Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

True Stories: Pag-ibig na Hindi Sinuklian

Unrequited Love

Isa na namang co-blogger sa WordPress ang nagpadala sa akin ng mensahe sa email. Ang gusto niyang ibahagi ay patungkol sa One-Sided Love Story. Minsan ang tawag dito ay unrequited love. Minahal mo siya pero hindi ka niya minahal. Saklap! Parang sa pagbabayad lang ng pamasahe sa jeep. Buo ang binigay mo pero nalimutan kang suklian. Ikaw kasi! Dapat barya lang ibinayad mo.LOL!

Hindi ko na pahahabain pa ang introduction, basahin natin ang kuwento ni Claudette

Akala ko tapos na ako sa ganitong mga kwento nang pag ibig. Ang saklap naman kasi may PS pa pala. Pahabol na Storya. Pero pangako ko sa sarili. Huli na to. Nakakapagod rin.

Una, sa kolehiyo kami nagkakilala. Gwapong gwapo ako kanya at nakalimutan ko yong puppy love ko sa tuwing ngumingiti siya sa akin. Akala ko may gusto siya sa kin kasi sweet siya kaso naman sa lahat pala nang babae sweet siya. Nasaktan talaga ako. Dumating sa punto na naging malapit kaming magkaibigan pero hindi talaga naging kami kasi nalaman ko nalang may girlfriend na pala siya. 5 taon ko siyang itinatangi sa puso ko. Hindi ako pumalya sa pagbigay nang regalo sa tuwing birthday niya at hindi ako pumalya sa pagiging shock absorber at comforter niya sa tuwing brokenhearted siya. Pero hindi pa rin nya ako nakuhang mahalin.

Pangalawa, workmates kami dati. Tsinito at matalino siya kay crush ko siya agad. Hindi ko naman inexpect na magkagusto talaga ako sa kanya at kalaunan, ma fall rin pala. Very introverted siya na tao at hindi mahilig makipagsocialize. Pero sa tuwing nagbibiro ako, tumatawa naman siya. Nakikita kong na amaze rin siya sa akin kahit papano. Pero ang pagka amaze niya ay hanggang doon na rin lang. Wala siyang panahon sa pag-ibig o hindi pa handa pero hindi naman siya bakla. Ay ewan! Minsan lang kami nagkikita. Gaano nga ba kadalas ang minsan sabi pa nila. Kung ang minsan ay isa o dalawang beses sa isang taon. Pero sa mga minsang pagkikita at pagkwekwentuhan mas lalo akong humanga sa kanya. Tatlong taon na pero hanggang sa mga oras na to, malabo pa rin siya. Malabo pa rin na mahalin o kahit man lang magkagusto siya sa akin.

Pangatlo at panghuli nato. Common friend ang nagpakilala sa amin. Hindi ko alam kun bakit nagclick nlang kami. Hindi naman sa FC, nahiyang lang talaga. Napapdalas na ang pagtext at pagtawag. Naging malapit na kami sa isa’t isa. Feeling ko nga nahulog ulit ang puso ko pagkatapos kong inalis sa bokabularyo ko yong pangalawa pero nawala na lang siyang parang bula. Umalis na walang paalam at walang pinag awayan. Ang sakit kaya!

Mahirap ang ganitong sitwasyon. Yong akala mo sa sarili mo na nasa iyo na lahat nang katangian na gugustuhin nang isang lalaki pero wala pa rin. Yong feeling na nagseselos ka kahit wala kang karapatan nang minsang makita mo siya kasama ang nobya niya. Yong feeling na ikaw ang nasaktan nung binasted o sinaktan siya nang taong mahal niya. At masabi sa sarili mo na buti nga siya minahal yong mahal ko pero binalewala lang tapos ikaw na mas mahal mo yong tao, hindi ka naman kayang mahalin. Yong sakit dahil mas masaya siya sa piling nang iba. Na ibang klaseng ngiti ang binibigay niya sa mahal niya at sa yo na kaibigan lang niya. Nung mag aya ka at na reject dahil hindi niya feel lumabas. Pero kasalanan mo pa rin yon kasi tanga ka, umasa pa. Masisisi mo pa ba?

Sa paglipas nang panahon, maraming mga bagay tayong natututunan. Mga aral na tanging panahon at oras lamang ang nakakapagbigay. Kailangan matutunan natin na hindi lahat nang gusto natin ay mapapasa atin. Na hindi sa tanang panahon mamahalin tayo nang mahal natin. At kailangan natin itong tanggapin. Masakit man pero kelangan.

Mas madali ang pag move on kung tanggap natin na hanggang doon lang ang kwento niyo. Na hanggang kaibigan lang kayo.

Ang one sided story ay katulad rin nang pagsulat ng nobela. May umpisa at katapusan. Kaya nga lang, ikaw lang ang may akda, hindi siya makikibahagi.

***

Ano nga ba ang masasabi ko? Wala. Kasi wala talaga ako sa mood magsulat. Pramis! Kung sa pag-ibig, ako ay nanlalamig.LOL! Subaybayan ninyo ulit ang mga susunod na True Stories. Kung nais mong magpadala ng iyong kuwentong pag-ibig o kahit anong kuwento na may kinalaman sa buhay pag-ibig mo, ipadala ito sa iamdoctoreamer@gmail.com.

PS: Panoodin mo ito. Sana hindi maging one-sided love story ito. Mahalin mo sana Siya. 😉

Photo Credit (here)

***

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

PLACE YOUR AD HERE
(contact iamdoctoreamer@gmail.com)

Advertisements

32 comments on “True Stories: Pag-ibig na Hindi Sinuklian

  1. Kim Lamela
    November 19, 2015

    Pero pansin ko lang, mas malakas makahugot ang mga single. Dahil ba may mga pinagdaanan at pinagdadaanan tayong matindi? ewan. di ko alam. Ang alam ko lang, masyado akong nabigo dati at may pangamba nang magmahal uli. O wala lang talagang dumadating 😀

    Liked by 2 people

    • princessclauie
      November 20, 2015

      Hi Kim! Siguro agree ako sa lahat nang reasons mo, siguro totoo lahat yon. HAHAH “Siguro” nga. We have to endure the pain to make ourselves whole again. Dati rin, i was afraid to fall again,afraid to get hurt again pero kasi pag dumating na yong tao, hindi mo na mapipigilan ang damdamin mo. Kusa kasi yon. Sariling instinct.

      Sabi mo “walang dumating”. Siguro meron pero hindi mo napapansin kasi nga close pa ang puso at utak mo to welcome love again. But they can’t blame you for that kasi wala silang alam sa sakit na pinagdaanan mo.(hugot) When you are ready to open your doors on love AGAIN, it will come to you. Pero, pero, we have to expect pain kasi hindi naman yun love kung hindi tayo masasaktan, sabi nga nila. 🙂

      Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 20, 2015

      true.haha

      Like

      • Kim Lamela
        November 20, 2015

        nag join na po ako 🙂

        Like

      • Doctor Eamer
        November 20, 2015

        Sa Single Dating App ka naman nag sign up eh!haha email mo ulit ako sa iamdoctoreamer@gmail.com 🙂 Mga single bloggers kami, officers sa Philippine Single Association (PSA). May secret group kami sa FB. We support each other there 🙂 We learn from each one too. Let me know if you want to be a part of it. Masaya dun! 🙂

        Liked by 1 person

      • Kim Lamela
        November 20, 2015

        ahhh.. okay 🙂 will do.

        Liked by 1 person

  2. Kim Lamela
    November 19, 2015

    Yung crush ko for 3 years may boyfriend din… HAHAHAHA

    But being single is not a bad thing, isn’t it? I get to travel without restrictions, I get to be with people I want… Some people I know who are committed have limited time for friends and hang outs… while I’m free!

    Liked by 2 people

    • princessclauie
      November 20, 2015

      It’s the freedom that I enjoy the most too! Just recently or just this year, I’ve discovered my love for travels. As what I said to my friends :” I travel a lot because it helps me move on.’ pero yong feeling na supportive yong one sided love mos a travelogue mo. kasi nagpopost ako ng updates tapos nag like or nagcomment sya. Hidni nya alam na isa sya sa dahilan kung bakit gusto kong magtravel. hehe. nagshare lang 😉

      Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 20, 2015

      Mabuhay ang mga single! Join ka sa amin sa PSA! 🙂

      Liked by 1 person

  3. unjellanera
    November 19, 2015

    Yung tipong siya yung kayamanan mo tapos binabasura lang siya ng jowa nya. Yan ang pinakamasakit talaga na pag-ibig. Tapos sasabihin niya sayo, “At least sa friendship may forever tayo.”

    Yung tipong akala mo siya na. Akala mo perpekto siya.

    Eh wala eh. Na inlove din ako. Hindi nga naman siya pa-fall pero sana yung mga ginagawa nila, huwag nila iparamdam na may nararamdaman din sila para sayo kasi parang ganun.

    Yung alam mong mahal mo siya kasi tinanggap mo yung buong pagkatao niya. Tinanggap mo na hindi mo siya kaya mahalin. Siguro it’s the best way how to define love kasi di ka mageexpect any in return AND YOU KNOW WHAT TO EXPECT.

    Masaklap pa dyan, nainlove ako.

    Na inlove ako sa di ako kayang mahalin.

    Kasi ang tanging lalake na gusto ko mahalin, may BOYFRIEND.

    Frienzoned ka na nga. Baklazoned ka pa. Saan ka pa?

    😐

    Liked by 1 person

    • princessclauie
      November 20, 2015

      Agree! saklap naman talaga. Hindi naman pa fall talaga, parang ganun na rin. Parang “somehere between lovers and friends” yong status.. hays buhay!

      Liked by 2 people

      • unjellanera
        November 20, 2015

        HAY NAKO AYOKO NA NGA MGA GANYAN! Haha love yourself na peg ko ngayon. Pagod na puso ko. Di na nagpahinga hahaha pahinga na tayo!

        Liked by 2 people

      • Doctor Eamer
        November 20, 2015

        Selfie love.haha

        Liked by 1 person

      • princessclauie
        November 20, 2015

        HAHHAHHA! in my case, nasobrahan yata ang pagka I love myself ko kasi selfish na ako at medyo unfriendly. Nasobrahan at puro stupid people nalang ang napupuna ko.

        Liked by 2 people

      • Doctor Eamer
        November 20, 2015

        Buy some pets. Doon mo ibuhos ang pagmamahal sa mga pets mo like dogs or cats.haha

        Liked by 1 person

      • princessclauie
        November 20, 2015

        Sorry pero ewan ko, I don’t have likings to pets. HAHAHHA Too lazy. Ewan ko rin.

        Like

      • unjellanera
        November 20, 2015

        Okay lang yan. Siguro kailangan talaga natin dumaan sa stage na ganyan 🙂

        Liked by 1 person

  4. Parang iisa mga hugot natin recently.

    https://milkandcoffeeadventures.wordpress.com/2015/11/17/barya-barya-lang-muna-2/

    But for me, that’s the nature of love: to give without asking for something in return. The only thing that matters is to learn to know your self-worth and to love yourself. Kapag alam mo na mukha ka ng tanga, evaluate and check kung gusto mo pang magpatuloy o hindi. If every else didn’t work, move on.

    Madaling sabihin, pero to be honest, sapul din ako dun.

    Liked by 3 people

    • Doctor Eamer
      November 19, 2015

      Easier said than in reality nga.LOL! 🙂 I agree that the nature of love must be unconditional. Yet, we must not forget that love also requires commitment esp when it comes to romantic relationship. 🙂 Cheers to love! 🙂

      Liked by 2 people

    • princessclauie
      November 19, 2015

      Yes it is the nature of it, love unconditionally. Sa paglipas nang panahon, makaka-move on rin tayo 🙂

      Liked by 2 people

    • unjellanera
      November 19, 2015

      Agree ako dito!!!

      Liked by 1 person

  5. princessclauie
    November 18, 2015

    Thank you Kim! I know, there is more to life. 🙂 Kaya nga idol ko yan si Juan Miguel Severo eh kasi nakakarelate ako sa kanya.

    Liked by 3 people

  6. Kim Lamela
    November 18, 2015

    Sabi nga ni Juan Miguel Severo, “Hindi ba’t mas itinataya natin ang lahat pag di tayo sumugal?” To Claudette, love is something you cannot fight. Kahit naman sabihin mong last na si pangatlo, soon sasabihin mo rin na last na si pang- apat and so on. At di mo naman siguro kasalanan na one- sided lahat ng kinuwento mo… merong love na di one- sided ah 🙂 panoorin mo yung video. And, sabi nga ni Ramon Bautista (siya nga ba?), “There is more to life than love.” Focus on other things!

    Liked by 5 people

    • Doctor Eamer
      November 18, 2015

      Huwag na daw kasing sumakay ng jeep. Maglakad na lang.LOL! #SinglePaMore

      Liked by 2 people

      • princessclauie
        November 18, 2015

        Eh kasi naman nag aabang ng jeep sa terminal nang bus 😉

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        November 18, 2015

        Bili ka na lang ng sarili mong sasakyan 🙂 Mayaman naman ang mga single.haha

        Liked by 1 person

      • princessclauie
        November 18, 2015

        Ako lang siguro ang hindi mayaman. hahaha. Sa tren nalang siguro ako kaso walang tren sa Davao. hahah

        Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on November 17, 2015 by in Love & Relationship and tagged , , , , , .
%d bloggers like this: