Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Pistanthrophobia: Fear of Trusting People Due to Past Experiences of Being Betrayed by Someone

no fear in love

Ang haba ng title ng blog ko ngayon! Binilang ko kung ilang letters/characters – 81 lahat! Tinalo nito ang dati kong blog in terms of haba ng title – Story of Evolution: Boy Labo to Boy Linaw to Boy Ligaw to Boy Friend. Pero mas mahaba pa din daw ang paghihintay ng mga babae kay Mr. Right. Kaya nga gumawa ako last time ng Open Letter to Mr. Right. 🙂

Mukhang iba talaga ang rule sa blogging at news writing. Hindi pwede ang ganitong kahabang title sa professional article writing. Ang blogging ay parang love. It defies rules. Chos!

Ang guest blogger ko ngayon para sa 31 Blogs in 31 Days Campaign ko ay si Ms. Rhea ng Exhibit A. Check her blogsite para malaman mo kung bakit iyon ang pangalan ng blog niya. Siya din ang kasalukuyang presidente ng Philippine Single Association (PSA).

Ayoko nang ma-inlove ulit. Iyan ang palagi mong sinasabi simula noong naghiwalay kayo ng kasintahan mo. Masakit. Sobrang sakit. To the point na kahit ang tagal ninyong naging mag-on, wala kang maalalang masayang pangyayari na pinagsamahan ninyong dalawa. Natakpan na ng mapait at nakalalasong memorya.

May mga nagpaparamdam sayo pero hindi mo pinapansin. Friendzone is your game. For you, every man is lame. Lahat sila ay pare-pareho. Tila ba may espesyal na cell o molecule sa katawan nila na expert sa pagpapaiyak sa mga babae. Kaya pinili mo na lang na maging kaibigan sila. Masaya silang kaibigan, actually.

Pero ano? Forever alone ang peg mo?

Sa tuwing kakamustahin ang lovelife mo, ang sagot mo lang, I’m scared. Hanggang sa nabasa mo somewhere ang salitang Pistanthrophobia, the fear of trusting people due to past experiences of being betrayed by someone. Inisip mong baka dumadanas ka ng takot na iyon. Rather, pinagdesisyonan mong meron ka nito bilang justification kung bakit ayaw mo ang pumasok pa sa isang relasyon.

Isang araw, namulat ang iyong mga mata. Sinabi ng mga kaibigan mong hindi ka naman takot umibig. Bagkus, takot kang masaktan. Napagtanto mong tama sila.

Ang pag-ibig para sa’yo ay sa umpisa lang masaya. Tunay ngang love is in the air. Kaya ka nga niya iniwan sa ere diba? May couple watch nga kayo pero wala naman kayong oras sa isa’t-isa. Ouch! Ang sakit nga namang maging panakip butas, ‘yung akala mo ikaw talaga ang mahal niya. Hindi pala. Pinaniwala ka sa mga matatamis na salita, at nung na-fall ka na. Hindi pala totoong nandiyan siya para saluhin ka. Ayaw mo na ding maniwala sa pangakong aantayin kita at magbabago ako para sayo.  Iyan ang dahilan kung bakit naging bato ang puso mo. Pilit mong iniintindi kung ano nga ba ang kasalanan mo. Bakit niya ginawa sayo iyon? Minahal mo lang naman sya.

Ang hirap para sa’yo ang makalimot dahil iniwan ka niyang speechless. At least hindi heartless or emotionless.

Naiintindihan kita. Take your time. Basahin mo ang ginawa kong blog post – The Stages of Moving On (Version 2.o). Naniniwala akong kapag dumating na ang taong talagang magpapakilig sa’yo, malilimutan mo ang lahat ng klase ng phobia sa mundo. Magigising ka na lang isang araw at sasabihin sa sarili mong, “Go! Get up na, girl! At magmahal muli.” Kalma lang. Ang ganda mo pa naman. 🙂

PS: Hugot ba ito? Malalim kasi. Pero nice one Pres! Hugot lang nang hugot!

***

“A life without love is like a song without words and melody.” – JM De Guzman

“A life without a girlfriend is like a song with low volume. Kasi walang maingay.LOL! Peace to all the girls!” – Doctor Eamer

“There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love.” – 1 John 4:18

***

Legend: Kapag ganitong kulay ang nababasa mo, ibig sabihin ako ang nagdagdag noon.

Salamat sa pagsubaybay sa aking mga blogs! Abangan araw-araw ngayong Oktubre ang aking mga blogs bilang paggunita ko sa aking 1st year blogging anniversary.

Dr. Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

Photo Credit (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Lazada Philippines

Advertisements

28 comments on “Pistanthrophobia: Fear of Trusting People Due to Past Experiences of Being Betrayed by Someone

  1. Pingback: Pistanthrophobia: Fear of Trusting People Due to Past Experiences of Being Betrayed by Someone – Exhibit A

  2. signorinamelrice
    October 9, 2015

    Pistanthrophobic ka rin ba pres? 😀

    Liked by 2 people

  3. RheaAngeline
    October 7, 2015

    Reblogged this on Exhibit A and commented:
    Friends, check out my guesting on Dr. Eamer’s Blog. 🙂

    Disclaimer: Since this is Dr. Eamer, the language is Filipino and the topic is about love and relationship. THIS IS NOT MY STORY. I actually interviewed some of my friends and decided to create a piece concerning the fear of falling in love again due to brokenness over painful experiences.

    Are you ready to catch the extreme #Hugot lines?

    Happy 1st anniversary, doc! 😀

    PS: Look forward to my 2nd guest blogging. 😛

    Liked by 1 person

  4. Ellieshana (@Ellieshana)
    October 6, 2015

    grabe mga #patamang article ba ga? hahaha. 😀
    Moving on, loving again. (y)

    Liked by 2 people

  5. Cassiopeia
    October 5, 2015

    “Friendzone is your game. For you, every man is lame.” Tss tss .. bukod sa rhyming to, eh talaga namang hindi ako nakailag dito, sapul. 😀

    “Tunay ngang love is in the air. Kaya ka nga niya iniwan sa ere diba?” OO NA! HAHA

    Grabe, parang kalahati ng article na ito ay ginawa para sa akin. LOL.

    *clap clap*

    Liked by 3 people

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: