Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Friendzone 101

friendzone

“Kaibigan usap tayo! (Tone of Boy Abunda) Pero kapag nag-usap tayo, hanggang kaibigan lang ha!”

“Tell me who your friends are (and I will tell you who you are). But please don’t tell me that we are just friends.

“Birds of the same feather (flock together), sometimes end up just being friends.”

“A dash can make a big difference. KAIBIGAN o KA-IBIGAN?” #AlDushYou #LOL!

“I don’t want a friend with benefits. I want a friend with salary. Hahaha!”

Tama na nga ito! Basahin na natin ang guest blog ng Presidente ng Philippine Single Association (PSA) na kasalukuyang nagdiriwang ng kaniyang ika-tatlumpu’t isang kaarawan. Happy birthday Pres Rhea! Check her blogsite at Exhibit A.

Scenario #1:

Pareho kayong parte ng isang barkada. Sobrang close ninyong dalawa. Kilala mo ang lahat ng ex niya. Alam mo ang lahat ng kalokohan niya. More than anyone else in the group, siya ang palagi mong kakuwentuhan. He seems not trustworthy to some women pero alam mong mapapagkatiwalaan mo siya. Hindi man kayo expressive pero alam mong espesyal kayo sa isa’t-isa. Kulang na lang na officially ay ideklara ninyong best friends kayo.

Pero in a boy-girl friendship at sa edad ninyong iyan, ang corny ng ganoon! Madaming pangyayari ang dumating sa individual relationships ninyo but it all boils down to one thing, lagi kayong heartbroken with your respective partners. Hanggang dumating sa point na ang mga kaibigan niyo na mismo ang nagsasabing, “Bakit hindi na lang kasi kayo?” Ooops! ‘Wag i-entertain ang ideyang ‘yan! Kung mahalaga sa’yo na hindi masira ang inyong pagkakaibigan, stay calm and do not cross the bridge. Do not go there, please.

Scenario #2:

Crush mo siya noon. Makalipas ang maraming taon, nalaman mong crush ka din pala niya. Ngunit sa madaming kadahilanan, hindi nag-push ang inyong pagtitinginan. Hanggang sa isang araw ay nagkaroon kayo ulit ng komunikasyon – noong heartbroken ka at nasa malayong lugar siya. It seems you found comfort from a long-distant friend.

Nagkaroon kayo ng exhanges of messages from the start of your day to end. Noong sinabi niyang babalik na siya ng Pinas, ay masaya ka. Aminin mo na, kahit slight lang, excited ka. True enough, naging madalas ang inyong pagkikita. Nakakamangha na kumportable kayo sa isa’t-isa – with all the akbay and hawak-kamay na walang malisya. Kung may makakakitang kakilala niyo, malamang mapapagkamalang kayo.

Pero, girl, ang tanong eh moved on ka na ba talaga? Talaga bang nakalaya ka na sa ala-ala noong isa? Aba kung hindi pa eh ‘wag kang paasa. Do not give a wrong hint at baka ma-misunderstood niya. Kung mahalaga na sa’yo iyong tao, ayusin mo muna ang sarili mo.  Keep calm and all the memories of the past, girl, let it go.

Scenario #3:

Mahal mo siya. Mahal ka niya. Pero pareho ninyong hindi maamin sa isa’t-isa. Parang isang game. Ang goal ay paaminin ang kalaro. Pero walang intensyong umamin. Kumbaga kung para sa kanya ay isa kang halo-halo, ikaw yung maraming leche flan at ice cream sa ibabaw. Nag-uumapaw sa pagka-special. At para sa’yo, siya naman ay isang sopas because he makes your heart beat sopas.

Pwede naman sana pero ang daming tumututol sa inyo, to the point na pati kayong dalawa ay hindi na din sang-ayon. MU nga kayo kung tutuusin dahil may mutual understanding kayo na kung lahat ng bagay ay posible, kayong dalawa ang talagang cannot be, kahit mag-borrow ka pa ng one from three.

Tama lang ‘yan, apir tayo! Tama lang na hindi matigas ang ulo. Dahil kahit gaano man nagmumukhang tama ang pag-ibig na nararamdaman sa hindi tamang panahon, laws of the universe at orders of the world na ang magbibigay sa inyo ng pagkakataon na hindi ninyo gugustuhing humakbang papalayo sa itinakda ninyong friendzone.

‘Wag mong hayaang magpaka-Jolina Magdangal ka at sabihing “I’m so stupid for making the biggest mistake of falling in love with my bestfriend.”

‘Wag mong hayaang magkaroon ka ng rebound dahil hindi ka naman basketball player.

‘Wag mong hayaang mag-game over ka sa larong “Ang Unang Ma-Inlove, Talo”.

‘Wag mong hayaan.

‘Wag na ‘wag.

‘WAG TUMAWID SA FRIENDZONE, NAKAMAMATAY.

Ikaw, na-friendzone o nang-friendzone ka na ba? Anong scenario mo? Comment na!

***

Salamat sa pagsubaybay sa aking mga blogs! Abangan araw-araw ngayong Oktubre ang aking mga blogs bilang paggunita ko sa aking 1st year blogging anniversary.

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Lazada Philippines

Advertisements

46 comments on “Friendzone 101

  1. RheaAngeline
    October 24, 2015

    Reblogged this on Exhibit A and commented:
    Friends, here’s another guesting on Dr. Eamer’s Blog. 🙂

    Disclaimer: Since this is Dr. Eamer, the language is Filipino and the topic is about love and relationship. THIS IS NOT MY STORY. I actually interviewed some of my friends and discovered many reasons why some people are choosing to stay friends rather than taking the next level.

    Nakaka-teenager. 🙂

    Happy 1st anniversary, doc! 😀

    Like

  2. Nilyn Matugas
    October 20, 2015

    Matagal na panahon na to, pero may nanligaw sakin na di ko type, kaya finrendzone ko sya ng bonggang bongga! haha. ngayon pareho na kaming may pamilya at friends parin kami. Meron ding magandang naidudulot ang friendzone. 🙂

    Liked by 2 people

  3. Madz Madaje (BetterCurly)
    October 19, 2015

    hahaha another benta blog post, ayos sa mga scenarios 😉

    Na-friendzone at nang-friendzone na din ako hahaha
    Pero may isang nakakaloka na dahil sa unmutual feelings at misunderstanding na na-friendzone ko na pero di nya na-gets kaya sya ang nag-declare na ako ang friendzoned kasi nag-move on na sya. (y) harhar

    Liked by 2 people

  4. Smiley25
    October 17, 2015

    Friendzone 💔💔💔

    Liked by 1 person

  5. Queenie Resmundo
    October 15, 2015

    “Mahal mo siya. Mahal ka niya. Pero pareho ninyong hindi maamin sa isa’t-isa. Parang isang game. Ang goal ay paaminin ang kalaro. Pero walang intensyong umamin.” Hahahaha. Okay. XD

    Liked by 3 people

  6. unjellanera
    October 14, 2015

    Scenario #4:

    Mahal mo siya. Mahal ka niya.

    Pero may jowa.

    Lagi ako biktima ng scenario na ganito! Ayoko na!!! Hahahaha char

    Liked by 2 people

    • Doctor Eamer
      October 14, 2015

      Huwag ka nang magmahal kasi.LOL!

      Liked by 1 person

    • RheaAngeline
      October 14, 2015

      pwede talagang magmahal ng dalawa? baka “mahal mo siya pero may jowa siya. mahal ka niya pero di niya sure kung mahal mo siya. kaya di niya magawang iwanan ang jowa niya, kasi baka dalawa pa kayong mawala sa kanya.” hihihi.

      Liked by 2 people

      • Doctor Eamer
        October 14, 2015

        Kaya pala nauso sa mall abg buy one take one.LOL!

        Liked by 1 person

      • unjellanera
        October 14, 2015

        I think pwede but not on the same level compared dun sa isa 🙂 Pwede din yun. 🙂 hahaha alam mo naman ang mga lalake, minsan gusto nila, the more the merrier ahahah. Ate Rhea, penge pa ng natira mong alak sa party mo kagabi!! Char

        Liked by 2 people

      • RheaAngeline
        October 14, 2015

        ay wala akong alak kagabi. kape madami. HAHAHA.

        Liked by 2 people

      • RheaAngeline
        October 14, 2015

        wag ka mag-aalak. tara, usap na lang tayo. HAHA.

        Liked by 2 people

      • unjellanera
        October 14, 2015

        Beer lang naman ako Ate Rhea 🙂 haha yun lang. Hehe

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        October 14, 2015

        Bear brand lang ako eh.haha

        Liked by 1 person

  7. cheesecake
    October 14, 2015

    Crush mo siya dati. Tinext ka niya out of nowhere. Isasali ka pala sa networking.

    Liked by 3 people

  8. AkoSiRC
    October 14, 2015

    Scenario 3: Mahal mo siya. Mahal ka niya. Pero pareho ninyong hindi maamin sa isa’t-isa. Parang isang game. Ang goal ay paaminin ang kalaro. – #relatemuch

    Liked by 2 people

  9. RheaAngeline
    October 13, 2015

    Grabe namang hugot niyan. Sino ba yan? Lels.

    Liked by 2 people

  10. angmamangenhinyero
    October 13, 2015

    Ouch! chakit naman, friends lang hahahaha

    Liked by 2 people

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on October 13, 2015 by in Love & Relationship and tagged , , , , , .
%d bloggers like this: