Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Breaking News: Lalaking Killer Pinaghahanap na ng mga Pulis

ngiti ni alden

Bacolod City, Philippines – Pitong babae ang dinala sa ospital dahil hinimatay matapos ngitian ng hindi pa nakikilalang lalaking killer smile. Nakuhanan naman ng CCTV ang mukha ng suspek ngunit malabo.

Napag-alaman na ang pitong kababaihan na ito ay mga opisyales ng Philippine Single Association (PSA). Sila ay nagpunta sa Bacolod para sa kanilang monthly meet up. Itinaon nila ito sa Masskara Festival. Ayon sa doktor na sumuri sa kanila, ang sanhi ng kanilang pagkahimatay ay ang pagsikip ng dibdib dahil sa sobrang kagalakan.

Tumangging magbigay ng panayam ang mga biktima. Pero may isang saksi ang nagbigay ng kanyang testamento. “Kitang kita ko pa ang pagngiti ng suspek. Wagas na ngiti parang si Alden. Pagkatapos po ay naglakad na siya palayo,” ika ng isang tindero ng taho.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang pangyayari. Sinusuri na ding mabuti ang CCTV footage. Pinag-iingat ng mga pulis ang mga kababaihang nasa Bacolod (City of Smiles) dahil ilang kaso na din ng pagkahimatay ang naireport sa kanila simula noong isang araw.

Samantala ayon sa isang report, may isang lalaki din ang gumagala at lahat ng nakakausap niya ay nahihimatay din. Tinagurian ang lalaking ito na killer breath. Iniimbestigahan na din ng mga kapulisan ang lalaking ito. Nagbigay ang Colgate Company ng isang daang libong pabuya sa makakapagbigay ng kinaroroon ng suspek.

Other breaking news:

“Babae natagpuang patay… sa kakahintay” (link)

“Cebu Pacific Announces Piso Fare for All Broken Hearted” (link)

***

You can be a world changer through your smile! Minsan kapag may mga kaibigan kang hindi okey ang mood, maaaring maimpluwensiyan mo siya sa pamamagitan ng iyong mga ngiti.

A smile has special powers. You can calm fear, insecurity, hurt and anxiety not only in yourself but in those that are experiencing those feelings (startofhappiness.com)

Isang ngiting single nga diyan 😉

“The expression one wears on one’s face is far more important than the clothes one wears on one’s back.” – Dale Carnegie

“A genuine, affectionate smile is very important in our day to day lives.” – The Dalai Lama

“Let us always meet each other with smile, for the smile is the beginning of love.” – Mother Teresa

“Everyone smiles in the same language.” – Unknown

“You make known to me the path of life; in your presence there is fullness of joy; at your right hand are pleasures forevermore.” – Psalm 16:11

Photo Credit (here)

***

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

PLACE YOUR AD HERE
(contact iamdoctoreamer@gmail.com)

Advertisements

6 comments on “Breaking News: Lalaking Killer Pinaghahanap na ng mga Pulis

  1. RheaAngeline
    November 17, 2015

    HAHA. alam mo bang sa Bacolod ko unang nakita si Alden in person? That was Masskara Festival 2013. Pinagtatagpo yata kami ng tadhana. 🙂

    Liked by 1 person

  2. esorenneiluj25
    November 16, 2015

    Ang taba ng utak. Haha.:)

    Like

  3. Ellieshana (@Ellieshana)
    November 15, 2015

    haha! Doc baka kasabwat yan nung nasa Paris.

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 15, 2015

      Baka nga. 🙂 Lovers in Paris (palabas ata ito dati sa TV). Anyway, heart breaking talaga ang nangyari sa Paris.

      Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: