Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Panahon at Pag-ibig

panahon at pag-ibig

Magsimula tayo sa isang maikling kuwento na isinalin mula sa wikang Ingles.

Noong unang panahon, sa isang isla ay nakatira ang lahat ng mga emosyon. Andoon sina Kaligayahan, Kalungkutan, Kaalaman, at pati na rin si Pagmamahal. Isang araw ay nakatanggap sila ng balitang lulubog ang kanilang isla! Kaya naman lahat sila ay gumawa ng kanya-kanyang bangka. Maliban lamang kay Pagmamahal.

Nais ni Pagmamahal na manatili hanggang sa kahuli-hulihang posibleng pagkakataon.

Nang ang isla ay malapit nang lumubog, napagdesisyunan na ni Pagmamahal na humingi ng tulong.

Dumaan si Karangyaan sakay ng kanyang bangka. “Karangyaan, maaari mo ba akong isabay sa iyo?” wika ni Pagmamahal.

Sumagot si Karangyaan, “Ipagpatawad mo ako Pagmamahal, ngunit hindi na kasi pwede. Ang dami ko kasing kargang ginto’t pilak dito. Wala ka nang lugar dito.”

Sunod na tinanong ni Pagmamahal si Kayabangan ngunit sinagot siya nito ng “Hindi kita matutulungan, Pagmamahal. Basang-basa ka at baka masira mo ang aking bangka.”

Sa hindi kalayuan ay natanaw ni Pagmamahal si Kalungkutan at sumigaw, “Isama mo naman ako sa iyo, Kalungkutan!” “Haaaaay Pagmamahal, labis akong nalulungkot kailangan kong mapag-isa,” ang nagmamaktol na sagot ni Kalungkutan.

Napadaan din si Kaligayahan ngunit dahil abalang-abala ito sa kanyang sariling kasiyahan ay hindi niya napansin ang pagtawag sa kanya ni Pagmamahal.

Bigla namang may boses na tumawag kay Pagmahahal, “Halika dito Pagmamahal, isasama kita!” Isa pala itong matanda. Tuwang-tuwang sumakay sa bangka si Pagmamahal at nalimutan nang itanong kung saan sila pupunta. Nang sila ay nakarating na sa pampang sa panibagong isla, lumisan na ang matanda.

Nang mapagtanto ni Pagmamahal ang ginawa para sa kanya ng matanda, tinanong niya si Kaalaman na isa rin sa mga matatanda sa kanilang bayan, “Sino po ang tumulong sa akin???”

Sumagot si Kaalaman, “Si Panahon.”

“Si Panahon?” pag-uulit ni Pagmamahal.

At tila bang nababasa ni Kaalaman ang nasa isip ni Pagmamahal, ngumiti siya at sumagot, “Dahil Panahon lamang ang nakauunawa sa tunay na kahalagahan ng Pagmamahal.”

Orihinal na istorya: www.kidsgen.com/love-time

Sa buhay, makakasalubong mo ang iba’t ibang mukha ng pag-ibig:

Sakit: noong ipinagpalit ka, iniwan ka, noong wala na kayo, noong ‘di ikaw ang pinili, nng pinaasa ka, noong may nahanap na iba, noong niloko ka, noong namatayan ka, noong pinagsinoongalingan ka, noong pinagtaguan ka.

Saya: noong sinagot ka niya, noong naging kayo na, noong umoo siya, noong naghawak na ang mga kamay niyo, noong dumampi ang mga palad niya sa pisngi mo, noong magkatabi kayo sa jeep pauwi, noong magka-text at magkatawagan umaga’t gabi, umulan man o umaraw, noong unang “date” niyo, noong ikinasal na kayo, noong ipinangak ang unang baby niyo.

Kabiguan: noong binasted ka, noong ‘di kayo nag-work-out, noong “wala na kasi talaga” na feeling, noong nangako kayong walang bibitiw pero ‘di natupad, noong sabay kayong nangarap pero ‘di naman nangyari.

Katagumpayan: noong sabay kayong grumaduate, noong nabili/naipatayo niyo na ang bahay na magkasama ninyong pinaghirapang ipunin, noong ipinagdiwang niyo ang ika-sampung anibersaryo ng kasal ninyo, noong nagtapos na ng kolehiyo ang panganay niyo, noong unang nagsalita ng “Papa” at “Mama” si Junior.

Pero alam mo ba na hindi ang “negatibong” mukha ng pag-ibig ang tunay na kalaban mo? At hindi ang “positibong” mukha ng pag-ibig ang tunay na kakampi mo?

Isa lang… Oras.

Oras ang pwede mong maging kalaban o kakampi sa larangan ng pag-ibig.

Depende kung aawayin o kakaibiganin mo ang oras. Depende kung alam mong may oras na gumagalaw sa paligid mo at sa buhay ng mga taong mahal mo. Depende kung pinahahalagahan mo ang bawat oras na walang patid na umaagos sa bawat minuto ng araw ninyo. Depende kung naiintindihan mong ang oras lamang talaga ang nagbibigay-kahulugan sa pag-ibig.

Walang hanggang oras ang meron sa pag-ibig ng Diyos. Walang pinipiling oras ang sinisikap na maibigay ng karamihan sa mga magulang sa kanilang mga anak. Maikli ang oras kapag kasama mong maglakad pauwi ang boyfriend/girlfriend mo. Mahaba ang oras kapag hinihintay mong mag-reply ang asawa mo. Tumitigil ang oras kapag naglalakad ang bride at nag-aabang naman ang groom. At nawawalan naman ng oras kapag natatabunan na ang pag-ibig ng mga alalahanin sa buhay.

Sa buhay natin, marami tayong makakasalubong at makakasalamuhang mga bangka na kung saan iba’t ibang ugali o emosyon ang nakasakay sa mga ito. Nasa atin ang desisyon kung sino ang pipiliin nating sakyan. Ikaw? Anong bangka ang sinasakyan mo?

***

Ang lalim diba? Nahirapan akong sakyan. Pero alam kong tumagos iyan sa puso mong mamon na dati ay bato. Ang pusong bukas na dati ay sarado. Mas tatagos ito sa puso mo kung babasahin mo ang Bukas na Liham Para sa Saradong Puso.

Ito ay isinulat ni Doctor (in the making) Jem. Bisitahin mo ang kanyang blogsite – Bon Voyage Doc. Siguradong madami kang matutunan na mas malalim pa sa binasa mo ngayon na article. 🙂

***

Legend: Kapag ganitong kulay ang nababasa mo, ibig sabihin ako ang nagdagdag noon.

Salamat sa pagsubaybay sa aking mga blogs! Abangan araw-araw ngayong Oktubre ang aking mga blogs bilang paggunita ko sa aking 1st year blogging anniversary.

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credits (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Lazada Philippines

Advertisements

18 comments on “Panahon at Pag-ibig

  1. Ruth Relingado (@Ruthhiieee)
    October 12, 2015

    Napakaganda! Kudos!

    Liked by 1 person

  2. aysabaw
    October 8, 2015

    ayus sa kwento he he….

    Liked by 1 person

  3. RheaAngeline
    October 8, 2015

    Ngayon ko lamang nabasa ang kwentong ‘yun. Magaling! Magaling! Saan ko mahahanap si Panahon? Malamang wala siya dito sa siyudad dahil walang bangka dito. Tara na sa karagatan, PSA! 🙂

    Liked by 1 person

  4. sesemonster
    October 8, 2015

    *Clap *Clap.

    Gusto ko yung “Dahil Panahon lamang ang nakauunawa sa tunay na kahalagahan ng Pagmamahal.”

    Ang bongga nun. Hehe.

    Liked by 1 person

  5. docpreciousjem
    October 8, 2015

    Reblogged this on bon voyage, doc! and commented:
    Given the chance to be a guest blogger for a friend-and-co-blogger! Happy reading! (:

    Like

  6. Cassiopeia
    October 7, 2015

    Sino ang guest blogger?

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: