May mga bagay na minsan ay kailangan mo talagang mamili. Parang kapag papunta ka sa UPLB. Kapag sasakay ka ng jeep, kailangan mong mamili kung Kanan o Kaliwa ang signboard ng jeep na sasakyan mo.
Pagdating sa pag-ibig, madaming pagkakataon na ika’y mamimili. Sabi nga ni Marco Sison sa kanta niya, Si Aida, Si Lorna o Si Fe? Sinagot naman ito ni Imelda Papin ng isang kanta din, Ako Ba o Siya?
Dahil madami pa ang natitirang entry sa aking guest blogging, at ilang araw na lang at matatapos na ang aking month-long blog anniversary, kaya pagsasamahin ko na ang ibang entries. Ang blog na ito ay mula kina Crisel (Ako si Babae) at Marielli (Idiosyncratic).
Letting Go. Isang tula mula kay Crisel.
Pinapakawalan na kita. Hindi ko na hinahanap hanap ang boses mo, ang mga bisig mo na umakap at nagprotekta sa akin ng mahabang panahon. Hindi ko na binabasa ang mga luma mong sulat o tinitingnan ang litrato nating magkasama. Hindi ko na rin pinipilit na i-text o tawagan ka kasi alam kong hindi mo naman ako sasagutin. ‘Wag kang mag-aalala nasanay na akong unti-unting wala ka.
Pinapakawalan na kita. Hindi na ko gumigising tuwing umaga na maga ang mga mata. Hindi ko na hinahanap ang pangalan mo sa inbox ko tuwing tatayo ako at maririnig ang pamilyar na tunog mula sa telepono. Iyon pa rin naman ang pinapakinggan kong mga kanta at pinapanuod na pelikula. Isa lang ang nag-iba hindi na kita kasama. ‘Wag kang mag-alala, umiiyak pa rin ako pero hindi ko na pinapahalata sa iba.
Pinapakawalan na kita. Hindi ko na tinatanong kung ano bang dahilan, saan ba ko nagkulang o may nagawa ba akong mali. Napagod na rin akong maghanap ng kahit na anong rason kung bakit mo ko iniwan. Ipinagkait mo kasi sakin na malaman ang katotohanan. Pero ‘wag kang mag-alala, hindi ko na pipiliting hingin ang mga sagot sa mga tanong na ito.
Pinapakawalan na kita. Ginising na siguro ako sa matagal na pagkakatulog laman ng magandang panaginip na ito. Hindi ko namalayan na meron palang wakas ang bawat kuwento, at hindi lahat nagkakaroon ng mala-Cinderella na ending. Hayaan mo, kung mananaginip man ako alam kong hindi na ulit ikaw ang Prince Charming ko dahil iba na ang Cinderella mo.
Pinapakawalan na kita. Kasi hindi ko na kaya. Oo, magkukunwari pa ko kung sasabihin kong hindi ako nasasaktan o nagagalit sayo. Ang bilis mo kong itinapon. Sobrang tagal na panahon tayong nagsama tapos ganito lang? Sa wakas natuto na ko. Salamat sa mga aral na ibinigay mo.
Pinapakawalan na kita. Hindi ko hinihiling na matakot ka kasi pinapakawalan na kita nang tuluyan. Hindi ko maipagkakaila na may malaki ka paring puwang dito sa puso ko. Oo, matagal na panahon bago may makapalit sa puwang na ito. Hindi ka man nag-aalala, sasabihin ko na rin na magiging maayos rin ako. Maaayos rin ang puso kong binasag mo.
Pinapakawalan na kita. Ito na talaga, isang paalam na lang ang aking mabibigay. Hindi mo man maririning o mababasa pero salamat sa pagmamahal. Salamat sa mga magagandang oras. Sana dumating ang araw na maipagkaloob kong muli ng buo ang puso kong nabuwag. At sana sa pagkakataon na iyon magkaroon ng puwang ang puso kong labis na nasugatan.
Second Chance. Sa panulat ni Marielli.
Forgive. Ang sakit sa puso na dulot ng mga nagbabagang emosyon ay mahirap maghilom. Sabi nga ni Juan Miguel Severo sa kanyang ‘Mga Basang Unan,‘ ang luha ang pinakamabisang panlanggas sa sugat ng puso. Totoo ba? Para sa isang taong minsan nang nasaktan, importante ang pagpapatawad para sa taong nanakit sa’yo. Ito ang susi para sa muling pagbubukas mo ng puso. At kapag napatawad mo na sya unti-unti na ring mawawala ang sakit. Makakangiti kana muli with pride at pwede mo nang ipagsigawan na… “Hindi na ako bitter at malaya na ako mula sa sakit ng nakaraan.” O diba bongga, kulang na lang sumigaw ka rin ng “Darna”. LOL.
Think ang Analyze. Minsan ka nang nasaktan at sino ba naman ang may gustong masaktan muli diba? Kaya lang love and hurt always come together, so no choice tayo dun. Sa pagkakataong ito nga lang, ang minsang nanakit sa’yo ang humihingi ng pangalawang pagkakataon na mahalin ka at mahalin mo muli. Bago ka gumawa ng anumang desisyon kailangang pag-isipan mo muna nang maigi para di mo pagsisihan sa bandang huli. Tanungin mo muna ang sarili mo ng mga sumusunod:
1. Okay na ba ako?
2. Handa na ba ako?
3. Mahal ko pa rin ba siya?
4. Alin ba ang mas matimbang, sakit o pagmamahal?
Para sa akin, basta mahal mo pa siya, huowag mong ipagdamot ang second chance na hinihingi nya. Hindi lang naman kasi siya ang magiging masaya kundi ikaw din. Pag-isipan mo lang talagang mabuti kung worth it ba siya. Take the chance para maayos na rin ang pagkakalabuan niyo dati.
Kung hindi naman maging maayos ang pangalawang pagkakataon at muli siyang humingi ng pangatlo o pang-apat na pagkakataon, please lang wag mo na pag-isipan pa ang sagot. Isang malaking HINDI lang ang isagot mo. P-E-R-I-O-D. Maawa ka sa sarili mo. Tama na ang dalawang beses na saktan ka ng isang tao kasi kapag pinaabot mo pa ng tatlo, apat o kahit ilan pa iyan ay pagpapakat*nga nai yon. Tanggapin mo na lang ang katotohanang wala na talaga. Just let go. Move on. Live alone (for the meantime). Love again (with someone else).
***
Kung ikaw ang taong nasa sitwasyong ito na dapat kang mamili kung bibigyan mo pa siya ng second chance o tuluyan nang mag-let go, ang maipapayo ko lang ay kuha ka ng piso. Toss coin. Kapag head, second chance. Kapag tail, let go. Para kung pumalpak man sa huli, hindi ako ang sisihin mo kundi ang piso mo.LOL! Kidding aside, pray ka lang. Tandaan mo ang verse na ito “This is the confidence we have in approaching God: that if we ask anything according to his will, he hears us. And if we know that he hears us—whatever we ask—we know that we have what we asked of him” (1 John 5:14-15).
Pwede mo ding basahin ang ginawa kong blog na ‘Science of Letting Go and Holding On.‘
***
Salamat sa pagsubaybay sa aking mga blogs! Abangan araw-araw ngayong Oktubre ang aking mga blogs bilang paggunita ko sa aking 1st year blogging anniversary.
Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer
Photo Credits (here)
PLACE YOUR AD HERE
Hi! Can I ask a question? Pero gusto ko sana na I will ask you in private. Do you have an e-mail add po? If it’s ok lang. Thanks!
LikeLiked by 1 person
Sure! Kindly send it to iamdoctoreamer@gmail.com 🙂 Don’t worry, private ko din naman sasagutin yun.
LikeLiked by 1 person
Ang ganda nung tula ni Crisel!
LikeLiked by 2 people
Hugot eh 🙂
LikeLiked by 1 person
Doc, salamat sa opportunity na mag-guest blog.
LikeLiked by 1 person
Salamat din sa pagpapaunlak sa aking guest blogging invitation. God bless Ailli! Yung pasalubong namin ha 🙂
LikeLiked by 1 person
Nakaprepare na doc ang pasalubong. Pag pasensyahan nio na lang kc medyo nagkakaubusan e. Hahaha
LikeLiked by 1 person
Yehey! 🙂
LikeLiked by 1 person
minsan akala naten nakapaglet go na tayo, pero pag bumalik sila at humingi ng second chance narerealize natin na kaya pa pala nating magbigay ulit.. ayy ako lang pala. haha
LikeLiked by 1 person
Hahaha! That Thing Called “Mahal Pa Rin” 😉
LikeLiked by 1 person
Buti na lang walang nanghihingi ng 2nd chance kaya hindi mahirap mag-decide. So dun ako sa “pinapakawalan na kita.” Pero ang totoo eh “pakawalan mo na ako” ang sinisigaw ng puso ko. Hahaha.
LikeLiked by 1 person
That Thing Called “No Closure” 😉
LikeLike
Sigh..
LikeLiked by 1 person
Gawan mo ng blog. Interesting topic. 🙂
LikeLike
Ahmmmm. Saka na. Pag maganda nang gawan. 🙂
LikeLiked by 1 person
Closure VS Disclosure 🙂
LikeLiked by 1 person
Hahaha… kaloka ka. Baka mapakanta ako ulit niyan.
LikeLiked by 1 person
Anong kakantahin mo? 🙂
LikeLike
tuut.. hahaha! 😀
LikeLiked by 1 person
Yes bro?haha
LikeLike
mejo may makakarelate.. hehehe
LikeLiked by 1 person
Hahaha! Feeling ko nga 😉
LikeLiked by 1 person
pakawalan mo na kuya..
LikeLiked by 2 people