EARTH. Kapag inalis ang titik ‘H’ sa dulo at inilagay sa unahan, magiging HEART…
Wala lang akong maisip na introduction. Pero malalaman ninyo sa dulo kung anong connection nito sa isang mensahing gusto kong ibahagi.
Noong isang Lingo, nagkaroon ng Metro Manila Shake Drill. Simultaneous itong ginawa sa mga paaralan, business establishments, local government and private offices between 10 AM to 11 AM.
Pati kami sa UPLB ay nagsagawa din. Floor Marshall pa nga ako.
Bakit nga ba kailangan ng drill? Dahil ba kailangang paghandaan ang isang bagay na posibleng mangyari? Marahil. Baka naman napilitan lang magsagawa nito dahil may nag-utos. Siguro. Baka naman natatakot lang talaga sila. Ewan.
Paano kung ang puso o buhay pag-ibig natin ang lindulin? So kailangan ba nating magkaroon din ng drill para maging handa? Dapat ba tayong maghanda sa pagdating ng isang taong wawasak sa ating puso? Magnitude 7 and above. Iiwan tayo nang biglaan?
Sa totoong lindol, dapat ay tandaan daw ang DCH method. DUCK. COVER. HOLD.
Pero sa buhay pag-ibig, para maka-survive sa lindol, ano kaya ang method na dapat tandaan? (Possible future blog topic ito.hehe) Basta ang alam ko, HOLD ON to GOD no matter what happens. 🙂
Kailangan nating bantayan ang ating puso. Sabi nga ni Tito Mon, “Guard your heart above all else, for it determines the course of your life.” Minsan, our hearts will be shaken talaga. Kaya be ready. Our faith can be tested and shaken too! Sabi nga sa Hebrews 12:27, “This means that all of creation will be shaken and removed, so that only unshakable things will remain.”
Ang LINDOL ay parang PAGIBIG. Hindi mo alam kung kailan darating. Ang mas magandang gawin, paghandaan ito. Be emotionally prepared. Iwanan na ang pagiging immature. Be financially prepared! Matutong manamit ng mas maayos. Magpaganda/magpapogi pa. 🙂
“Everyone is preparing for the BIG ONE” – Rappler (Check the full article here about the West Valley Fault.)
“I am preparing for my THE ONE” – Doctor Eamer (Check the article here.)
Para naman sa ginawa kong introduction, ito ang gusto kong ibahagi:
Friendship. Courtship. Engagement. Marriage. Sex.
Paano kung naging… Sex. Friendship. Courtship. Engagement. Marriage.
May mga bagay na dapat in order. Kung baga sa paggawa ng isang produkto, dapat may proseso. Pasintabi lang po. Ito ay aking pananaw. Iginagalang ko ang pananaw ninyo. But this is anchored to my personal culture and faith. Anyway, mahabang kuwentuhan ito kapag itutuloy ko pa. Next week ko itutuloy. Try ninyo ding bisitahin ang Moral Revolution website ni Kris Valloton.
Just WOW. Agree ako sa lahat ng sinabi mo dito, doc. 🙂 Was smiling all throughout. 4 thumbs up. 😀
LikeLiked by 1 person
Hihihi. 🙂 Salamat! Ingat sa lindol. 😉
LikeLike
Yes, let us hold on to God, guard our hearts, prepare ourselves and follow the right sequence (You’ve arranged it in a proper order). Mabuhay ang mga single na naghihintay sa kanilang THE ONE! LOL!
LikeLiked by 1 person
Mabuhay! 😉
LikeLike
C.PARK!!!! Namiss ko na ang ULPB… Hay… >__<
LikeLike
Erratum: UPLB
Haha… saan ang ULPB?? >__<
LikeLike
Kapwa iskolar! Anong course mo dati?
LikeLike
Gusto ko yang heartquake drill na yan. Kaso kapag Duck, Cover & Hold pa din in-apply natin (apart sa Hold on To God na sinabi mo) mejo iba naiisip ko, mejo rated R lol.
Sarre, it’s just meh 🙂
LikeLiked by 1 person
hahaha! LOL! balik ka ulit UPLB!haha
LikeLike
Malayolayo. Dito na lang ako haha
LikeLiked by 1 person
Yeaa! Kahit ano pa mang lindol ang dumating, hold on to God no matter what happens! :))
LikeLiked by 1 person
Deep!
LikeLiked by 1 person
Hehehe! Malalim ang fault lines.haha
LikeLiked by 1 person
kaya malalim rin ang who-goat? 😀 Haha
LikeLiked by 1 person
Malalim lang mag-isip.LOL 🙂
LikeLike
Hmmm talaga lang ha? 😀
LikeLiked by 1 person
Hindi lahat ng humuhugot ay may pinagdadaan. Minsan, humuhugot dahil naisip lang. 😉
LikeLike
haha ou nga naman 😀
LikeLiked by 1 person