Sabi ko noon, ayoko na.
Sabi ko noon, hindi ko na kaya.
Sabi ko noon, wala nang saysay ang buhay.
Sabi ko noon, mabuti pa ang mamatay na lamang.
Sinabi ko ang mga iyon dahil ako ay nasaktan.
Ako ay niloko.
Ako ay ipinagpalit.
Ako ay iniwan.
Masakit? Oo, sobra.
Tanda mo ba ang pakiramdam noong tinuturukan ka ng karayom habang binabakunahan?
Tanda mo ba ang pakiramdam noong una mong narasanang mabunutan ng bagang?
Tanda mo ba ang pakiramdam noong nagkaroon ka ng singaw sa dila?
Tanda mo ba ang pakiramdam noong pinulikat ang iyong mga daliri sa paa?
Mas masakit pa doon.
Sakit na hindi ko maipaliwanag.
Sakit na tila hindi na maghihilom.
Sakit na ang tanging alam kong lunas ay siya lamang.
Sakit na siya din naman ang dahilan.
Pero pinilit kong magsimulang muli.
Sinubukan kong bumangon.
Nagkaroon ako ng kaunting pag-asa.
At hinarap ang panibagong bukas.
Mahirap? Oo, pero posible.
Posible palang patawarin ang isang taong tila sinira ang buong buhay mo.
Posible palang kalimutan ang mga mapapait na alaalang bumabalot sa iyong nakaraan.
Posible palang magkaroon muli ng kahulugan ang iyong buhay.
Posible pa lang ipaubaya at isuko ang lahat sa Diyos.
Hindi ko namalayan ang paglipas ng mga oras, araw, linggo, buwan at taon.
Naging abala ako sa mga makabuluhang mga bagay.
Nagulat na lang ako nang isang araw,
Wala na ang kirot, sakit, galit at lungkot na aking nararamdaman.
Hindi biglaan ang pagbangon na aking naranasan.
Hindi naman agad nagiging puno ang isang butong itinanim diba?
Pero nagsimula ang lahat sa isang personal na desisyon.
Desisyon na bumangon.
***
Bangon na! Tanghali na! Late ka na naman sa work mo! 🙂
Ito ay pawang isang tula lamang. Walang halong hugot ito. Ito ay inaalay ko sa mga taong broken-hearted at gustong bumangon. Kung kailangan mo ng karamay, narito kaming mga kasapi ng Philippine Single Association (PSA). Iba’t ibang kuwento ang mayroon ang bawat isa. May umibig. May nasaktan. May bumangon. May natulog. May NBSB. May sawi. May lihim na pagtingin. May talent. May skills. May aso. May pusa. May buwaya. May ako. May ikaw.
PS: Hindi ko naisama ang sound cloud ko para sa tulang ito. Hindi pa kasi ako nakapagrecording. Soon. #Abangan 🙂
Updated (Dec. 29, 2015):
***
Kamusta na kaya ang mga nasalanta ng Bagyong Yolanda? Naalala ko lang sila bigla. See? Walang wala ang problemang pag-ibig mo kumpara sa naranasan ng mga kababayan natin. Kaya huwag masyadong magdrama! Move on din ‘pag may time! 🙂
yes naman! di pahuli ang lahat.. 🙂
LikeLiked by 1 person
Hahaha! 🙂 Abangan mo ang sound cloud nito. 🙂
LikeLike
LikeLiked by 1 person
Ang galing naman po 😁😁 damang dama
LikeLiked by 1 person
Walang hugot yan ah. 🙂 #JustSaying
LikeLike
Hahha. I-feature mo ako sa recording mo doc. 😀
LikeLiked by 1 person
Ikaw yung broken hearted?haha
LikeLiked by 1 person
Hahaha. Pwede rin doc. Tamang-tama. BH ako ngayon lang. Nang stalk kasi ako sa crush ko, ayun, may gf na pala. </3 Hahahhha
LikeLiked by 1 person
Hahaha! So dapat basahin mo yung blog ko about stalking. Paconsult ka kay Pres Rhea.haha
LikeLiked by 1 person
I already did, doc. Haha. I mean, I’ve read the post. 😀 It wasn’t really stalking, doc. Was even my first time to click on his profile and then boom, disappointment! Hahaha. Anyho.
LikeLiked by 1 person
Ok lang yan. Lilipas din ang “crush feeling” haha Been there.haha
LikeLiked by 1 person
Yeah. Haha. Temporary feeling. 😀
LikeLiked by 1 person
https://soundcloud.com/doctor_eamer/spoken-word-a-poem-of-moving-on 🙂
LikeLiked by 1 person
Di ko pa napapakinggan to doc. T_T Will surely listen to this pagnka konek nako sa soundcloud. OA kasi ng laptop na to TT_TT
LikeLiked by 1 person
Palitan mo na ang laptop mo! 🙂
LikeLike
Idol ko si Julie, doc. 😀
LikeLiked by 1 person
Sample.haha
LikeLiked by 1 person
What song do you like? 😀
LikeLiked by 1 person
hindi ako fan ni Julie so hindi ko alam ag songs niya.hehe
LikeLike
*Dislike*
LikeLiked by 1 person
Kanya kanyang taste yan.haha
LikeLiked by 1 person
IKR. Haha. But try mong idiscover si Julie. 🙂 Yung guy friend ko rin nahawa sakin. lol
LikeLiked by 1 person
Sa Tamang Panahon 🙂
LikeLiked by 1 person
Kailan ba kasi yan? Hahaha.
LikeLike
Kailan uli meet-up doc? Pwede half-price nalang ang libro for me doc? Kahit discount nalng please. As a bday gift. *watery eyed*
LikeLiked by 1 person
Hahaha! Sa Nov 19 ang meet up. 🙂 Update kita once ok na 2nd printing. Then I’ll decide for the price discount. 🙂
LikeLiked by 1 person
Where doc? What time?
Oh please. *fingers crossed* haha.
LikeLike
may akimbo 🙂
LikeLiked by 1 person
Si Pres at Vice Pres ang experts diyan.haha
LikeLiked by 1 person
Haha!!
LikeLiked by 1 person
Gusto ko yung part na “di biglaan ang pagbangon…” which is very realistic. Parang pagbangon sa umaga. Magmumuni-muni ka muna, magdadasal o at bahagyang aasa na, “sana walang pasok” o kaya “kahit five minutes pa please.” Haha!
LikeLiked by 1 person
Ikaw bro, nakabangon na ba? 😉 Tanghali na. Bangon na. 🙂
LikeLike
May pusa. May Buwaya. May kulay green na nagsusuka. LOL.
LikeLiked by 2 people
May small world.haha
LikeLiked by 1 person