy

I have reservations. #Alma Basahin mo na lang ang masasabi ko sa usaping iyan, Kasalanan ba ang maging bakla o tomboy?

26. bakit mo kinuha number ko

Secret. Bakit, gusto mo ba pati cellphone mo kunin ko? Pasalamat ka dahil mabait ako, number mo lang ang kinuha ko. 🙂

27. quotes tungkol sa forever relationship

Ever + ever + ever + ever = Fourever. Kung gusto mo ng forever, be ever loving, ever caring, ever truthful, and ever gotesco mall.LOL

Oh siya! Paalam na ulit! Sa isang linggo ulit.

WordPress Stats

Photo Credit (here)

***

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

PLACE YOUR AD HERE
(contact iamdoctoreamer@gmail.com)

Advertisements

15 comments on “Looking for Answers (Nov. 15 – 22, 2015)

  1. docpreciousjem
    December 24, 2015

    Gusto ko po sanang itanong kung ano ang tamang edad na pumasok sa relasyon.

    Liked by 1 person

  2. signorinamelrice
    December 13, 2015

    Haha. Nakakatuwa. 😀 Hi, doc.

    Liked by 1 person

  3. tala bells
    November 26, 2015

    Isa to sa mga kinakatuwaan ko rin noon sa dati kong blog. Kahit mga xrated napapadpad sa blog ko, di ko knows why. Paborito ko yung “kelan darating si mr. right”. aba malay ko, yung saken nga wala pa hahaha. Saka yung, “bakit mo kinuha number ko”. Bakit mo kasi kinuha Doc, tapos di ka na nagtext.

    Like

    • Doctor Eamer
      December 1, 2015

      Hindi ako mahilig sa text kasi.haha I prefer chat or emails. 🙂

      Like

  4. PrincessLG
    November 25, 2015

    Ay kayo na pala? 🙂 may papakilala pa naman ako sayo. LOL

    HIndi kami churchmates haha

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 25, 2015

      Sino ipapakilala mo? Si Queen?LOL! Crush lang naman. Hindi pa kami. Wala pa akong ginagawa. Hindi ko pa focus ang ganyang buhay. Ang saya kaya maging single.haha

      Liked by 1 person

      • PrincessLG
        November 25, 2015

        Parang ate ko. “Ang saya kaya maging single” 🙂

        Like

  5. PrincessLG
    November 24, 2015

    Parang kinilig ako sa Number 19. LOL Natutuwa talaga ako pag may nakikita akong nagmamahalan. Churchmate kayo? hihi

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on November 23, 2015 by in Blogging and tagged , , , , .
%d bloggers like this: