Doctor Eamer

PAG-IBIG ATBP.

Choose a man who is after God’s own heart

IMG_0114

Obviously, para sa mga girls ang message ko sa blog na ito.

Author’s long side note: Ginagawa ko ang blog na ito habang nakasakay ako sa bus. I’m on my way to NAIA. At kanina pa ako naiihi!!! Ganito pala ang feeling! Hindi ka mapakali. Ang gusto mo lang ay magpaka-busy para malimutan mong naiihi ka. Natext ko na nga lahat ng mga kaibigan at family na dapat itext, para lang maging busy. Nabasa ko na din ang mga blog articles that I save for offline reading. Unti na lang, Buendia na! Pero naiihi pa din ako! Kaya heto ako, nagsusulat (type) sa aking phone. May naka-line up na akong topic for this day to post pero mas gusto kong gumawa ng bago. Malalaman mo ang dahilan mamaya. 🙂

Back to my blog topic. So ayun nga, sa lahat ng mga readers ko na babae, kung pipili kayo ng magiging boyfriend o mapapangasawa, tingnan niyo kung kahit papaano ay “may lalim” siya sa kanyang pananampalataya. Para naman mahatak ka niya. Mukhang ikaw kasi ang kailangan ng pananalig. Uy, sapol siya!

Kidding aside, sa hirap ng buhay ngayon, pipili ka pa ba ng taong katawan lang ang habol sa iyo? Mukhang artistahin nga pero magaling ding umakto at magpanggap. Lolokohin ka lang sa bandang huli once na nakuha na niya ang gusto niya. Don’t get me wrong, I’m not generalizing. Hindi naman lahat ng artistahin gaya namin ay manloloko.LOL!

Kung hindi mo alam ang phrase na ‘man after God’s own heart,’ isa lang ang ibig sabihin, hindi ka nakakapakinig ng mga aral ng Bibliya. Si Haring David ang tinutukoy ng katagang iyon. Iyon ang tanyag sa kanya. Grabe kasi siya pagdating sa kanyang pananampalataya. He always inquire of the Lord before anything/anyone else. Masarap pakinggan ang kuwento niya. Kung sisimulan mo noong nakipaglaban siya kay Goliath (Click the link for the story) ay maaaliw ka.

Anyway, bili ka ng book ko. May isang blog ako doon na ang title ay “Pitong EX na Gusto Kong Pakasalan.” Baka makakuha ka ng katangiang aking inirerekumenda. I’m still accepting for second batch of printing. Drop me an email at iamdoctoreamer@gmail.com.

Hindi ko na papahabain pa, hindi naman talaga para sa mga babaeng readers ng blog ko ang post na ito. As I said, may naka-line up na dapat akong post ngayon pero I think this man is worthy of a slot in my blog. He is a man after God’s own heart.:-)

To my life coach/mentor (Kuya Wilbert):

Isang maligayang pagbati mula dito sa NAIA Terminal 3. Hindi kita mababati ng personal dahil nga on trip ako papuntang Vietnam. Kaya idadaan ko na lang sa isang blog ang aking pagbati.

Una sa lahat, bakit single ka pa hanggang ngayon?LOL! (Oopppss.. Girls, sorry. Single but reserved na iyan. Katulad ko.hehe)

Nagpapasalamat ako dahil ikaw ang tumayong leader ko simula noong freshman college ako. Ikaw ang nagpahiram ng mga notes sa Chemical Engineering course ko since same course tayo. You inspired me a lot lalo na noong nalaman kong ang taas ng grade mo sa Chem 32 na sinasabing mataas ang mortality rate. Salamat dahil hindi ka nagsawang magbigay ng oras mo para sa ating cell group at Bible study. Lagi mo nga kaming pinapa-page sa dorm. (4202 or 4201 ata ang room namin. I forgot.) Kahit ako na lang ang natira sa dami ng mga umattend sa cell group natin. Pero sabi mo nga, I’m one of the best.haha

Napakasuwerte ng babaeng papakasalan mo. Una sa lahat ay dahil insured ka. So kapag may nangyari sa iyo, madaming matatanggap si Misis.LOL! (Guys, he is a licensed financial consultant under Pru Life. Just in case interested kayo about life or health insurance, contact him. Click his about page here.) Pangalawa, sasabihin ko na lang sa kanya. 🙂 Pangatlo, ligawan mo na siya!

Ikaw ang isa sa mga taong nakilala ko na lubos lubos ang ngiting dala sa buhay. May problema man o wala, talagang nakangiti. Sabi nga, we can change the world through our smiles. Kita naman sa picture ng blog na ito diba? Nakakahawa ang positve aura na dala dala mo kuya. Keep it up!

Thank you sa mga librong binigay at pinahiram mo na ‘required’ kong basahin. Madami akong natutunan. Ikaw na ata ang best researcher ng mga libro! Kaya nga ang isa sa mga naisip kong advocacy ay ang Project LiBro (Click the link to know more about our advocacy). About books pa din.

Alam kong madaming mga tao ka pang matutulungan upang makamtam nila ang kanilang mga pangarap. Kasama mo ako sa adhikaing iyon.

Happy happy birthday Kuya! I declare all the best in your life! In Jesus’ name.

Naaalala mo pa ba ang unang Psalm na pinasaulo mo sa akin? Psalm 1. I also declare this to you.

Blessed is the one
who does not walk in step with the wicked
or stand in the way that sinners take
or sit in the company of mockers,
but whose delight is in the law of the Lord,
and who meditates on his law day and night.
That person is like a tree planted by streams of water,
which yields its fruit in season
and whose leaf does not wither —
whatever they do prospers.

I know that you are blessed! I know that you delight in His words. I know that you will yield fruits (finances, health, abundance) in every season of life. I know that you will never die down your faith in God. I that know that you will be prosperous. Cheers to a new year!

Joseph the Dr. Eamer

Check Kuya Wilbert’s Blogsite:

Author’s final note: Sorry guys, hindi umabot kahapon since ang hirap ng signal sa airport. Goooood moooorning Vietnam! 🙂 Abangan lagi tuwing Tuesday ang aking post.

Advertisements

2 comments on “Choose a man who is after God’s own heart

  1. PaperGiftsForEstefany
    August 9, 2015

    This looks like an interesting post. I wish I could read it in English! : )
    But the words I can read – ‘man after God’s own heart’ and Psalm 1 are great.

    Liked by 1 person

  2. signorinamelrice
    July 25, 2015

    Amen to this. 🙂

    Liked by 1 person

Anong masasabi mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: