Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

7 Possible Gifts for Your Girlfriend on Your Anniversary

happy anniversary

Una sa lahat congratulations! Buti umabot kayo ng girlfriend mo ng isang taon. Bihira mangyari iyan sa panahon ngayon. Buti na lang may mga aral na mapupulot kapag pinapanood natin ang AlDub. Natin kasi nanonood ako sa youtube at alam kong napanood mo na din kahit isang episode. Aminin!

Sa mga relasyong hindi umabot ng isang taon, ipagdiwang niyo na lang ang anniver-sorry. Ikaw kasi! Pinakawalan mo pa! Sinira mo ang tiwala niya sa iyo. Sinabi ko naman sa iyo na huwag ka nang makipagtext sa officemate mo dahil may GF ka na. Friends lang? Naman! Hindi na uso ang ganyang alibi. Dahil ba busy sa work ang GF mo at hindi ka niya natetext kung kumain ka na tuwing tanghali? Ayan tuloy nagselos ang GF mo at nabasa niya ang palitan ninyo ng mensahe ng officemate mo. May mga smiley pa na may hearts. Dude naman! Bakit mo kasi iniwan ang phone mo noong nag-CR ka habang kumakain kayo ng dinner?

Kung ako sa iyo girl, iwasan mo ang mga ganoong lalaki. Hoy lalaki! Umayos ka! Tanda mo na eh! Magbago ka na.

Sorry sa mga single dahil hindi ata applicable ang blog ko na ito sa inyo. Basahin mo na lang ang mga posts ko about Single Empowerment (Click mo! Madami din iyan. Alam kong kailangan mo ng suporta sa iyong buhay single.)

1. A book signed by her favorite author

Kung mahilig magbasa ang GF mo, ok ito. Baka paborito niya ang mga book ni John Maxwell at Miles Munroe. Nagbebenta kami noon sa aming advocacy na Project Libro (theprojectlibro.blogspot.com). Mura lang! Pwede mo ding iregalo ang libro ko: LOVE is BLOG. πŸ™‚

2. Scrap book

Gustong-gusto ko ang gumawa ng ganito kasi masΒ  napapalabas ko ang artistic and creative side ko. Magprint ka lang ng mga pictures ninyo at mga selfies. Bili ka ng ilang scrap decorations sa Papemelroti.

 

3. Flowers and chocolates

Bakit ba mahilig ang mga babae sa bulaklak at tsokolate? Comment kayo girls!!!

4. A jar full of love notes

Mura ito. Kung may bote ka ng Cheese Whiz, pwede iyon. Tanggalan mo naman ng balat/sticker. Lagyan mo ng design. Sulat ka sa mga colored papers ng ilang hugot pag-ibig. Pwede ding love verses like 1 Corinthians 13:4-13.

5. Ace of Heart

Mas mura ito. Kailangan mo lang ng card. Kunin mo ang Ace of Heart. Doon ka magsulat ng mensahe. Simple but sweet. Pero dagdagan mo naman ng iba pang regalo!

6. Framed Picture

Mura lang naman ang magpaprint sa photo paper. Mura din ang frame. Sabi ko sa iyo eh! Hindi mahal ang magmahal!

7. Special Date

Baka naman sa Jollibee mo siya dalin. OMG! Pero kung paborito niya ang C4 doon kagaya ko, why not! Ang pagmamahal ay wala naman sa lugar. Nasa puso iyon.

Others:

Shoes (Sa bayan namin sa Liliw sobrang daming pamimilian!)

Bags (Pero baka naman madami na siyang eye bags. Huwag na lang.)

Juicer (Check Breville Philippines)

Cakes (Check better-than-sex-cake ofΒ Ahl’s Cake)

***

Dalawang beses lang ako usually gumawa ng blog. Isa sa Martes (#TuesdayPost) at isa tuwing Linggo (#SundaySeries). Pero ispesyal ang buwan na ito para sa akin dahil anniversary ni Doctor Eamer kaya month-long celebration ang gagawin ko.

Check Doctor Eamers first two post last October 2014:Β May Girlfriend Ka Na? atΒ May Boyfriend Ka Na?

This is my gift to my avid readers (if there is such). This is my campaign – 31 Blogs in 31 Days. May ilang bloggers na kinausap na din ako para sa guest blogging. Abangan ninyo na lang.

Want to receive notification through your emails?

happy anniversary

Check Doctor Eamer’s FB Page:Β https://www.facebook.com/iamdoctoreamer

fb page

Check some of my first seven WordPress followers:

Pursued by LoveΒ  Β | Β Β LAV StoriesΒ  Β | Β Β Sweet NothingsΒ  Β | Β Β XIANSPEAKSΒ  Β | Β Β Bon Voyage, Doc!Β  Β | Β Β Ang ManlalayagΒ  Β | Β Β I’MPOWERED

Photo Credit (here, or just click the image for the source)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

Lazada Philippines

Advertisements

30 comments on “7 Possible Gifts for Your Girlfriend on Your Anniversary

  1. kristina
    November 1, 2015

    By the way, sa’n nabibili yang Love is Blog book mo?

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      November 1, 2015

      Self-published lang ito kasi. So sa akin lang nakakabili πŸ™‚ Are you in Pinas?

      Like

  2. kristina
    November 1, 2015

    Funny, but hindi ako mahilig sa flowers nor chocolates. My hub just gave me flowers nung nag-30 ako, bonggang 30 red roses. Chocolates, nung nag propose lang sya. Pina personalized nya yung isang box na chocs, tapos merong isang chocolate, ring ang laman. Wow! Surprised ako.

    Gusto ko ‘yang bottle of messages or quotes.
    Happy Anniversary!

    Liked by 1 person

  3. docpreciousjem
    October 4, 2015

    Flowers give “the feels.” Actually very therapeutic ang flowers, sooooo…it gives the receiver good feelings. Teehee. Chocolates, well, they understand most women very…very well. They’ve been with women through the good and bad times. Hahahaha.

    And sorry naman sa eye bags ha! Napaka-judgmental! HAHAHAHA!

    Liked by 1 person

  4. At bilang nais mong malaman kung bakit nga ba gusto ng mga kababaihan ang makatanggap ng rosas at tsokolate, ako man din ay ‘di ko alam bakit ba ako binibigyan. hehe Not a choco and rose lover but an appreciative receiver. πŸ˜€

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      October 3, 2015

      Hehehe! Salamat sa komento ate!hehe Makapagsurvey na nga lang sa mga girls about this.haha Mukhang nag-back read ka.hehe

      Liked by 1 person

      • Dami kong na-back read bro. ehehehe But I always enjoy reading your posts naman. Aantayin ko rin resulta ng sarbey mo dahil curious din akong malaman sino mga choco and rose lovers dyan. πŸ˜€

        Liked by 1 person

      • Doctor Eamer
        October 3, 2015

        I’ll make a poll for this.LOL! Sure sure ate! God bless po!

        Like

  5. signorinamelrice
    October 3, 2015

    Gusto ko yung 1st, doc. At may kasama pang prescription ha? XD Pero mas magugustuhan ko to pag libre lang mula sa yo. Haha.

    2. Mata-touch talaga ang babae pag binigyan nito. Nakaka flatter kasi. May effort talaga. Basta ba ikaw talaga yung gumawa, hindi yung nagbigay ka lang ng pictures at pinagawa mo sa creative mong kaibigan. Dude, mag effort ka rin naman kahit sa ganitong mga bagay. Pero if di ka creative, walang problema! Basta ba with love ang pagka gawa mo, mangingiyak na syang i-flip ang pages nito. AND! Expect a tight hug and kiss from her dahil talagang mata-touch siya. πŸ™‚

    3. Hahaha. Para kasing part na to ng isang relasyon, or yung patungo pa dun. Perhaps, dahil din sa mga pelikula. Masasabi kasing sweet ang guy pag nagbigay ng mga ito, tho not literally because sweet ang chocolates. Hahaha. Actually, okay lang kahit walang chocolates. Yung flowers talaga ang parang big thing na gusto ng babaeng matanggap sa isang guy. Lalo na pag di pa nya naranasan ang tumanggap nito. Naku, more likely, pag first nya tong natanggap and from you pa, ipi-preserve nya to somewhere (inserted in a book, etc.)

    4. This is cool. πŸ™‚

    5. Natawa ako sa last statement dito. πŸ˜€

    6. Yung malaki sana para masabit sa dingding.

    7. “Ang pagmamahal ay wala naman sa lugar. Nasa puso iyon.” >>TRUE! Okay na okay nga din kahit street foods eh. πŸ™‚ wala talaga sa lugar yun. Ang importante, kasama nya ang taong nagmamahal sa kanya. πŸ˜€

    Congrats doc! πŸ™‚ Cheers to more years of blogging! πŸ™‚

    Your fan (of course you have, marami kami haha),
    Electric fan

    Liked by 1 person

    • signorinamelrice
      October 3, 2015

      Sorry, readers pala. Haha. Kala ko fan. XD
      Nahiya tuloy ako.

      Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      October 3, 2015

      Wow! Wow lang! I think so far, ito na ang pinakamahabang comment na natanggap ko.haha Parang isang article lang ah!LOL! Pero thanks Mel! I really appreciate comments. Kaya nga iniwan ko dati ang Tumblr kasing walang palitan ng komento.hehe Thanks for being a fan este reader.haha Subaybayan ang buong October! πŸ™‚

      Liked by 1 person

  6. Raphael Marabut
    October 1, 2015

    Nice post! Will definitely consider these gifts for my loved one. Haha ❀

    http://www.lifeandmoneyhacks.wordpress.com

    Liked by 1 person

  7. I Am Me
    October 1, 2015

    Congrats doc… Happy Anniversary!!! πŸŽ‰πŸŽ‰πŸŽ‰

    Liked by 1 person

  8. anghulinghugotero
    October 1, 2015

    Haha. Ang lagi kong regalo is a book. Pero laging may dedication sa loob.

    Liked by 1 person

  9. thatfatlady2992
    October 1, 2015

    Haha aniver-sorry!

    Liked by 1 person

  10. unjellanera
    October 1, 2015

    N/A HAHAHAHHA

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: