Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Breaking News: Cebu Pacific Announces Piso Fare for All Broken Hearted

Cebu Pacific Piso Fare

Pasay, Philippines – Opisyal na nagpahayag kahapon si Ginoong Lance Gokongwei, kasalukuyang CEO ng Cebu Pacific Air, na magkakaroon ng Piso Fare (all destinations) sa buong taon ng 2016. Ngunit ito ay para lamang sa mga broken hearted.

Napag-alaman ng Research Department ng Cebu Pacific na tatlo sa sampung pasahero nila ay broken hearted pala. Ayon sa datos na nakalap nila mula sa isang batikang estimatiscian na si Doctor Eamer, mula sa 34.1 million passengers (both domestic and international) noong isang taon, mahigit 30% doon ay broken hearted. Kitang-kita sa CCTV footage ng NAIA ang bakas ng kalungkutan sa mukha ng mga pasahero. Madami ang pugto ang mata na tila kagagaling lamang sa matinding break-up. Ayon sa estimatistics ni Doctor Eamer, 79% of those broken hearted passengers are females.

Mula sa ilang petition advocacy na isinagawa ng Philippine Single Association (PSA) sa pangunguna ng kanilang Presidente na si Ms. Angeline (Exhibit A), nagkaisa ang management ng Cebu Pacific na magbigay ng Piso Fare para sa mga broken-hearted.

Ito ang requirements para Piso Fare:

1. Scan copy of Valid ID

2. Selfie na umiiyak at pugto ang mga mata

3. Screen cap ng Facebook Status na “I am now single. Thank you Cebu Pacific for this opportunity to move on.”

Mangyari lamang na ipadala ang mga requirements sa kasulukuyang consultant ng Cebu Pacific na si Doctor Eamer (iamdoctoreamer@gmail.com). Madami siyang alam na teknolohiya para mapatunayan kung broken hearted ka talaga. Kaya huwag kang mangloloko. Dahil mabilis bumalik ang karma. Baka mamaya, ikaw na ang naloko ng boyfriend/girlfriend mo dahil two-timer pala siya. Related article: Two-Timer (Love) VS Part-Timer (Career).

Madaming netizens ang natuwa sa balitang ito. Sa wakas, mas malaki na ang chance na makapagmove-on ang mga broken hearted. Apektado kasi ang mga singles lagi. Paano ba naman sa sila lagi ang puntahan ng mga kaibigan nilang kagagaling lang sa hiwalayan. Buti na lang good listener and good adviser ang mga singles! #SinglePaMore

Promo runs until December 25, 2015. Kaya ano pang hinihintay ninyo… Continuation on Page 7.

OPPORTUNITIES SECTION:

Blogger ka ba? Tapos single din? Sumali sa lumalaking grupo ng Philippine Single Association (PSA). Ilagay lamang ang link ng iyong blog sa comment section. Magkikipag-ugnayan sa iyo ang aming Bise Presidente na si Ms. Klawi (princessclauie07@gmail.com).

FUTURE NEWS:

Cebu Pacific Air Binili na ng Philippine Single Association (PSA).

Sa halagang 143 billion pesos, binili na ng PSA ang Cebu Pac at pinalitan ng pangalan na Philippine Single Airlines. Ang maaari lamang sumakay ay mga single. This will give chance to them. Malay mo pagbaba nila ng eroplano, hindi na sila single! Oooops! Huwag naman! Hindi ka naman easy to get diba? Mabuti pa ay magbasa ka na lamang ng e-book na ginawa ng kasamahan namin sa Purpose Driven Bloggers na si Ms. Mari Lubrica. Ang title ng e-book ay “In Transit: Prose and Poerty”. Download the e-book here.

***

Maraming salamat sa pagtangkilik ng aking blog tuwing Linggo. Patuloy lamang na abangan ang aking Sunday Series na patungkol sa Breaking News. Kung hindi mo nabasa ang aking post last week na Breaking News: Babae natagpuang patay… sa kakahintay just click the link.

Photo Credit (here)

***

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

PLACE YOUR AD HERE
(contact iamdoctoreamer@gmail.com)

Advertisements

15 comments on “Breaking News: Cebu Pacific Announces Piso Fare for All Broken Hearted

  1. signorinamelrice
    November 14, 2015

    Tindi naman ng reqt no. 2 doc. Haha

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 14, 2015

      Kayang kaya nila yun.haha

      Liked by 1 person

      • signorinamelrice
        November 15, 2015

        Hahaha. Kaya mo rin ba?

        Like

      • Doctor Eamer
        November 15, 2015

        Ooops sa mismong kasal lang ako iiyak.eh haha

        Liked by 1 person

      • signorinamelrice
        November 15, 2015

        Tas stolen shot, doc.:D Oy doc, ako volunteer ako kumanta sa kasal mo pleaaaaaaaaseee. Kahit ako pa magbayad sayo. Haha. I promise not to ruin your wedding! Of course not! Haha.

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        November 15, 2015

        Sample muna. Magsound cloud ka.haha Yup invited naman ang PSA sa wedding ko.haha

        Liked by 1 person

      • signorinamelrice
        November 15, 2015

        Yey! hahaha. Eh pangit voice recorder ko doc eh. 😀 Live sample nalang haha. 😀 Bonding tayo ng PSA (kahit ex-member na ako kung okay lang haha). 🙂

        Like

  2. weerdiffident
    November 9, 2015

    Hahaha. dad, iba ang PSA. Ang yaman sa tulong ni Lord.

    Liked by 1 person

  3. glique
    November 8, 2015

    😅

    Liked by 1 person

  4. The Adventurous Cat
    November 8, 2015

    PSA parang by next year na lapit na akong maging official ng samahang yan. Lol

    Liked by 1 person

  5. unsentletters
    November 8, 2015

    😂😂😂👍🏻

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: