Ito ang unang pagkakataon na maglalagay ako ng ganitong post sa aking blog. Kung avid reader ka ng aking blog (naks! ginamit ko talaga ang salitang avid), mapapansin mong iisa lang ang pinapatunguhan ng mga paksang aking sinusulat. It’s all about love (pag-ibig). Kahit anong may kinalaman sa pag-ibig. Kahit anong pwedeng maiugnay sa pag-ibig. Kahit anong maisip kong patungkol sa pag-ibig. Kahit ano, basta ikaw. Ikaw kasi ang aking pag-ibig. 🙂
I want to inspire and encourage my co-bloggers here in WordPress, kaya magbabahagi ako ng aking kuwento.
Minsan ko nang inilagay ang link ng Breville Philippines sa isa kong post na may pamagat na “5 Ways to Love Yourself Before Loving Others” (click the link). Basahin mo na lang para makita mo kung paano ako gumawa ng isang sponsored post. Basahin mo din ang blog ko na “They want ‘sex’. I want ‘better than sex’.” Isang cake shop naman ang nagbigay sa akin ng product sponsorship. Masaya pala mag-blog kapag may ganoon. 😉
Dalawa sa mga kaibigan ko noong kolehiyo ang nagtatrabaho sa Breville. Sila ay parehong registered nutritionist-dietitian. Noong ika-26 ng Setyembre, inimbitahan nila ako na pumunta sa kanilang bloggers party. Tumanggi pa ako noong una kasi sigurado naman ako na karamihan sa mga pupunta doon ay food bloggers or lifestyle bloggers. Baka out-of-place naman ang aking blog kapag nagkataon. Cut the long story short, pumayag ako at pumunta pa din for experience.
Ang opisina ng Breville ay nasa 33/F ng Atlanta Center sa Greenhills, San Juan City. No I.D. no entry pala sa building. At wala akong dalang I.D. Epic fail! Nagpalit kasi ako ng bag ko noong umaga since sumali ako ng fun run with my officemates. To the rescue naman ang friend ko, kaya nakapasok pa din ako.
Talagang pinaghandaan at binigyan nila ng effort ang design ng venue. Creative! Hawaiian ang theme kaya naman may mga kuwintas kami na bulaklak. Mag-photo story na lang ako. 🙂
a. Sina Ms. Jertie and Jaclyn Abergas ng Jertie’s Kitchen ay nagsalita patungkol sa benepisyo ng juicing.
b. Ang mga prutas at gulay na aming ginawang juice. Tandaan ang 80-20 principle! 80% na gulay at 20% na prutas.
c. Comparison ng slow juicer at fast juicer. It took 1 minute for the fast juicer and 5 minutes for slow juicer. Magbasa ka sa www.juicingscience.com dahil iba ang may alam!
d. Ang kaibigan kong si Well na nagpapaliwanag ng mga myths about juicing. Nice one kapatid!
e. Si Doctor Eamer 🙂
f. Ang view from the 33rd floor. View-tiful!
g. Juice na! Green! Ang sarap!
h. One of the freebies namin. Thank you Breville Philippines! Check them on Facebook: www.facebook.com/brevillephilippines
i. Ang juice ay parang love. You need to create it. LOL!
j. Doctor Eamer’s Gayuma Juice 🙂
Nakakatuwa dahil madami din akong mga bagong bloggers na nakilala:
Mr. Gerry, (http://dude4food.blogspot.com/)
Ms. Joy (http://www.gastronomybyjoy.com/)
Ms. Lariza’s daughter (http://tasteofmwah.blogspot.com/)
Ms. Teresa (http://teresay.com/)
Mr. Alvin (http://www.daddydoodledoo.com/)
Ms. Ann (http://www.annjacobe.com/)
Ms. Jinkee (http://livelifefullest.com/)
Mr. Ruel (http://ruelumali.com/)
Ang mas nakakatuwa ay nanalo ako ng raffle na Breville Compact Kettle. 🙂
Hindi talaga ako sanay na magsulat ng ganitong style na parang diary. Kaya tatapusin ko na dito. May tatlong article akong isusulat dahil sa bloggers party na ito. Abangan ninyo sa October sa aking first blog anniversary. 🙂
1. Kulay ng Pag-ibig VS Kulay ng Juice
2. Are you worth the weight?
3. Doctor Eamer’s Gayuma Juice
Gayuma Juice! OMG. Papatok to, doc! Expect orders. :D.
LikeLiked by 1 person
Abangan mo ang article ko for this! 🙂
LikeLiked by 1 person
Nakakatuwa naman po 🙂 Kudos! 😀
LikeLiked by 1 person
Thanks bro! Bili ka na ng juicer! 🙂
LikeLike
Hapy juicing, kuya! 😂
LikeLiked by 1 person
Sarap ng juice bro! 🙂
LikeLiked by 1 person