Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

True Stories: Lessons Learned from Stalking

A girl who is stalking

Mabuhay! May naisip akong panibagong pakulo sa aking blog. Ito ang True Stories. Mga kuwento ng totoong tao na totoong nagmahal at totoong nasaktan. Mga kuwento na kapupulutan ng aral. Antok na ako! Walang maisip na intro!haha

May dalawang tao akong nakapanayam sa email. Ang topic namin ay patungkol sa stalking.

What are your reasons for stalking?

Reason for stalking. hhmmm. the main reason siguro kasi noon ay dahil I dont trust the person that much kaya ako nagstalk ako sa kanya. Remember the guy I am saying to you Doc? Yung nasa tula. Siya yun. Since malayo ako noon sa kanya noong nanliligaw pa siya I tried stalking him sa facebook. Feeling ko na kasi doon there is something fishy. Para bang may hint na ako noon na hindi siya nagsasabi ng totoo. Madami siyang mga bagay na sinasabi na deep inside me parang hindi ko lubos mapaniwalaan kahit na pilitin kong paniwalaan. I guess I was right. – Ellie

1) Nagdeact ng SNS accounts ang ex ko. Ayaw din niyang makipagkita o makipag-usap sa akin. Wala akong means to update myself what’s going on with him, thus, the stalking – sa mga friends niya. 2) Meron akong gustong patunayan. May mga haka-haka akong walang ebidensiya. Nangangalap ako ng ebidensiya para iconvince ko ang sarili ko na tama ang mga naiisip ko. 3) For fun lang. I find it funny whenever I see someone miserable, ugly, fat, dark, etc. Especially yung Ugly Pig na ini-stalk ko dati. – Rhea

Share your stalking experiences. Kindly elaborate.

Yes gumawa ako ng dummy account to check stuffs. You can even view it until now since hindi ko na yun madeactivate dahil hindi ko na tanda ung password. Michael Maiquez. I actually added his live-in partner and friends para macheck ko yung everyday na nangyayari. His live-in partner kasi was very active on posting pictures but is limited to friends lang. So noon nagtry lang ako na i-add sya and luckily she added me. Dun ko nalaman yung panloloko sa akin. – Ellie

Nung una gumawa ako ng dummy account at inadd ko sila lahat. Narealize ko na hindi lahat ng tao eh maingat in terms of their privacy. Add lang ng add ng kung sinu-sino. But I was tempted to comment and reveal myself eventually. So fail ang stalking ko at isa-isa nila akong binlock. By the way, binlock na nila ako sa original account ko before the stalking happened. Then I created another account at discreet lang ako dun. There I found many pictures, old and new, evidences, etc. Lalo lang akong naging bitter. Nakakainis pag wala akong mahalukay. Nakakainis din ang mga nahahalukay ko. Nakikita ko silang magkasama, edi nakakainis din. Nakikita ko silang masaya, nakakainis lalo. Wala namang mabuting naidulot sa akin ang stalking kundi stress. To the point na napapaniginipan ko na ang mga mukha ng mga ini-stalk ko. Puro selfie kasi ang accounts nila. Ubos oras. Ubos energy. Wala namang nagbago samin ng ex ko. Hindi naman niya ako binalikan. It became an addiction – an activity that a day won’t pass without me doing it. I craved for more. I want more.  Totoong may happiness at satisfaction whenever my curiosity is filled up. Pero sobrang temporary. Mananaig pa din yung lungkot, sakit, bitterness saka anger. So eventually, I stopped. – Rhea

What will you advise to those who are stalking now?

I guess hindi naman talaga nakatulong ang stalking sa akin. When I am checking stuffs thru that dummy account at nakikita ko yung nangyayari sa kanya noon sobrang sakit lamang yung nararamdaman ko. Syempre magsisisi ka na nagpahulog ka sa bitag ng isang kagaya niya. But dahil din doon napaisip akong gumanti sa lahat ng nangyari. Amor Powers lang ang peg. But its a no no na! Sabi nga di ba we must forgive those who has persecuted us. And we must learn from our past. Continue to move forward and move on. – Ellie

Been there, done that. I stopped not because I want to, but I have to. I was able to stop not because of my own strength but God told me to surrender everything to Him. Totoo naman na stalking is just a by-product of the pain and agony that I’m feeling. So I surrendered my emotions to God. Mahirap, yes. But why would I continue to be such a loser when I can move forward and be a better person? Ang ginawa ko, nag-deact ako ng SNS accounts for months. As in total closure ng sarili ko sa temptations. I made myself busy with more productive activities like driving class, boxing, etc. Ininvolve ko ang sarili ko sa mga learning sessions, care groups, etc. I surrounded myself with family and friends. It’s a process. A long process, indeed. But believe me, stop stalking immediately. – Rhea

***

Maraming salamat Rhea and Ellie (hindi niya tunay na pangalan) sa pagpapaunlak sa aking online interview. Alam kong maraming mga kababaihan (pati kalalakihan) ang maaaring matulungan ng inyong mga sinabi. Cheers!

Para naman sa gustong magbahagi ng kanilang mga true stories, magbigay lang kayo ng mensahe kay Doctor Eamer sa iamdoctoreamer@gmail.com.

Photo Credit (here)

***

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

PLACE YOUR AD HERE
(contact iamdoctoreamer@gmail.com)

 

Advertisements

29 comments on “True Stories: Lessons Learned from Stalking

  1. esorenneiluj25
    November 17, 2015

    Talaga pala talagang may nagiistalk sa FB no?

    Liked by 1 person

  2. signorinamelrice
    November 14, 2015

    😀

    Liked by 1 person

  3. JAP
    November 11, 2015

    para lumabas ang totoong powers ng stalking, kelangan sawi ang puso. LOL! 😀

    Liked by 1 person

  4. princessclauie
    November 11, 2015

    Stalking is a means of “doing homework” for background check and boom! The bomb exploded because stalking would really fail your expectation about the person, and that is if you have high expectation. “The truth hurts” would be relateable sa stalking na yan. 🙂

    Liked by 1 person

  5. aysabaw
    November 11, 2015

    bwahaha. minsan kahit ayaw mo sabihin pero talagang – been there, done that- eh ha ha

    Liked by 1 person

  6. RheaAngeline
    November 10, 2015

    Emeged, bakit ako totoong pangalan? Yung isa hindi? Haha.

    Liked by 2 people

  7. unjellanera
    November 10, 2015

    I agree. Always be the better person. 🙂

    Liked by 3 people

  8. JAP
    November 10, 2015

    akala ko naman true story mo haha

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 11, 2015

      I never stalk that way.haha

      Liked by 1 person

      • JAP
        November 11, 2015

        Well I guess your heart has never been broken yet.

        Liked by 2 people

      • Doctor Eamer
        November 11, 2015

        Hahaha! So kailangan mabroken muna bago magstalk?LOL! But I ‘stalked’ some of my crushes.haha profile pics lang naman. Cute kasi.LOL!

        Like

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on November 10, 2015 by in Love & Relationship and tagged , , , , , .
%d bloggers like this: