Dear Saradong Puso,
Oo, ikaw nga. Alam kong naririnig mo ako kahit na hindi mo ako pinapansin. Hanggang kailan ka ba magbibingi-bingihan? Hanggang kailan ka magsasawalang bahala? Hanggang kailan ka magiging ganyan?
Kaytagal na din noong huli kang ngumiti at naging masaya. Subalit simula noong mangyari ang “bagay” na iyon ay nagbago ka na. Ngayon, hindi ka na marunong tumawa. Ngayon, parati ka na lang galit. Ngayon, ayaw mo nang makihalubilo. Ngayon, gusto mo laging mapag-isa.
Pitong taon na din ang nakalipas. Nagbago ang lahat sa iyo dahil sa “bagay” na iyon. Hindi na ikaw ang dating ikaw. Ang dati mong pusong mamon, ngayon ay pusong bato na.
Pagpapatawad. Alam kong mahirap pero iyon ang nararapat. Hindi kita masisisi dahil ikaw ay talaga namang nasaktan dahil sa “bagay” na iyon. Subalit dahil sa hindi mo pagpapatawad, ikaw ay nakakulong sa rehas ng poot, galit at paghihiganti.
Gusto kitang tulungan pero sana tulungan mo din ang iyong sarili. Sana bigyan mo ng pagkakataon ang iyong sarili na maging malaya sa mga rehas na iyon. At maging malaya sa mga bakas ng sugat ng kahapon.
“Hindi mo kasi naranasan!” Iyan ang palagi mong sinasabi sa bawat taong lumalapit sa iyo upang tulungan kang bumangon. Marahil hindi ko naranasan subalit hindi ko naman kailangang maranasan ang lahat ng bagay para lang ito ay maintindihan.
Bakit hindi mo subukang buksan ang iyong bintana para sa isang panauhing nagngangalang “Kasiyahan”? Bakit hindi mo dahan-dahang buksan ang iyong pintuan para sa isang espesyal na bisita na may pangalang “Pagmamahal”?
Naniniwala ako na kaya mo pang magbago, bumangon, at magmahal muli. Bakit hindi mo tuluyang iwanan sa nakaraan ang “bagay” na iyon? Ang mahalaga ay ang kasalukuyan dahil dito nakasalalay ang iyong kinabukasan.
Kapag nabasa mo na ang sulat kong ito, nawa’y magkaroon ka ng lakas para sa tuluyan mong pagbubukas.
PS: Sana’y makatulong ang mga ito.
Get rid of all bitterness, rage and anger, brawling and slander, along with every form of malice. Be kind and compassionate to one another, forgiving each other, just as in Christ God forgave you. – Ephesians 4:31-32
Consider it pure joy, my brothers and sisters,whenever you face trials of many kinds, because you know that the testing of your faith produces perseverance. – James 1:2-3
Do not take revenge, my dear friends, but leave room for God’s wrath, for it is written: “It is mine to avenge; I will repay,” says the Lord. – Romans 12:19
Here I [Jesus] am! I stand at the door and knock. If anyone hears my voice and opens the door, I will come in and eat with that person, and they with me. – Revelation 3:20 (Emphasis mine)
I pray that the eyes of your heart may be enlightened in order that you may know the hope to which he has called you, the riches of his glorious inheritance in his holy people… – Ephesians 1:18
Nagmamahal (Nagmahal na din at Magmamahal pa),
***
Ito na ang ikatlong buwan ng aking Sunday Series (Click the link to check the previous blog series). Nagsimula ang aking Sunday Series noong Hulyo na pinamagatan kong That Thing Called. Noong Agosto naman ay Single Empowerment. At ang napili ko ngayong buwan ng Setyembre ay ang Open Letter (Bukas na Liham). Muli ninyong subaybayan ang aking mga liham tuwing Linggo.
PS Plus: Inaalay ko ang liham na ito sa mga taong nabubuhay pa din sa kanilang nakaraan. Moving on is a choice kapatid. Maybe this is the best time for you to step forward. Cheers to moving on! Stay tune!
“Sa sobrang daming mga ‘bagay’ na aking iniisip, isang bagay lang naman ang nagpapasaya sa akin. Iyon ay ang katotohanang ‘bagay’ tayo.” – Doctor Eamer
Photo Credit (here)
PLACE YOUR AD HERE
Mahirap palambutin ang pusong bato. Sa totoo lang. 😀 Parang di ka na makadama. Lol
LikeLiked by 1 person
Mahirap pero posible. 🙂
LikeLiked by 1 person
move on move din kasi,hahaha, move on kay crush! iba ka talaga doc! 🙂
LikeLike
naks naman sir.. relate! hahahaa sakto ang bilang ng taon 😛
LikeLiked by 1 person
Hahahaha!! Ikaw pala yan eh.LOL! Move on na. 😉
LikeLike
hahaha oo naman 😉 nagsend na ng love letter sakin si Lord e tapos may P.S. Keep in your heart Isaiah 43:18-19 XOXO
LikeLiked by 1 person
Parang para saken yung verse a. 😔
LikeLiked by 1 person
Hahaha! Alin doon?haha
LikeLike
Secreeeet 😛 Hahahaha
LikeLiked by 1 person
All of the above.haha
LikeLiked by 1 person
Di naman. Mga 2 lang dyan. Haha
LikeLiked by 1 person
bumangon at magmahal muli.. haay.. 🙂
LikeLiked by 1 person
Parang hugot na hugot ka ah!!haha
LikeLiked by 1 person
hindi para sa akin ito kuya. haha.
LikeLiked by 1 person
Chat tayo FB! Pag-usapan natin ang blog mo!
LikeLike
Thumbs up 👍👍 galing galing!!
LikeLiked by 1 person
Uy thanks CeeJay! Keep blogging! 🙂 Cheers!
LikeLiked by 1 person
👍👍 Nag sstart pa lang po ako hahah. Galing niyo magsulat grabe ☺
LikeLiked by 1 person
Flattered naman ako doon sa sinabi mo. Thanks thanks! Mag-isang taon na ako dito.hehe You want to guest blog sa aking anniversary sa October? Let me know, isend ko sa email ang mechanics (super simple lang naman).haha Also, visit mo din FB Page ko.hehe https://www.facebook.com/iamdoctoreamer
LikeLike
Sure po I will try. Just send the mechanics thank you ☺ okay po.
LikeLike
Is this your email (ito ang nakalagay sa WP eh)? christiajoytagalag@yahoo.com
LikeLike
Yes po ☺
LikeLiked by 1 person
Email sent!
LikeLike
Napa smile ako rito: “Bakit hindi mo subukang buksan ang iyong bintana para sa isang panauhing nagngangalang “Kasiyahan”? Bakit hindi mo dahan-dahang buksan ang iyong pintuan para sa isang espesyal na bisita na may pangalang “Pagmamahal”?”
Napa tawa naman ako sa statement bago sa photo credit. XD
LikeLiked by 2 people
Single smile ang tawag diyan. Ngiting single.LOL! Abangan ang mga susunod pang #OpenLetter 🙂
LikeLiked by 1 person
Korek. Seryoso na eh. Damang-dama mo na. Tapos biglang babanat ng ganun. Haha.
LikeLiked by 2 people
Para naman hindi masyadong matamaan si Saradong Puso.haha
LikeLiked by 1 person
anong ads yan? looking for a partner? HAHA.
LikeLiked by 1 person
You gave me an idea.LOL #abangan
LikeLike
HAHA. ayokong i-like ang comment na yan. 😀
LikeLiked by 1 person
Kailan nga bday mo? 😉
LikeLike
malaking SECRET. 😀
LikeLiked by 1 person
Abangan na lang namin sa FB.haha
LikeLike
Hahaha. Uo nga pres. Grabe makapag twist si doc. XD
LikeLiked by 2 people
Sa birthday ni Pres, maglalagay tayo ng ads.haha
LikeLiked by 1 person