Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

“Tayo” ay Isang Bukas na Liham

Open Letter

Buti pa itong title ng blog ko, may “tayo”. Kailan ba magiging “tayo” sa totoong buhay? Kailan ba natin masasabi sa isa’t isa ang mga katagang I love you, I miss you, Tara labas tayo, Kumain ka na ba?, Happy monthsarry, Nakauwi ka na?, Sweet night, Good morning, etc.?

Author’s Disclaimer: Ang mga panimulang pangungusap ay hindi mga hugot. Ito ay pawang mga kathang isip lamang. Pero ang mga ito ay totoo at tumatagos sa puso ng 7 out 10 Filipinos na nagbabasa ng blog na ito. πŸ™‚

Patapos na pala ang unang buwan ng ‘ber’ months! Ang bilis talaga ng panahon. Pero ang bagal ng tamang panahon. Kaya nga sinulatan ko si Tamang Panahon para naman malaman niya ang hinanain ninyo (natin). Basahin ang bukas na liham dito.

Sinimulan ko ang #SundaySeries para sa buwan ng Setyembre sa pamamagitan ng pagsulat ng mga bukas na liham: Para sa Saradong Puso, Para sa Tamang Panahon, To Mr. Right. Bilang pagtatapos ng series na ito, gusto kong ibahagi ang aking pananaw sa ibig sabihin ng isang bukas na liham.

Alam ba ninyong gumawa ako dati ng isang bukas na liham para sa isang totoong doctor? Ilang palitan ng komento din ang nangyari doon. Check the link for the whole article.

Ang isang bukas na liham ay para sa mata ng lahat. Kaya huwag kang magtataka kung may babatikos o may magkokomento sa liham mo dahil in the first place, you opened it to the public. Pero siyempre kung gagawa ka ng love letter para nililigawan mo, huwag na huwag mong gawing open letter. Medyo nakakasiguro ako na baka hindi ka niya sagutin. Keep it for both of you na lang. Kapag kayo na, saka mo gawing open to the public. But make sure may consent niya. Kaya hindi pa ako naglalabas ng Open Love Letter eh. πŸ˜‰ #abangan

Alam ba ninyong ang buhay natin ay parang isang bukas na liham din? Nababasa ito ng mga taong nakakasalamuha natin – pamilya, kaibigan, barkada, katrabaho, kaklase, atbp. Ang mga kilos, pananalita at kung paano tayo nakikisama sa kanila, ang nagiging laman ng bukas na liham natin. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga tao sa bukas na liham mo? Will they be amazed? Inspired? Motivated? Blessed? Or will they be disappointed? Nasasaiyo iyan. Kaya kung ako sa iyo, ayusin mo ang bawat titik at salitang ipapaloob mo sa bukas na liham mo. Unfiguratively speaking (if there is such a term), ayusin mo ang buhay mo! Be a better version of you. Ika nga ni Laida Magtalas, “version 2.0.”

Para sa mga taong malalapit sa akin o sa mga nakasalamuha ko na, feel free to comment sa aking bukas na liham. Kung may mga bagay or character akong dapat pang ayusin o baguhin, ikakalugod kong malaman ang mga iyon. I want to be a better version of me for the better future of “us”. Ano daw?!!!

Kapatid, pagnilayan mo ang mga verse na ito:

You yourselves are our [open] letter, written on our hearts, known and read by everyone – 2 Corinthians 3:2 NIV (Emphasis mine).

“It’s no longer you and I, but us.” – Excerpt from Hannah’s Vow (Love is Blog)

“There was never an ‘us’. There will never be an us.” – Β Steph (from the movie, Maybe This Time)

β€œSa dulo ng lahat ng ito, may nakikita ako, hindi ikaw, hindi rin ako… Kundi tayo.” – from the movie,Β The Break-Up Playlist

“Don’t be a better version of somebody else. Be a better version of you.” – Doctor Eamer

PS: Late post ito. Kahapon dapat pero hindi ko na kinaya dahil antok na antok na ako dahil galing akong trip sa Manila. Sorry sa mga nag-abang kahapon. BTW, I am watching “National Pabebe Wave Day” as I finish this post. Astig ang Eat Bulaga! Congrats po! #AlDubPaMore πŸ™‚

Photo Credit (here)

Occasionally, visitors may see an advertisement here.

place your ad here

Advertisements

14 comments on ““Tayo” ay Isang Bukas na Liham

  1. Melisa Sanchez
    October 6, 2015

    Our life is a testimony to everyone. We should live our life according to His will. And always bear in mind we can’t please everybody πŸ™‚
    Thank you for sharing and God bless!

    Liked by 1 person

  2. Nilyn Matugas
    October 6, 2015

    Woooot wooot, ALDUB! πŸ˜€ hehe. But it’s true, tayo mga Christians are open letters. And our challenge is makita si Christ sa buhay natin araw araw.

    Liked by 1 person

  3. signorinamelrice
    October 3, 2015

    Wow doc. Thanks sa verse, ngayon ko palang nakasalamuha ito. πŸ™‚

    Liked by 1 person

  4. njgparas
    September 30, 2015

    Open Love Letter?

    Liked by 1 person

  5. Cylla
    September 29, 2015

    Galinggg!!! Aldub ❀

    Liked by 1 person

    • Doctor Eamer
      September 29, 2015

      πŸ™‚ Nakapag-moved on na kasi ako. LOL! πŸ™‚ (referring to my comment to your last post) hehe

      Like

      • Cylla
        September 29, 2015

        hahahaha πŸ˜€ Makakamoveon din ako πŸ˜€

        Liked by 1 person

  6. mmvillancio
    September 28, 2015

    *clap clap clap* ang galing πŸ˜€

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: