Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

31 Awesome Blogapalooza Bloggers

Blogapalooza 2016

Paano mo ba masasabi na awesome ang isang tao, bagay, pangyayari o lugar? May standard ba tayong sinusunod? Wala naman ata. Minsan ang mga awesome sa paningin mo ay hindi awesome sa paningin ng iba.

Minsan ang pagiging awesome ay dahil you are the right person at the right time (tamang panahon). And you choose to be part of it. Parang pag-ibig lang. Darating ito sa hindi mo inaasahang pagkakataon. You have the option to entertain it and be part of it. But the question is… Kung dumating ba ang pagkakataong iyon, available ka ba? Baka busy ka. Kaya karamihan sa mga kilala kong busy ay single. Tamaan na ang tamaan. Sapul ako! 🙂

Anong konek?

Ganito kasi iyon. Noong isang araw, nagpost ako sa group ng Blogapalooza Bloggers. Sinabi ko na I am looking for 31 bloggers (blogsites) that I will feature here at my blog. Ito ay bilang parte ng aking 31 Blogs in 31 Days campaign. Nakumpleto agad ang 31 bloggers sa loob ng tatlo at kalahating oras. Thread close. So sila ang matatawag kong awesome kasi sila ang right person at the right time na nagpost ako. Sila din ang available that time. Salamat sa mga greetings sa aking first blog anniversary! I hope to meet you all next time at Blogapalooza 2016.

Kung hindi ka man nakasama dito, hindi naman ibig sabihin na hindi ka awesome. We are all awesome in our own niche and ways.

Author’s Note: This is not a comprehensive review. May masabi lang talaga ako sa blog ninyo. 🙂 But I did visit them. Cheers to blogging!

1. Chef Jay’s Kitchen

Kung hindi ka makapagdesisyon kung saang restaurant mo dadalin ang girlfriend mo, puntahan mo ang site na ito! Honest to goodness reviews ang makikita mo.

2. Above Precious Rubies

Kung nanay ka na, dalawin mo ang site na ito. Pero kung nanay ka na kahit sa mura mong edad, ang masasabi ko lang ay dapat nakinig ka sa parents mo. Ayan tuloy. Pero move on na! Alagaan mabuti ang baby.

3. Polly Defies Gravity

Sabi nila kung walang gravity, walang attraction. Buti na lang may gravity kaya nga I was attracted to you.LOL! This is a personal blog. She is a registered nurse.

4. My Metro Lifestyle

Check mo ito kung gusto mong may pasyalan kayo ng girlfriend mo. They are blogging about upcoming events in the Metro. Pero make sure may ipon ka na! Baka naman sa nanay mo pa ikaw hihingi ng pang-date. Mahiya ka!

5. Thinkable Box

Check their blog! Lalo kung gusto mong maging husband or wife material. They will teach you how to develop yourself in many aspect of life. Bisitahin mo site nila ha! Mukhang kailangan mo talaga kasi ng self-development. Para naman maging crush ka ng crush mo!

6. Bakedhoven

Kung mahilig kumain ang girlfriend mo (usually naman talaga mahilig kumain ang mga babae), check this site. Madami siyang food reviews.

7. The Ched Project

Lampas na ba sa kalendaryo ang edad mo? Huwag kang mag-alala! Marami kayo. Check mo itong website na ito para may kakampi ka. Pero for sure madami kang matutunan sa kanya.

8. Stretch Your Peso

Nag-iipon ka na ba para sa pampakasal ninyo? Ganoon talaga bro! Lalaki tayo eh. We are expected to really save for that. Check this site about lifestyle of value hunting.

9. Mommy Rockin in Style

Gusto mo bang matutunan ang sikreto ng mga magaganda? Check this site! Sabi kasi beauty and lifestyle blog ito. Check mo! Need mo iyan.

10. Takeoff Philippines

Alam mo na ba kung saan mo ipapasyal ang asawa mo sa inyong 1st wedding anniversary? Check this site! Madaming travel blogs dito at may hotel reviews din.

11. My World by Mommy Anna

Congratulations dahil sa wakas natagpuan mo na ang iyong The One! Isang taon na din kayong kasal at six months na si baby. Check this site, makakatulong sa pagiging mom mo. God bless!

12. Pinoy Pulse

Inaantok ka ba dahil sa sobrang tagal magreply ng boyfriend mo? Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano! Basa ka muna ng blogs dito sa site na ito.

13. Love Teacher Angel

Teacher ka ba? Turuan mo naman akong magmahal!LOL! Check her site! Kasama ko din siya sa Top 10 Emerging Influential Blogs of 2015.

14. Mariaisquixotic

Alam mo ba ang word na quixotic? Hindi ko alam kaya I searched google. Search mo din! Then check her blog site.

15. Yogo and Cream

Nag-aaway ba kayo ng girlfriend mo dahil hindi kayo makapagdecide kung saan kayo kakain ng dinner? Check this site para may idea kayo ng kakainan ninyo!

16. Dutch Fairy PH’s Blog

Life, beauty, food and travel ba ang hanap mo? Puntahan mo ang site na ito. Ako kasi, isa lang naman ang hinahanap ko. Ikaw.LOL!

17. Honey’s Haven

Buti pa siya, may Honey. Ikaw, walang honey, wala pang money. Pero move on din! Check this site at ipasyal mo na lang ang family mo sa mga recommended niyang family staycations.

18. Rookie Mommy PH

Nasa early motherhood ka ba? Check this site! Learn from her.

19. Get Out Dear

Single the Explorer ka ba? Bisitahin mo ang site na ito. Tapos kung marathoner ka or runner, tamang tama na basahin mo ang blogs dito.

20. Tips to Burn Fat

Kailangan mo iyan. Sige na! Huwag mahihiyang puntahan ang site na ito.

21. Baby Jet Set Go!

Marasap daw ang magkaanak. So kung nasa chapter ka na ng buhay mo na nag-aalaga na kayo ng kids, check this site.

22. Mich Santillan

Kung blogger ka at gusto mong makipag-button swap, check her site.

23. Read My Lips!

Madami din siyang reviews sa food at ilang travels. I cannot read lips but I can read hearts. Kaya alam kong ako ang itinitibok ng puso mo.LOL!

24. The Sab Stuff

Button swap din kayo! Check this site. She is an open book whose stories are self-written and a masterpiece that will forever be a work in progress.

25. Oh My Gee Its Me!

It’s not about you. It’s me. Sounds familiar? Mga alibi ng mga taong gusto nang makipaghiwalay sa relasyon.LOL! Check this blog of a crazyc wanderlust, gamer, and fash fashown enthusiast.

26. Charley’s Mommy

First time mo bang maging mommy? Check this site!

27. Leomy

Kung mahilig ang asawa mong tumingin ng mga reviews ng isang product bago bumili, papuntahin mo siya sa site na ito.

28. Artsebilis

Kung book reader ka, para sa iyo ang site na ito.

29. Dear Chubby

Uy! Iskolar ng bayan! Go iska! She is classy and sassy. Check her site.

30. Young x Reckless

She will work for food daw! Iskolar ng bayan din. Go Iska! See you somewhere sa LB.

31. True, False or Maybe

Mahal mo ba talaga ang boyfriend mo? O baka naaawa ka lang sa kanya? True. False. Maybe. All around ang blog na ito. May travel, food, products, etc. Check this site na lang!

***

Salamat sa pagsubaybay sa aking mga blogs! Abangan araw-araw ngayong Oktubre ang aking mga blogs bilang paggunita ko sa aking 1st year blogging anniversary.

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

PLACE YOUR AD HERE

place your ad here

Advertisements

15 comments on “31 Awesome Blogapalooza Bloggers

  1. Peng Desuyo
    November 1, 2015

    So funny! More power to your blog 🙂

    -Read My Lips by Airina Desuyo
    airinaapril.blogspot.com

    Liked by 1 person

  2. tala bells
    October 31, 2015

    Panalo sa mga banat! Happy blog anniversary pala, mukhang nahuli ako sa pagbati! Anyway,better late than ugly so.. HAPPY 1st anniversary sa inyo ng blog mo!

    Cheers!

    Liked by 1 person

  3. mhaan.a-ds
    October 31, 2015

    Natawa ako dun sa sikreto ng mga magaganda! Nako baka mag expect ang mga yan hahaha! Thank you bro!

    http://Www.mommyrockininstyle.blogspot.com

    Liked by 1 person

  4. mhaan.a-ds
    October 31, 2015

    Natawa ako dun sa sikreto ng mga magaganda, nako baka mag expect ang mga yan hahaha. Thank you bro! 🙂

    Liked by 1 person

  5. nilyncartagena
    October 30, 2015

    Thank you Joseph! Napapangiti talaga ako ng posts mo, kahit pa nagrerecommend ka lang ng sites! lol!

    Liked by 1 person

  6. loveteacherangel
    October 30, 2015

    Di kita matuturuan magmahal, baka mali pa maturo ko sayo hehehe… thanks huh 😀

    Liked by 1 person

  7. Polly
    October 30, 2015

    Wow #whogoat?! Grabe sumaket ang panga ko kakatawa! Hahahaha!

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on October 30, 2015 by in Blogging and tagged , , .
%d bloggers like this: