Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Bukas na Liham Para sa mga Babaeng Naghihintay

Patiently waiting

Dear You!

Oo, ikaw nga! Sino pa ba? Tumingin ka sa kaliwa at kanan mo, may iba pa bang nagbabasa? Wala diba? Kaya ikaw nga!

Kumusta ka na? Marahil ay nakakaramdam ka na ng pagkainip. O ‘di kaya’y binibilang mo na ang mga numero sa kalendaryo. Nabalitaan mo na bang gagawing hanggang 60 na ang araw sa kalendaryo? Paniguradong madaming magbubunying mga single na babae.LOL!

Huwag kang mag-alala, marami kayo. Isa sa mga kakilala ko ay iniiyakan na ang katotohanang hanggang ngayon ay wala pa ring lalaking naglalakas ng loob na ligawan siya, at doon siya nadidismaya. Kung kapareho mo ang kanyang sitwasyon, huwag kang mawalan ng pag-asa. Lagi mong tatandaan na ang Panginoon ay may taong nakalaan para sa’yo. Hindi man sa panahong gusto o itinakda mo, pero mas maganda pa rin ang oras na itinakda Niya.

Huwag kang mangamba, alam Niya na nalulungkot ka at nawawalan na ng pag-asa kung minsan pero alalahanin mo na He never fails and He is faithful to all of His promises (Hebrews 10:23). Marahil ay may mga bagay pa Siyang inaayos sa pagkatao mo kaya hindi pa Niya ipinapakilala ang taong itinakda Niya para sa’yo. O kaya naman ay may inaayos pa Siya sa taong nararapat sa’yo kaya hindi ka pa Niya ipinapakilala sa kanya. He wants nothing but the best for us. At kung hindi man mag-level up o mag-initiate ang taong inihahanda Niya para sa’yo, gagawa at gagawa Siya ng paraan para mangyari iyon.

God will never let you down or be lonely. The fact that you still doubt about whether He will reveal the one for you or not is a sign of not giving Him your full trust. Sabi nga sa Psalms 37:4, “Delight yourself in the Lord and He will give you the desires of Your heart.” Habang hindi ka pa o siya handa na makilala ninyo ang isa’t isa, gawin mo munang makabuluhan ang pagiging single mo sa pamamagitan ng pagsisilbi sa Kanya. Hangga’t hindi ka pa nakokontento sa pag-ibig Niya, hindi pa rin Niya masusukat ang pag-ibig mo sa iba.

Check your heart, check your mind, check your service for Him. Have you given enough? If yes, then well and good. Have you prayed enough? Have you given your full trust to Him? Have you let God to be the author of your [love] story? Huwag kang gumawa ng sarili mong hakbang. Hayaan mo lang na Siya ang gumalaw. God is the author of love. In fact, He is love. At hindi Niya kagustuhan na hanggang ngayon ay naghihintay ka pa rin. Hawak Niya ang lahat pati ang oras. Magtiwala ka lang ng buong-buo. Malay mo, nakilala mo na pala siya, o nakasalubong, o nakasakay sa bus, o nakasama sa isang pagtitipon? Just wait on God’s timing and spend your time serving not searching while you are waiting.

God bless you! Balitaan mo ako kapag nakilala mo na siya.

Ang iyong karamay,

A girl who’s also patiently waiting 😉

***

Ito ay isinulat ni The Pen’s Heart. Her blog is about the things she write, read, listen to, aspirations, inspirations, adventures, and a whole lot of stuff.

Ang babae sa likod ng blog na iyon ay si Clauie. Siya ang Bise Presidente ng Philippine Single Association (PSA). 🙂

Check some related blogs: Open Letter and Bukas na Liham (Click!)

Ang ganitong kulay na nababasa ninyo ay ako ang nagdagdag. 🙂

“Naghintay. Naghihintay. Maghihintay.” – Damsel

“Handa ka na ba sa iyong forever?… … … … … … … forever na paghihintay.LOL!” – Doctor Eamer

Want to receive notification through your emails?

happy anniversary

Check Doctor Eamer’s FB Page: https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

fb page

Check some WordPress bloggers:

Pinay Unlimited |   Hidden Carte Blanche   |   Gratitude Overdose    |   Poetry, Misery and Liberty   |   Rowjielogy   |   A Tender Unfolding  |   May Forever Wag Kang Bitter

Photo Credit (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Lazada PhilippinesLazada Philippines

 

Advertisements

20 comments on “Bukas na Liham Para sa mga Babaeng Naghihintay

  1. markydorky
    October 17, 2015

    Letter din? hehehe Wowow! 🙂

    Liked by 1 person

  2. Pluma
    October 15, 2015

    Di ko pa nababasa lahat, but thanks for tagging me. Saludo ako sa’yo dahil isa ka nang successful blogger. Nakaka-bless. Ako itong sinasabihan mo dati na writer pero look at you now! Oh di ba? hehe. God bless po, Kuya!

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      October 15, 2015

      Thanks Phen! Cheers to your pag-ibig 🙂 See you when I see you 🙂

      Like

  3. AkoSiRC
    October 7, 2015

    Nice post… sapul na sapul… ☺

    Liked by 1 person

  4. signorinamelrice
    October 3, 2015

    Clauieeeee! Ang ganda nito. TT_TT
    This made my heart swell. Super ganda. Promise. 🙂
    Sana marami pang makabasa nito para hindi na magpa dalus2 at magkamali.

    Two thumbs up on this! 🙂

    Liked by 2 people

  5. DJ Marasigan
    October 2, 2015

    patience is virtue ika nga…. ayun naghihintay pa din.. mga 10 years na lang hahaha

    Liked by 1 person

  6. unjellanera
    October 2, 2015

    Tamang-tama, Doc! Kailangan ko to! Meant ko rin basahin. Salamat sa inyo ni Claw! 😀

    Liked by 2 people

  7. clauiebelle
    October 2, 2015

    AWESOME! Thanks, Doc. 😉

    Liked by 1 person

  8. esorenneiluj25
    October 2, 2015

    In denial pa akong natamaan ako sa post na ‘to. Hahahaha 🙂

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: