(July)
Makalampas isang taon na rin pala nang ikaw ay aking nakilala
Nakaupo ako noon sa customer’s lounge nang ikaw ay aking unang nakita.
Palakad-lakad ka noon, papunta rito, papunta roon
Bakit nga ba ang tingin na ito ay hindi nakaabot hanggang sa kahapon.
(August)
Natanggap ako sa kumpanyang pinapasukan mo
Hindi naman talaga ikaw ang pinunto ng pumasok pa rito
Ngunit nakilala kang lubos dahil sa isang pagkakapareho
Isang bagay kung saan tayo ay nagkasundong husto
(September-October)
Di nagtagal ikaw ay lubusang nakilala
Ang kabaitan mo ay lubusang ipinakita
Mga sulat, pagkain at pagtawa
Ay naibahagi ng walang alinlangan
(November-December)
Di pa lalong nagtatagal ikaw ay umamin
Nang pagtinging nais palalimin
Sabi mo ang iyong pagmamahal ay nais ihandog sa akin
Iniisip kahit sa pag-aasawa ay tayo na rin
(January)
Ngunit dumating ang isang dagok sa buhay
Na halos aking ikinamatay
Bumalik siya at ako ay inaway
Sinasabing siya ang una at huli sa iyo’y aakay
(February)
Gumuho aking mundo ng aking nalaman
Ang iyong pagsinta ay isang huwad na kaalaman lamang
Tila isang karimlan ang aking nakamtan
Ako pa lang hindi siyang sinisintang ganap
(March)
Nangyarit minarapat na lamang na lumayo
Sa sobrang sakit ng nararamdaman ay nag-aalimpuyo
Panlolokong nangyari na hindi pa rito natapos
Kunwaring pag-ibig lalong nahila ng paragos
(April)
Iniwan mo akong nag-iisa, naglalamig, nanlalata
Sumama kang ganap sa unang inibig at sinisinta
Buhay naging akala ay magiging ganoon kadaling kalimutan
Ngunit ako’y humarap sa isang ganap na karimlan
(May-June)
Ngayon matapos ang lahat-lahat
Parang isang punong-kahoy na sinisibak
Gaano man katagal ang lumipas hindi natitiyak
Kung kailan matatapos ang aking pagtatangis
Kailan ba ito magwawakas?
***
Ito ang nangyari:
Nagkakilala kami sa dati kong work sa Chowking Cavite (hindi totoong company at lugar – for safety lang ng sumulat). Una ko siyang nakita nung ininterview ako ni Manager sa office nya. Payat sya, maliit na tao, maitim at mahaba ang loob. Medyo napapansin ko na siya noon kasi mukha siyang anime (yung buhok niya kasi parang kay Uchiya Sasuke)
Natanggap ako doon tapos nakilala ko siya. Mahilig talaga siya sa anime kaya siguro ganoon ang asta nya doon. Loner siya, na sa opinyon ko ee karaniwan para sa mga anime lovers.
Nagtagal tagal nagkakausap na kami ng madalas. May mga pagkakataon na sumasabay pa siya sa akin pag-uwi ng Liliw (hindi totoong lugar – for safety lang ng sumulat) since ang parents niya ay lumipat na din as Liliw. Nagtagal-tagal pa napansin ko na tuwing papasok ako meron nang nakapatong sa table ko na kung ano-ano. Minsan chocolate, etc. kadalasan ay ung DQ.
Bandang November na noon umamin siya sa akin na gusto niya ako. At gusto niya raw manligaw. Gusto niya daw na ako ang makakasama niya habang buhay.Tuloy pa rin siya sa pagbibigay sa akin ng mga regalo at kung ano-ano pa.
Dumadalas na yung pagkakataon na sumasabay siya sa akin pag-uwi at paghatid sa akin sa sakayan. Hindi ko rin inaasahan na “nahulog na pala ako sa pag-ibig”
Ngunit dumating ang January, may tumawag bigla sa akin noon. Yun pala ay ung live-in partner na. Kung ano anong sinabi nya sa aking masama. Dahil doon lumayo na ako (Yun na rin ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nag-resign sa Chowking Cavite)
Sobrang dami na rin ng masasakit na salita ang nasabi nya sa akin. Minsan tinakot nya din ako na magsasampa siya ng kaso dahil sa lahat ng gulong iyon. Ginusto niya pa minsan na mageskandalo sa opisina dahil dito. Para siyang isang multong di makaalis alis sa mundo.
Masakit ngunit kailangang ako ang umalis. Kailangang magpatawad. Magpatawad sa kanya at nagawa niya. Kailangang magpakatatag sa kabila ng lahat. Kahit mag-isa ako noon at walang nasasabihan, kailangan kong magpaka-ayos.
Dumating ako sa puntong wala akong kinakausap sino man. Lumalabas lang ako sa kwarto tuwing may kailangan ako (pagkain, pagligo, etc). I shut my life of the world I have been, no contact with friends. Palagi na lang umiiyak silenty. Palaging tulala. Ganoon ba ang stress cardiomyopathy doc? Halos sirain ko na ang buhay ko noon. Walang pangarap. Gumigising at tumutulog. Ganito na ang aking naging buhay sa loob ng ilang buwan.
At most narealize ko na anjan si God at hindi niya ako iiwan sa kabila ng lahat ng ito. Nagpaka-ayos ako. Muli akong nakabangon dahil sa Kaniya. Upon several months of making myself miserable, lasting it, I started to make the blog and page on FB, sharing God’s love for us. I pledge to attend worship concerts at most (Planetshakers). I made my first painting out of the silent cries of my “strong heart”. I pledge to gave back everything to God and trust Him with all I have. Because I have Him, I am where I am today.
***
Ito ay ipinadala ng isang babae na ayaw munang magpakilala. Pero itago ko daw siya sa pangalang Online Bianca.
Bukod sa post ko kahapon na 7 Steps to Moving, ano sa tingin mo ang magandang ipayo sa kanya? 🙂
***
Salamat sa pagsubaybay sa aking mga blogs! Abangan araw-araw ngayong Oktubre ang aking mga blogs bilang paggunita ko sa aking 1st year blogging anniversary.
Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer
Photo Credits (here)
Online Bianca, natutuwa akong malaman na sa kabila ng lahat ng nangyari ay umuwi ka sa yakap ng Panginoon. Madalas talaga, dinadala tayo ng Lord sa mga sitwasyon kung saan wala tayong ibang mapupuntahan kundi Siya. Na-eexcite ako dahil alam kong gagamitin ka ng Lord pati na ang istorya mo para maka-inspire ng ibang tao. All things work for good for those who love Him. Maaaring hindi ka pa fully recovered sa ngayon, willing akong kausapin ka. 🙂
LikeLiked by 1 person
iconnect kita sa FB niya?haha
LikeLike
kung okay lang sa kanya(?)
LikeLiked by 1 person
Sige, sasabihin ko. 🙂
LikeLiked by 1 person