Quezon City, Philippines – Ang nangungunang palabas sa buong kasaysayan ng reality show ay patuloy na eere sa inyong mga telebisyon. Katatapos lang ng EX Factor Philippines Season 142 noong isang buwan subalit sa sobrang dami ng mga gustong makapagmove-on sa Pilipinas, napilitan ang pamunuan ng ABS-CBN na magkaroon agad ng Season 143.
Ang layunin ng programang ito ay matulungan ang mga broken-hearted na bumangon muli at kalimutan ang kanilang EX at sawing pag-ibig.
Mula sa isang libong nagpadala ng kanilang kuwetong pag-ibig, isang daan at apatnapu’t tatlong kalahok lamang ang shortlisted sa susunod na round.
Ang susunod na round ay blind audition dahil love is blind daw. Pipiringan silang lahat sa loob ng tatlong araw at hindi papakainin. Ilalagay sila sa isang auditorium na sama-sama. Ang magtanggal ng piring o ang kusang pagsuko ay automatic out na.
Gusto ng pamunuan ng EX Factor na maramdaman at maranasan nila na hindi biro ang maging isang bulag o di kaya’y gutom. Madaming tao ang may kapansanan pero patuloy na lumalaban sa buhay. Madaming tao ang naghihirap at namamalimos sa lansangan makakain lamang ng isang beses sa isang araw. Walang wala ang problema ng mga broken-hearted na ito kung ikukumpara sa totoong kalagayan ng karamihan sa ating lipunan.
May mga nakahandang ambulansiya naman kung sakaling may mahimatay. Ang pitong matatag at matitira sa loob ng tatlong araw ang siyang makakausad sa susunod na round. Sila ay maninirahan sa Bahay ni Kuya sa loob ng tatlong buwan. Tatlong buwan lamang dahil sabi iyan sa 3-month rule.
Dalawa sa opisyales ng lumalaking grupo ng Philippine Single Association (PSA) ay nakapasok sa 143 shortlisted na kalahok. Ito ang buod ng kanilang panayam:
Martz (Encouragement Officer): “Singleness is a season unmatched with opportunities to grow and develop one’s self. This is the perfect season to invest in yourself so you will be ready to face the challenges of married life.” (Click here to read more.)
Rhea (President): “Being straightened out is painful, but being left crooked will ultimately hurt even more. I know what to choose.” (Click here to read more.)
Abangan sa susunod na Linggo kung sino ang pitong mapalad na makakapasok sa Magic 7.
Samantala, may ilang haka-haka na gagayahin ng GMA7 ang palabas na ito. Tatawagin nila itong ‘GMA School of Moving On’ kung saan hindi bahay ang setting kundi school na parang music academy. Reality show din ito. May mga batikang lecturers on moving on and letting go. Isa daw si Doctor Eamer sa magtuturo ng basics. Siya daw ang napiling magtuturo ng Science of Moving On and Letting Go.
Other breaking news:
“Babae natagpuang patay… sa kakahintay” (link)
“Cebu Pacific Announces Piso Fare for All Broken Hearted” (link)
“Lalaking Killer Pinaghahanap na ng mga Pulis” (link)
***
“The generous will themselves be blessed, for they share their food with the poor.” – Proverbs 22:9
“He also told them this parable: ‘Can the blind lead the blind? Will they not both fall into a pit?'” – Luke 6:39
“Brothers and sisters, I do not consider myself yet to have taken hold of it. But one thing I do: Forgetting what is behind and straining toward what is ahead.” – Philippians 3:13
Photo Credit (here)
***
Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer
PLACE YOUR AD HERE
(contact iamdoctoreamer@gmail.com)
May tanong ako Doc, kapag ba nakapiring tapos di kakain ng tatlong araw, pwede kong kainin yung mga kasama ko sa auditorium? Hindi ko tatanggalin yung piring, kakapain ko lang pramis.
LikeLiked by 1 person
Cannibal! LOL! May mga nakatagong foods naman. But you need to search for it.haha Parang searching for Mr. Right lang.haha
LikeLiked by 1 person
Kung anu-anong naiisip mo. Dinadamay mo pa kami. Hahaha.
LikeLiked by 1 person
Welcome back to Pinas Pres! 🙂 Hope you will chosen as Magic 7.LOL!
LikeLiked by 1 person